00:00Sa halip na magandang servisyo, pambabastos at pangmamaliit,
00:05umano ang natanggap na isang babaeng kumukuha ng TIN ID sa BIR Novaliche sa Quezon City.
00:12Terminated na sa trabaho ang inire-reklamong empleyado.
00:16Nakatuto, si Ma'am Gonzales.
00:21Napagulgol na lang ang babaeng ito sa videong ipinong sa TikTok
00:25matapos umanong maliitin at bastusin ng isang empleyado ng Bureau of Internal Revenue o BIR
00:31habang kumukuha ng kanyang TIN ID.
00:35Bakit kanyang ng employee niyo?
00:38Report mo. Ano ba yun?
00:40Bakit? Nasa government kayo.
00:44Grabe. Grabe.
00:48Ang help mo niya, tulong. Ang tao.
00:52Pero mayroon tayo tao dito.
00:56Kwento ni Nika Kadalin, pumunta siya sa BIR Novaliches nitong lunes
01:00para magpagawa ng TIN ID para sa trabaho.
01:03Ilang beses na umano kasing nag-error nang subukan niya ang online registration and update system o ORUS.
01:09Pero pagdating sa BIR Novaliches, nainis umano ang humarap sa kanya
01:13dahil hindi siya nag-online transaction.
01:15At nang ipaliwanag niyang nag-error ang sistema ng BIR
01:19at ipakita pang hindi ito gumagana sa kanyang cellphone,
01:22pinayuhan siyang umulit sa ibang oras o pumunta sa BIR National Office.
01:27Ayon kay Nika, maigse ang PC ng empleyadong nag-asikaso sa kanya
01:31na batay sa muka na papikit-pikit pa umano ay nagpipigil ng inis.
01:35Higit dyan,
01:36Nakakainsulto lang na all throughout our conversation,
01:41nage-English talaga siya.
01:43Na para bang gusto niyang ipamuka sa akin na ano,
01:48na dapat kong maintindihan lahat.
01:50Sobrang impatient niya,
01:52yung sarcasm, yung parang magmumuka ka talagang bobo.
01:59Na bat hindi ko daw maintindihan pa ulit-ulit nga lang daw siya ng sinasabi.
02:03Pinunan niya ang asal ng empleyado at lalo itong nagalit.
02:06Sabi ko, siguro po kayo kailangan na po magpahinga
02:09kasi baka po hindi po kayo ready to serve the people.
02:12Tumaas talaga yung boses niya.
02:14Tapos pagkakaalala ko, sabi niya,
02:16wala daw ang karapatan para sabihin yun sa kanya.
02:19Ang nag-viral na pag-iyak niya,
02:21nangyari nang kamustahin siya
02:23ng isang nakasaksi sa pagprato sa kanya.
02:25Noon na siya napaiyak sa habag sa sarili.
02:28Umalis na lang si Nika na hindi nakakakuha ng TIN ID.
02:31Sana matigil na to.
02:34Kasi imposibleng ako lang ang nakakaranas nito.
02:36Sana makuha natin yung justice.
02:38Nagainin ng reklamo si Nika sa Anti-Red Tape Authority
02:41pero wala paro silang tugon sa issue.
02:44Samantala, ayon sa BIR Novaliches,
02:46nag-leave na ang inireklamong empleyado
02:49mula ng mangyari ang insidente
02:50at terminated na siya sa trabaho simula November 1.
02:54Gayunpaman, inisuhan pa rin daw ito
02:56ng show cause order para magpaliwanag.
02:58Ayon sa Republic Act No. 6713
03:01o ang Act Establishing a Code of Conduct
03:04and Ethical Standards for Public Officials and Employees,
03:07dapat ay magpakita ng profesionalismo
03:10at dedikasyon sa trabaho at sa publiko
03:12ang mga empleyado ng gobyerno.
03:14Dapat ding lahat ng government employee
03:16ay magalang at maagap sa pagtugo
03:19ng pangangailangan ng publiko.
03:21Maaaring namang tumawag sa hotline 8888
03:23ang publiko kung may sumbong laban sa mga government employee.
03:26Para sa GMA Integrated News,
03:29Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.
Comments