00:00Lagpas kalahati na ng Fire Prevention Month at sa datos ng Bureau of Fire Protection,
00:05kumpara noong isang taon, mas marami ang naitalang sunog sa bansa mula sa umpisa ng Enero ngayong taon.
00:12Kabilang sa mga karaniwang pinagmula ng apoy ang open flame, embered sparks, kuryente at sunog sa sasakyan.
00:19Sa Iloilo City, 17 bahay ang natupok sa investigasyon ng BFP.
00:24Nagmula ang apoy sa napabayaang egg tray na sinindihan para raw pantaboy ng lamok.
00:30Pansamantalang nananatili sa barangay at daycare center ang mga nasunugan.
00:35Nagka-grass fire naman sa compound ng General Santos International Airport kaninang hapon.
00:40Sa tansya ng BFP na sa one-fourth ng bahagi ng lupain ng airport ang naapektuhan.
00:46Malayo naman ang grass fire sa perimeter ng runway 117 kung nasaan ang mga importanteng gamit ng airport.
00:52Walang sugatan at hindi rin naapektuhan ang operasyon ng paliparan.
00:56Sa Marikina, nasunog ang aabot sa 20 bahay sa barangay Tumana na pawang gawa sa light materials.
01:04Isang ginang ang napaulat na sugatan matapos makatapak ng matulis na bagay.
01:08Inaalam pa ang sanhi ng sunog.
Comments