00:00Tumulong din ang Department of Health sa mga lugar na binaha.
00:04Kabilang sa mga naibigay ng DOH ay mga gamot na nagkakahalaga ng 31 million pesos.
00:10Kasama na dito ang antibiotics sa impeksyon tulad ng amoxicillin, paracetamol at mefenamic acid para sa lagnat at sakit,
00:18skin ointments, mga tablets para sa ubo at sipon at orisol para sa diarrhea.
00:24Ipinamahagi ang mga ito sa Ilocos, Cagayan Valley, Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas at Northern Mindanao.
00:32Nakastandby din ang 180 million pesos na halaga ng emergency at supplies na handang ipamigay kung kinakailangan.
00:41Binigyan din ang mga bakwit ng hygiene kits, breastfeeding kits, drinking water container,
00:47prophylaxis laban sa leptospirosis at chlorine tablets upang magiging malinis ang tubig inumin.