00:00Issa sa pinakamahalagan dokumento ang birth certificate o katunayan ng kapanganakan.
00:07Pero wala niyan ang limang anak ng nanay na dumulog po sa aming tanggapan dahil ayaw umunong makipagtulungan ng tatay ng mga ito.
00:16Tinulungan siya ng team ng inyong Kapuso Action Man!
00:26Problemado ang inang si Sarah.
00:28Di niya tunay na pangalan sa anin kasi na anak niya.
00:31Ang panganay lang niya ang may birth certificate.
00:35Ayaw umunong pirmahan ng ama ang late registration of birth ng limang anak.
00:39Ito'y dahil hindi raw sumangayon si Sarah na magpalit ng reliyon noong nagsasama pa sila.
00:46Hiwalay na sila ngayon at hindi pa rin kasal.
00:48Pero ang problema ayaw pa rin daw nitong magbigay ng Affidavit of Admission of Paternity.
00:54Malaking dagok ito sa mag-iina.
00:57Lalo't isa ang birth certificate sa mga hinahanap na dokumento para makapag-aral sa kolehyo.
01:02Dumulog ang inyong Kapuso Action Man sa Philippine Statistics Authority o PSA.
01:07Para maiparegistro ang kapanganakan ng anak kung walang Affidavit of Admission of Paternity.
01:12Yung option po dito dahil hindi po kasal yung magulang, mag-a-apply ng late registration under the surname po ng nanay.
01:22So ang mangyayari dahil wala pong recognition, magiging unknown yung pangalan ng tatay sa kanyang birth certificate noong limang kanyang anak.
01:33Hindi na rin daw kailangan bumalik sa lugar ng kapanganakan para magparegistro.
01:36Makipag-coordinate lang sila sa local civil registry office for the late registration.
01:44May tinatawag tayo na out-of-town delayed registration.
01:48Ipapa-assess din daw ng PSA ang pamilya ni Sarah kung maaari silang maipasok sa birth registration assistance program ng ahensya.
01:56Ang late registration kasi upon compliance ng mga requirements, magkakaroon pa ng 10-day na posting.
02:05So ipopost pa yan ng ating local civil registry office and then after that, pag wala naman pong na-receive na complaint,
02:13dun pa lang po i-re-register yung birth certificate.
02:18Nagpapasalamat naman si Sarah sa tulong ng PSA.
02:20Tututoko namin ang sumbong na ito.
02:27Para po sa inyong mga sumbong, pwedeng mag-message sa Kapuso Action Man Facebook page
02:32o magtungo sa GMA Action Center sa GMA Network Drive Corner sa Maravinyo, Dilman, Quezon City.
02:37Dahil sa anumang reklamo, pang-abuso o katewalihan,
02:40tiyak, may katapat na aksyon sa inyong Kapuso Action Man!
02:50Hãy subscribe cho kênh La La School Để không bỏ lỡ những video hấp dẫn
Comments