00:00Pansamantalang itinigil ng Amerika ang dagdag taripa nito sa mga ini-import mula po sa ibang bansa maliban sa China.
00:08Tumaas ang halaga ng stock sa Pilipinas at iba pa kasunod yan.
00:11Pero ano po ba ang efekto kung ituloyan lalo sa presyo ng bilihin at trabaho?
00:17Nakatutok si Ivan Mayrina.
00:22Inanunsyo ni US President Donald Trump sa 90-day pause o pagtigil muna sa pagpataon ng matataas na taripa o buwi sa mga ini-import nito.
00:2910% lang muna ang ipapataw sa lahat ng bansa maliban sa China na mula sa 104% ay itinaas pa sa 125% ang taripa.
00:38Ito'y matapos humiling ng negosasyon sa Amerika ang hindi bababa sa 75 bansa sa mga taripang ito ayon kay Trump.
00:45Kabilang sa nakipagundayan na sa United States Trade Representative o USTR ang Pilipinas na dapat ipapatawan ng 17% na taripa.
00:53We have communicated with them our desire to engage in a meeting or dialogue with them.
00:59And they have positively responded.
01:02So I will be scheduling a trip to the United States to meet with the USTR soon.
01:10Bukod sa one-on-one na pakipag-usap ng Pilipinas sa Amerika,
01:13may hiwalay ding hakbang bilang kaisa naman ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN.
01:18May pulong ngayon ang mga trade ministers ng ASEAN members.
01:21At inaasahin yigit nila ang pagkabahala sa epekto ng taripa.
01:25Every country will continue with their bilateral negotiations with the US.
01:30And concurrently conduct a regional discussion with the US.
01:38And the keywords are cooperation, not retaliation.
01:42Ang tarip o taripa ay buwis ay pinapataw sa mga produkto ng ibang bansa.
01:46Halimbawa, ang export ng Pilipinas na ipapasok sa Amerika, papatawan ng 17% tax.
01:52Para hindi malugi, tataasan na lang ang presyo nito pag binenta sa mga consumer.
01:56Dahil magmamahal, nagiging paraan ito para protektahan ng local products.
02:01Ang epekto sa Pilipinas, mas konting export at kita.
02:05Pero hindi lang Pilipinas ang pinapatawan, kundi lahat ng bansa, kabilang ang China.
02:09At dahil maraming produktong iniimport ng Amerika, hindi may iwasang magmahal ang mga produkto roon.
02:15Hindi tulad na maraming bansa, gaganti ang China ng dagdag ding taripa sa mga ipinapasok sa kanilang American products.
02:21Kaya magmamahal din ang mga produkto sa China.
02:24Ang problema ng Pilipinas ay ang mga iniimport itong produkto na mula Amerika at China.
02:28O ang mga produktong ang raw material ay mula sa dalawang bansa.
02:32Malamang, may dagdag presyo na agad yan bago pa dumating sa Pilipinas.
02:36Kung may trade-wise silang dalawa na pataasan sila ng tarif, yung input cost nun, indirectly, directly or indirectly, mararamdaman natin sa Pilipinas at sa buong mundo.
02:47Parang domino-epekto niyan. Ano mang produkto kasi na nagmamahal kahit pa-imported.
02:52Pwedeng makapagpamahal din sa iba pang produkto kahit local products.
02:56Kung mahal ang mga bilihin, kukunti ang benta ng mga produkto sa bansa.
03:00Kaya posibleng mag-desisyon ang ilang negosyo na bawasan ang produksyon nito na mga kailangan ng mas kaunting trabahador.
03:05Kung di man, tuluya magsara. Ibig sabihin, posibleng mauwi ito sa unemployment o kawalan ng trabaho para sa ilan.
03:12Yung unemployment rate natin nung nakaraan na araw na ilanggit ng PSA, nangangalib din yun.
03:18So, malaking uncertainty o walang kasiguruhan ang nangyari dahil po dito sa taripa na programa na gustong ipatupad ni Trump sa buong mundo.
03:31At dahil nga mas mahal na ang mga bilihin sa Amerika, magtitipid din ang mga dugong pinayroon.
03:37Mababawasan ang ating remittances, babagal ang paglago ng remittances natin.
03:43Hiwalay pa ang epekto kung mahirapan ang American companies na nag-e-employ na mga Pilipino sa buong mundo.
03:48Ang iba nga, may investment. Sangay o pabrika sa Pilipinas. Pwede rin silang mawala ng trabaho.
03:53Babagal yung global investments, yung global trade, babagal. Yung mga trabaho, babagal. Kahit yung OFW jobs.
04:00Kasi you're talking about the global supply chains around the world.
04:06Sa dami ng epekto, may ilan na may kontrol naman ng Pilipinas, particular sa export.
04:10Pwede kasing maghanap ng mga bansang pwedeng suplayan na mga made in the Philippines.
04:14Kailangan mag-diversify. Kasi masyado tayong concentrated sa US.
04:1817% ang total exports natin. Biggest export market natin. Asia yung may tarif eh.
04:24Yung mabansang wala naman eh.
04:26Pero kung kailangan talaga mag-export sa Amerika, may bentahe pa rin magagamit ang Pilipinas.
04:31Pangalawa sa pinakamababa sa ASEAN, ang 17% na taripang ipapataw sa mga produkto ng Pilipinas.
04:37Maaring maging oportunidad pangaraw ito ayos sa mga economic managers ng gobyerno
04:42dahil maaring makahikayat tayo ng mga mamumuhunan sa bansa.
04:45Sa kabila nito, ang free trade agreement o zero tariffs pa rin ang isusulong sa negosyasyon ng Pilipinas sa Amerika.
04:53Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
Comments