00:00Pista Pinas
00:30Ito ang Dinahit Ray sa Pandan Catanduanes, isa sa inaabangang highlights sa kanilang Dinahit Festival.
00:37Ang patimpalak na ito, paalala ninyo sa sinaunang paraan ng paglalayag gamit ang bangkang tinatawag ng mga tagapandan na Dinahit.
00:44So the Dinahit Festival is considered the oldest festival in the happy island of Catanduanes.
00:49Ang pinaka-highlight po ng Dinahit Festival ay ang mga maritime tradition.
00:55Tampok din sa pista ang mga tradisyonal na sayaw at mga produktong lokal na simbolo ng mayamang kultura at kasaysayan ng pandan.
01:05Pero higit na binibigyang parangal sa tatlong dekada ng selebrasyong ito, ang kabuhayang nakagisnan at ipinagmamalaki ng mga pandananon.
01:13Si Roger na isang dekada ng lumalahok sa Dinahit Ray, nagpapasalamat sa tulong na naibibigay ng patimpalak sa mga tulad niyang manging isda.
01:20Yung mga papremyo kasi, nagagamit din namin sa mga pagpaaral ng mga anak namin, nagagasto sa mga matrikula, gastosin sa bahay.
01:29Tulad ng buhay ng isang manging isda, sinusubok daw ng karera ang bilis, liksi at tibay ng bawat kalahok.
01:37Gaya ng kanilang pag-aon sa buhay at sa mga hamong hatid ng dagat.
01:41Leksyon sa buhay na sana raw ay matutuhan din ng mga kabataan.
01:45Sa mga kabataan na gusto rin ipagpatuloy itong aming ginagawa, habang mga bata pa kayo, mag-practice na kayo, matuto na kayong gumamit itong mga layag na ito para kayo na rin ang susunod na magiging champion ng Dinahit Festival.
02:02Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman. Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
Comments