00:00Ipinag-utos na ng Department of Transportation na ipagbawal sa mga security personnel at tauhan ng Office for Transportation Security na hawakan ang pasaporte ng mga pasahero.
00:12Ito'y kasunod ng umano'y insidente ng punit na passport modus.
00:16Tanging ang mga kinatawan lamang umano'y ng airline companies at Bureau of Immigration ang maaaring humawak ng passport.
00:23Kaugnay niyan, sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon na kasalukuyang nire-review ang CCTV footage ng naturang insidente kung saan isang senior citizen ang hindi nakabiyahe patungong Indonesia dahil sa umano'y napansin na punit sa kanyang pasaporte.
00:40At magpapadala din sila ng opisyal na paliwanag sa nasabing pasahero para malinawan ito sa buong pangyayari.