00:00Una po sa ating mga balita, kasabay ng pagsisimula ng school year 2025-2026,
00:07inilatag ni PNP Chief Nicolás Torre III kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:12ang mga ipinatutupad na siguridad sa mga paaralan at pinaiting na police visibility.
00:18Sa naging pulong ni na Pangulong Marcos Jr. at Torre, ipinakita ng liderato ng PNP
00:23ang mabilis na pagresponde ng mga polis sa emergency call 911 hotline.
00:28I-binida din sa presidente ang live footage mula sa mga body camera na suot ng mga polis habang nagpa-patrolya.
00:36Dito ay makikita na sa loob lamang ng 3 hanggang 5 minuto ay kayang responde ng mga polis.
00:42Git ng leader ng PNP, refleksyon nito ng modernization program sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos Jr.
00:50Tinak din ni Torre na nasusunod ang direktiba ng Pangulo.
00:53Ito ay ang alisin ng police boxes at sa halip ay mag-deploy ng mga polis sa lansangan.
01:00Magpa-patrolya at panatilihing bukas ang linya ng komunikasyon para agad na makatugon sa mga humihingi ng saklolo.