00:00Umarangkada na ngayong araw ang Balikatan Exercises 2025.
00:04Ito ang pinakamalaking pagsasanay militar sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
00:09Ang detalye sa Balitang Pambansa ni Patrick De Jesus ng PTV Manila.
00:15Dumepensa ang US sa deployment ng Navy Marine Expeditionary Ship Interdiction System
00:20o Nemesis Missile System para sa Balikatan Exercises 2025.
00:25Dati na itong inalmahanan China, pati na ang patuloy na pananatili ng mid-range capability o Typhoon Missile System,
00:32bagay na sinagot ng Amerika.
00:46Dumating na sa Pilipinas noong nakaranglinggo ang Nemesis Missile System
00:50at gagamitin ito sa Maritime Key Terrain Security Operations ng Balikatan sa Hilagang Luzon at Batanes Islands.
00:57Bagamat may simulated fire missions sa ibang kagamitan,
01:01hindi magkakaroon ng live fire ang Nemesis.
01:04Inaasahan ding mananatili pa sa Pilipinas ang Nemesis matapos ang Balikatan
01:08at posibleng gamitin sa iba pang pagsasanay.
01:11Lalaho ka ng labing apat na libong tropang Pilipino at Amerikano
01:15ang Balikatan Exercises 2025 na formal nang nagsimula ngayong lunes.
01:21Mayroon ding observers mula sa dalawampu pang bansa.
01:24Ito na ang ikaapat na pong beses na isasagawa ang Balikatan Exercises mula ng ilunsad dito noong 1991.
01:32Sumasalamin ito sa matibay na relasyon sa pagitan ng Pilipinas at US
01:36at magpapatibay sa 1951 Mutual Defense Treaty.
01:40Over the decades, it has adeptly responded to evolving threats,
01:46expanding its scope, and enhancing its significance.
01:51President Marcos Jr. has always recognized the historic and personal ties
01:55of the Philippines and the United States.
01:58Under his leadership, the government and our private sector partners
02:03are advancing our alliance in accordance with our shared security,
02:07economic, and social-cultural objectives.
02:11Alos na itong linggo, tatagal ang Balikatan,
02:14kung saan karamihan sa mga pagsasanay,
02:16ay isasagawa sa Ilagang Luzon at Palawan
02:18sa tema ng full battle test sa lupa, dagat, himpapawid,
02:23maging cyberspace.
02:25Wala raw itong kaugnayan sa posibilidad ng Taiwan invasion
02:28at hindi rin ito target ang isang partikular na bansa.
02:32Kasabay naman ng pagbubukas ng Balikatan sa Camp Aguinaldo
02:35ay ang kilos protesta ng ilang grupo laban dito.
02:38And it's a propaganda to discredit this activity
02:42which is very helpful to both our armed forces, the USNP.
02:46Samantala, pinasinungalinga ng AFP
02:48ang inilabas at pahayag ng People's Liberation Army Navy
02:52Southern Theater Command at China
02:54na itinaboy ang barko ng Philippine Navy
02:56na BRP Apolinari Mabini sa Scarborough Shoal.
02:59Tinawag ito ng AFP na isang uri ng malign information.
03:04Kasabay ng pag-iit na ang mga barko lamang ng Pilipinas
03:07ang may karapatan at otoridad
03:09na magtaboy ng iba pang barko sa loob ng ating maritime zone.
03:13Mula sa People's Television Network, Patrick De Jesus
03:16para sa Balita o Bansa.
Comments