00:00Matagumpay na nagtapos ang partisipasyon ng Pilipinas sa 9th China International Import Expo 2026
00:07na ginanap sa National Exhibition and Convention Center sa Shanghai, China.
00:12Pinangunahan ng Center for International Trade Expositions and Missions
00:16ang delegasyon ng Pilipinas sa ilalim ng Food Philippines banner,
00:20katuwang ang Department of Agriculture.
00:22Tampok sa aktibidad ang 30 food manufacturers at exporters
00:26na nagpakilanan ng kanilang mga dekalidad na produktong pagkain, inumin at sangkap na gawang Pinoy.
00:33Dumalo sa pagbubukas ng Philippine Expo si Philippine Ambassador to China Jaime Flor Cruz
00:38bilang pagpapakita ng patuloy na pagsusulong ng Pilipinas sa mas matatag na ugnayang pangkalakalan at pang-ekonomiya sa China.
00:46Samantala, nagbigay ng mahalagang risulta ang paglahok ng bansa sa Expo
00:50dahil sa mga kasunduan na nilagdaan para sa frozen durian.
00:54Patunay lamang ito sa lumalaking demand sa mga produktong agrikultura ng Pilipinas sa merkado ng China.