00:00Mahigpit na pinababantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Malampaya East 1 o ang nadiskubing pinakabagong major natural gas field sa bansa.
00:09Ayon sa Malacanang, ipinagutos ng Pangulo sa Philippine Coast Guard ang mahigpit na pagbabantay sa Malampaya para masiguro ang yamang enerhiya ng bansa.
00:18Kauglay nito, tiniyak ng PCG ang planado at maingat na paglagay ng kanilang 97-meter offshore patrol vessel sa Malampaya East.
00:26Kasama rin ilalagay doon ang dalawang 44-meter patrol vessel at aerial assets ng PCG.
00:32Tinatayang may 98 billion cubic feet of natural gas ang Malampaya East 1 na kayang mag-supply ng kuryente sa milyong-milyong kabahayan at gusali sa loob ng isang taon.
00:45Ayon sa Coast Guard, layunin ang Pangulo na masiguro ang walang patid na pagbabantay at pagprotekta sa Malampaya East 1 sa gitna ng importansya nito.
00:55Sa seguridad ng enerhiya at pambansang interes.
Comments