00:00Sa gitna ng kasayahan ngayong holiday season, may baalala ang Department of Health para matiyak na malusog pa rin nating sasalubungin ang bagong taon.
00:09Ang mga yan alamin natin sa Sentro ng Balita ni Joyce Salamat.
00:15Panahon ng pagsasaya at pagsasama-sama, yan ang holiday season para sa atin.
00:21Party doon, party dito. At syempre, hindi mawawala ang pagsasalo-salo ng pamilya.
00:27Pero sa kabila ng kasayahan na iyan na inaabangan kada taon, nagpaalala ang Department of Health sa ating mga kababayan na huwag pa rin kakalimutan ang kaligtasan at kalusugan.
00:40Para sa mga out-of-town trip o kahit na staycation lang, ugaliing tandaan na maging biya-healthy.
00:46Una dyan ang pagsusuot ng seatbelt, gayon din ang pagsusuot ng DTI-approved na helmet.
00:52Pero higit sa lahat, paalala ng DOH, maging kalmado lang sa kalsada.
00:58Ang traffic po ngayon, ayusin po yan ng ating MMDA at ng ating DPWH sa mga daan.
01:04Pero importante na tayo bilang mga nagmamaneho, kulang po tayo sa daan, iwasan po natin yung banggaan.
01:11So yan po yung mga road traffic injuries ating iwasan.
01:14Dagdag pa ng DOH, planuhin mabuti ang mga biyahe ngayong Kapaskuhan para iwas stress sa daan.
01:20Huwag tayo nga, kumbaga, pabalik-balik sa mga tindahan or mall.
01:24Mas maganda kung isang biyahehan na lang at lahat ng kailangan bilhin ay puntahan na po.
01:29Magkaroon tayo ng mga listahan para hindi tayo nagmamadili at hindi tayo na sa stress.
01:34Siyempre, pagdating sa kainan, hindi naman spoiler dyan ang DOH.
01:39Dahil ayon sa kagawaran, maaari naman kumain ang masarap.
01:43Pero tandaan, hinay-hinay lang at tiyakin pa rin ang disiplina.
01:48Ayon sa ahensya, tandaan na limitahan ang tinatawag na 4Ms.
01:53Matamis, maalat, matabak at mamantika.
01:57Wala akong sinasabi ang DOH sa bawal kumain.
01:59Ang sinasabi natin, dapat po yung tamang pagkain.
02:03Umiwas tayo or bawas-bawasan yung mga pagkain ma, yung mga matabak, matamis at maalat.
02:09Pwede tumikindi kayo, huwag nang sobra-sobra.
02:10Paliwanag ng health department, kabilang kasi sa mga kadalasang health-related issues tuwing holiday season,
02:17ay high blood at stroke dahil na rin sa hindi tamang pagkain.
02:22Sa isang upuan, huwag naman pong sunod-sunod yung mga plato.
02:25Dapat po sa pinggang Pinoy, one-fourth lamang nung ating pinggan yung nasa protina at taba.
02:31Ang mas marami, asekweng yung kalahati, ay doon sa gulay at prutas, tapos yung ating carbohydrates, yung mga pansit.
02:40Kasama po yun, pansit, pasta, kanin, dapat one-fourth lam po.
02:44Pagdating naman sa alak, ayon sa DOH, maiging iwasan na lang.
02:49Pero kung hindi talaga mapipigilan, may paalala ang kagawaran para hindi ito mauwi sa binge drinking
02:56o sobrang pag-inom sa maikling oras lamang.
02:59Para hindi tayo masabihang binge drinking, one standard drink per hour, asekweng, ano yung one standard drink?
03:06Isang bote ng beer o kaya isang baso ng alak, kupita, o kaya isang shot nung sinasabi na hard liquor.
03:14Yun po, dapat hindi lumalampas per hour para hindi ka mabibinge drinking.
03:17Pero kung pwedeng iwasan, huwag na lang.
03:20Kung maaari din anya ay iwasan na ang pag-yoyosi o di kaya'y pag-vivate.
03:24At para mas maging healthy pa, syempre, isa sa mga susi niyan ay gumalaw-galaw at mag-ehersisyo.
03:32Ayon sa DOH, ang pwedeng gawin dyan ay ang pagsayaw ng TikTok challenges o trends
03:38o di naman kaya'y performances sa Christmas party.
03:42Mahalaga po dito ang physical activity, no?
03:45Dahil as much as possible, sa isang linggo, dapat 150 minutes.
03:49Eh, paano natin bibilangin yun?
03:51Sa araw-araw, dapat meron tayong 30 minutes na tayo ay kumikilos na medyo yung tibok ng ating puso ay tuwataas.
04:00Hindi naman kailangan na hinihingal tayo, pero dapat medyo may pawis kang mararamdaman ng konti.
04:0430 minutes per day, 5 days per week.
04:07Kaya yung mga sumasayaw ng mga latest TikTok dance trends nila, magandang i-practice yan.
04:13Pati yung mga sasayaw para sa Christmas party, kasama na rin po yan sa physical activity.
04:18At para siyempre, kumpleto ang ating bahagi ng katawan sa Pasko at pagsalubong sa bagong taon,
04:24hinimok din ang DOH ang ating mga kababayan na umiwas na gumamit ng paputok.
04:31Maigi umanong gumamit na lang ng ligtas at alternatibong pampaingay at pailaw
04:36o di naman kaya'y manood na lang ng community fireworks.
04:40Huwag na ho tayong magsindi.
04:41Maganda ho sana kung yung mga professional nilang.
04:44At huwag nang pahawakin ang mga bata at ang mga nakainom sa paputok.
04:49Sa nalalapit na pagtatapos ng isa na namang bagong taon,
04:53mahalagang maipagdiwang natin kasama ng ating mga mahal sa buhay
04:57ang ating mga napagtagumpayan sa loob ng ilang buwan.
05:01Pero huwag kakalimutan, mahalagang magsimula tayo ng panibagong taon
05:06ng kumpleto at maayos ang kalusugan.
05:10Joy, salamatin para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.