00:00Patuloy na tututukan ng pamahalaan ng online safety ng mga kabataan
00:04kasunod ng pag-alis ng bansa messaging platform na Discord.
00:08Ayon kay Palace Press Officer under Secretary Claire Castro,
00:11patuloy ang pagtutulungan ng DICT Cybercrime Investigation and Coordinating Center, CICC,
00:17at Philippine National Police sa pagtukoy kung paano nakakaapekto sa mga kabataan ang mga online platforms.
00:25Sinabi ni Castro na hindi lang sa Pilipinas nangyari ang ganitong phenomenon
00:29at tinitignan na rin kung paano nakakaapekto ang social media sa pag-iisip at pag-uugali ng mga kabataan.
00:36Ayon sa Palacio, kailangan makapaglatag ng angkop na regulasyon para rito.
00:43Sabi nga ng Pangulo, siya mismo po, nung nakita niya at nabasa niya yung note,
00:48nung batang nagsagawa nito, kamakilan lamang dito sa Cotobato,
00:54hindi niya mawari kung bakit ang isang matinong bata ay papasok sa gantong klaseng karahasan.
01:02So yun ang dapat natin makita kung ano ang nagmumolde sa kanilang mga isipan,
01:07bakit humahantong sila sa gano'ng klaseng karahasan.