Skip to playerSkip to main content
Pinagpapaliwanag ng Land Transportation Office ang motoristang naglagay ng isang aso sa trunk ng sasakyan. Depensa ng kapatid ng driver, maayos ang lagay ng aso na ni-rescue nila dahil hindi na naaalagaan ng iba.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinagpapaliwanag ng Land Transportation Office ang motoristang naglagay ng isang aso sa trunk ng sasakyan.
00:07Depensa ng kapatid ng driver, maayos ang lagay ng aso na nirescue nila dahil hindi na naalagaan ang iba.
00:14Nakatutok si Tina Pangaliban Perez.
00:18Viral ang post na ito ni Jay De Guzman tungkol sa paglalagay ng isang motorista ng aso sa trunk ng isang kotse.
00:25Pwento ng driver ni Jay, nalaman nilang may aso sa trunk nang biglang bumukas ang trunk at sumili pang aso.
00:32Tapos nakita ko mayroong aso na hingalingan lang, haba-haba na ng dila.
00:38Tapos sabi ko, oh ba't may aso ron? Sabi ko bakit doon nilagay yung aso. Sabi ko baka mamatayan.
00:45Sinara niya uli eh. Siyempre sabi namin baka masupukit yung aso.
00:50Sa updated post ng uploader, sinabi niya nag-message sa kanya ang kapatid ng driver ng kotse at sinabing okay naman ang aso.
00:58Iniligtas lang daw ang aso at natakot ang kanyang kapatid na mga gatang aso dahil bago pa lang sa kanila kaya nilagay ito sa trunk.
01:07Sinisikap namin kuna ng pahayag ang driver ng kotse.
01:10Pero nagpadala ang kanyang kapatid sa GMA Integrated News ng videos ng aso para ipakitang maayos ang lagay nito ngayon.
01:17Sabi pa ng kapatid, hindi masamang tao ang driver ng kotse, bagamat posibleng mali ang paraan ng pagbiyahe nito sa aso.
01:26Nilinaw rin niyang hindi sa pound galing ang aso, kundi sa isang kakilalang hindi na raw ito maalagaan.
01:33Pero naglabas na rin ang Land Transportation Office ng show cost order para maipaliwanag ng may-ari ng kotse at ng driver ang nangyari.
01:41Gayun din kung bakit hindi sila dapat kasuhan ng reckless driving at kung bakit hindi dapat suspindihin o bawiin ang kanilang driver's license.
01:51Ang Philippine Animal Welfare Society naman nakikipagtulungan na rin sa LTO at magsasampa naman ang kasong kriminal sa nagbiyahe sa aso.
02:00POS will be pursuing the criminal case. We are already drafting our complaint, criminal complaint against the registered owner.
02:09This is a clear violation of Animal Welfare Act.
02:12Nakalagay pa dun, if you place the animal in the trunks of vehicles, automatic, it is a violation under Section 4.
02:21Sakaling magliligtas ka ng hayop pero natatakot kang makagat nito, payo ng POS.
02:28With a towel, you can bring the animal inside the vehicle.
02:32Yun ang acid test eh. Ano ba yung cruel? Kaya mo bang maglagay ng tao in the same situation?
02:39Ayon sa POS, sakaling namatay ang hayop, 100,000 ang posibleng multa at hanggang dalawang taon ang kulo.
02:47Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatutok, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended