Skip to playerSkip to main content
  • 1 year ago
Panayam kay DOJ Usec. Margarita Gutierrez kaugnay sa pagtalaga ng OIC sa B.I.

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:30 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang hapon sa iyo, Usec Marge.
00:02Magandang hapon sa iyo, Nina.
00:04And happy Eternal Tuesday.
00:06Eternal Tuesday kami ngayon, Usec Marge.
00:08At syempre tatalakayin muna namin ang mga balita at update mula sa inyo dyan sa Department of Justice.
00:15Ito nga nag talaga ng OIC, sa Bureau of Immigration.
00:20Ano ang detali dito, Usec?
00:23Itinalaga ni Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulia,
00:27si Deputy Commissioner Attorney Joel Anthony Viado bilang officer-in-charge ng Bureau of Immigration.
00:34Ito ay matapos aprobahan ni Pangulang Ferdinand R. Marquez Jr.
00:38ang rekomendasyon ni Secretary Remulia na alisin sa pwesto bilang hepe ng BI si Commissioner Norman Tancinco.
00:45Ayon kay Remulia, inirekomenda niya ang pagpapatalsi kay Tancinco
00:49dahil sa kakulangan nito sa pag-aksyon sa iba-tibang issue na hinaharap ng ahensya sa ilalim ng kanyang liderato.
00:56Samantala, nagpahayag naman ang kalihim ng supporta para kay Viado bilang caretaker ng BI.
01:03Magsisilbi bilang OIC ng Bureau of Immigration si Viado hanggang makapagtalaga ang pangulo ng panibagong commissioner ng ahensya.
01:12At Usec, may pahayag din na ang DOJ matapos mapasakamay ng mga otoridad si KOJC leader Apollo Quiboloy.
01:22Pinuri ni Justice Secretary Jesus Crispin si Remulia ang ipinakitang dedikasyon ng law enforcers sa pagtugis
01:29kay Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy.
01:32Ayon kay Remulia, hindi nagpatinag ang otoridad na pinangungunahan ng Philippine National Police
01:38sa pagkahanap kay Quiboloy sa loob ng halos dalawang buwan nitong pagtatago.
01:43Anya, ang tugampay na ito ay patunay sa professionalism ng otoridad at dedikasyon na ipinatupad ang batas anuman ang hamon ng kanilang harapin.
01:54Samantala, nangako naman ang kalihim na masusunod ang due process sa kaso ni Quiboloy na nahaharap sa human trafficking at child abuse charges.
02:04Uunahin anya ang mga kasong hinaharap ni Quiboloy dito sa bansa,
02:08bago pagbigyan ang magiging extradition request ng Estados Unidos kung saan nahaharap din siya sa patong-patong na kaso.
02:26Binati ng mga kongresista ang Department of Justice sa naging mga achievements ng kagawaran ngayong 2024.
02:32Sa nakalipas na budget hearing ng Kamara para sa panukalang Php 40.6 billion budget ng DOJ sa susunod na taon,
02:41personal na dumalo si Justice Secretary Jesus Crispin Remulia upang pangunahan ang pagpresenta sa budget ng ahensya.
02:49Ini-report ni Remulia ang naging achievements ng DOJ mula noong July 2022
02:55kabilang ang pagtaas ng prosecution rate sa 89.55% noong 2023 mula sa 88.65% noong 2019.
03:06Tagumpay din na ibaba ng DOJ ang case backlog sa 4,264 noong 2023 mula sa 11,691 case backlog noong 2019.
03:20Ibinida rin ng ahensya ang 100% processing rate ng applications para sa Victims Compensation and Witness Protection noong nakaraang taon.
03:30Ayon kay Remulia, sisiguruhin ng DOJ na madadagdagan pa ang mga tagumpay nito sa mga susunod na buwan sa tulong ng pag-aproba ng Kamara sa 2025 budget ng kagawaran.
03:43Pinuri ng Manila Now Del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adyong si Remulia at ang DOJ dahil sa pagpapahalaga sa mga refugees
03:53sa pamamagitan ng epektibong pagproseso sa mga working visa applications ng mga refugees.
04:00Nakatakdang talakayan ang budget ng DOJ sa plenary na mababang kapulungan sa darating na September 16.
04:08Maraming salamat Usec Marge, ang daming updates sa DOJ ngayon na laman talaga ng mga balita ang inyong departamento.
04:18Very busy talaga ang aming kagawaran ngayon dahil sa mga balita na ito at happy kami sa mga naging achievements natin.
04:25Well it's a great start of the week, it's only Tuesday so maraming salamat sa iyo Usec Marge mula sa iyong mga ibinahagi sa Department of Justice.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended