00:00Bida ang mga pagkain at produkto ng mga bicolano sa trade fair sa isang mall sa Naga City.
00:06Kaya naman, ang DTI, kinikayat po ang publiko na suportahan ang mga maliliit na negosyante.
00:13Si Vanessa Nieva Paz ng Radio Pilipinas Naga sa Balitang Pambansa.
00:19Peel nuts, laing at bicol express.
00:21Iilan lamang yan sa mga authentic food na mga taga-bicol na tampok sa unang edisyon ng Feria de Camarines Featuring Delesyoso sa Camarines Sur.
00:31Ayon sa Department of Trade and Industry o DTI, ipinagmamalaki rin ng 130 exhibitors ang iba pa nilang produkto gaya ng beverages o inumi na gawa sa raw materials sa bicol.
00:43Lubos naman ang pasasalamat ng ilang micro, small and medium enterprises o mga maliliit na negosyante sa lalawigan sa pamahalaan dahil nabigyan sila ng pagkakataon na makalahok sa trade fair.
00:57Bukod sa nakikilala ang kanilang mga produkto, nadadagdagan din ang kanilang mga kita.
01:03So, malaking tulong kasi every time may mga events na katulad neto, nakikita yung produkto namin, naipopromote din nila sa iba.
01:12Nadadala din sa ibang bansa, lalo na kapag mayroong mga turista na papalabas ng bansa, yun, ginadala nila doon.
01:19O, syempre naman, kaya inaabang-abangan namin yung trade fair na in-organize ng DTI.
01:27Kaya pasalamat, laking pasalamat namin mga N-TREP na kapag ang DTI nag-organize ng mga trade fair.
01:36Pag mamalaki ng DTI Camarines Sur, pataas ng pataas ang kinikita ng mga MSMEs tuwing isinasagawa ang trade fair.
01:45At para maabot ang 3 million pesos generated sales ng mga MSMEs ngayong taon,
01:51hinikayat ng kagawaran ang publiko na bisitahin ang Feria de Camarines featuring Delisioso sa Robinson's Naga.
01:58Mula sa Radyo, Pilipinas, Naga, Vanessa Nieva Pass para sa Balitang Pambansa.