Skip to playerSkip to main content
Wala nang buhay at nasakluban pa ng diaper sa ulo ang isang pating sa Zamboanga City. Nang sisirin ng mga diver, bumulaga ang sandamakmak na basura sa mga bahura! May report si Vonne Aquino.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Wala ng buhay at nasakluban pa ng diaper sa ulo ang isang pating sa Zamboanga City.
00:05Nang sisiri ng mga diver, bumulaga ang sandamakmak na basura sa mga bahura.
00:11May report si Von Aquino.
00:15Palutang-lutang ang patay na pating na ito nang makita ng isang dive group malapit sa Little Santa Cruz Island Sunbar sa Zamboanga City kahapon.
00:24Ang juvenile reef shark nasakluban ng diaper sa ulo.
00:28We were about to go home and we saw something floating among the garbage in the sea.
00:35So when we approached it, nagulat kami na shark pala siya.
00:39Posible raw na matay sa suffocation ng pating.
00:42Sharks have to continue swimming in order to get oxygen in their body.
00:46So once they stop swimming, wala na oxygen na makakadaan sa system nila.
00:51And this is caused of course obviously by the diaper.
00:53Sa underwater video na kuha ng kasama nilang banyaga, makikita ang maraming diaper sa corals.
01:00Kuha ito sa dive site sa dulo ng Small Santa Cruz at front area ng Big Santa Cruz, mga pangunahing tourist spot sa Zamboanga.
01:09Ngayong taon din daw, dalawang hawksbill turtle na critically endangered na ang kanilang nirescue sa gitna ng lumulutang na basura.
01:17Di na lamang ito sa city veterinary pero namatay kinalaunan.
01:22We suspect na naka-ingest sila ng plastics.
01:25Kasi ang kinakain ng mga turtles ay yung mga jellyfish.
01:30So minsan napapagkamala nilang jellyfish ang mga plastic kaya kinakain nila.
01:34Sa pagpapakita ng mga ganitong litrato, hangad daw ng grupo nila Harvey na mamulat ang lahat
01:39sa pangalim ng diwastong pagtatapo ng basura, di lang sa mga hayop kundi maging sa atin.
01:46Ayon kay UP Marine Science Institute Professor Deo Florence Odda, malaki ang kontribusyon ng karagatan sa oksigen ng mundo.
01:54Almost more than 60% of the world's oxygen is actually produced by the ocean.
02:00Yung mga maliliit na phytoplankton na parang halamang dagat, sa kanila nang gagaling yung mga oksigena na hinihinga natin.
02:07At habang ang mundo ay umiinit, habang ang mundo ay mas nagiging polluted,
02:12naapektuhan din yung kakayanan ng mga halaman na ito, ng mga halaman sa dagat na gumawa ng oksigen na yun.
02:20Payo niya, bawasan ang paggamit ng single-use plastic at magkaroon ng maayos na plastics pollution management.
02:27Von Aquino, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended