00:00Tumapang ang isang lalaki sa loob ng isang kainan sa Padre Garcia, Batangas, para nakawid ang cellphone ng isang crew.
00:08Sa Malolos, Bulacan naman, isang nakaparadang motorsiklo ang tinangay ng isang lalaki.
00:13At narito ang unang balita.
00:19Nakaparadang isang motorsiklo sa labas ng isang bahay sa Malolos, Bulacan noong October 4 ng gabi.
00:25Maya-maya, isang lalaki ang tumawid mula sa kabilang banda ng kalsada at nilapitan ng motorsiklo.
00:32Agad siyang sumakay sa motor.
00:34Tinaandar ito at umalis.
00:36Inamin na may ari na naiwan niyang nakapasok ang susi sa motorsiklo.
00:41Saka madali ko pong mag-CR po, naiwanan akong susi ko po.
00:46Ngayon po, nung nasa CR na po, narin ko po yung motor ko po, umandar po.
00:51Paglabas daw niya ng bahay, wala na ang kanyang motorsiklo.
00:54Nakunan sa CCTV ang muka ng tumangay sa motorsiklo.
00:58Palagi na may ari, dayo lang ang nagnakaw sa kanilang lugar.
01:03Inireport na ng biktima ang insidente sa pulisya.
01:06Handa rin daw siyang magbigay ng pabuya sa makapagtuturo sa nagnakaw sa motorsiklo.
01:11Kung mapapanood mo ito, dumabang ka ng patas, hinulugan ko ng tatong taon yung motor na yan, pinagtrabahoan ko yan,
01:19ibalik mo na lang, pakiusap ko kung sino man po makakilala o makakita sa taong ito, ipagbigay alam sa kapulisan.
01:26Sa Padre Garcia, Batangas, patingin-tingin sa paligid ang isang lalaki sa isang kainan.
01:33Kalaunan, umupo siya sa kadahan-dahang gumapang papasok sa loob ng kainan.
01:38Ang target pala niya, isang cellphone na nakapatong sa mesa.
01:42Nang makalapit, agad niyang kinuha at ibinulsa ang cellphone at umalis.
01:48Ang cellphone ay pagmamayaari ng tauha ng kainan na nooy abala sa paghuhugas ng mga plato.
01:54Inireport na ang insidente sa pulisya para matukoy ang salarin.
01:58Ito ang unang balita. Gabriel Gonzalez, GMA News.