Skip to playerSkip to main content
Pambabastos umano ng napala ng isang babaeng kukuha sana ng TIN I.D. sa BIR sa Novaliches, Quezon City.
Tinawanan at minaliit daw siya ng empleyadong humarap sa kaniya.
May report si Mav Gonzales.




State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Pambabastos umano ang napala ng isang babaeng kukuha sana ng TIN ID sa BIR sa Novaliches, Quezon City.
00:08Tinawanan at minaliit daw siya ng empleyadong humarap sa kanya. May report si Ma'am Gonzalez.
00:14Bakit kanya ng employee niya?
00:19Bakit? Nasa government kayo?
00:23Napaiyak si Nika Kadalin habang nasa opisina ng BIR Novaliches nitong lunes.
00:27Sa halip ng magandang serbisyo, minaliit at binastos umano siya nang nakausap niyang BIR employee.
00:44Kwento ni Nika, magpapagawasan na siya ng TIN ID na gagamitin niya sa trabaho, matapos na ilang beses mag-error ang online registration and update system.
00:53Nung sinabi ko na magpapagawa ako ng TIN ID, tinawanan niya ako na parabang...
01:00May mga kilos din daw ang nakausap niya na parabang nagpipigil ng galit.
01:04Tinawanan niya ako tapos may mga gesture siya gayos na ano yung parang...
01:07Ipinaliwanag daw ni Nika na nag-error ang online registration system ng BIR at ipinakita pang hindi ito gumagana sa kanyang cellphone.
01:31Sabi niya, maghintay na lang daw ako. Sabi ko, mga ilang days, weeks po ba ako maghihintay? Sabi niya, hindi ko alam.
01:38Nagyan niya pa ako ng option. Kung hindi ka makakapag-antay, sabi niya pumunta na lang daw ako sa National BIR office.
01:46Mas nagalit daw ang empleyado nang punahini Nika ang trato nito sa kanya.
01:50Sabi ko, siguro po kayo kailangan na po magpahinga kasi baka po hindi po kayo ready to serve the people.
01:56Tumaas talaga yung bosses niya. Ako sabi niya, wala daw ang karapatan para sabihin yun sa kanya.
02:02Umalis na lang si Nika na hindi nakakapuha ng tin ID.
02:06Inireklamo na raw ni Nika sa Anti-Red Tape Authority ang nangyari pero wala pa raw silang tugon.
02:11Ayon sa BIR Novaliches, terminated na sa trabaho simula November 1 ang inireklamong empleyado at inisuhan ng show cost order.
02:19Tila nakarelate naman ang maraming netizens sa karanasan ni Nika sa pakikipag-transaksyon sa ilang ahensya ng gobyerno.
02:27Nakasaad sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees na dapat magpakita ng professionalism at dedikasyon sa trabaho at sa publiko ang mga empleyado ng gobyerno.
02:39Dapat ding lahat ng government employee ay magalang at maagap sa pagtugo ng pangangailangan ng publiko.
02:45Kung may sumbong laban sa mga government employee, tumawag sa hotline 8888.
02:51Mav Gonzalez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended