Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00What is possible to landfall on Bagyong Emong?
00:12According to the news, it will be found to be reached to the river.
00:17It is possible to landfall on western Pangasinan or La Union or Ilocos Sur.
00:24State of Calamity na sa buong Bataan, Cavite at Pampanga dahil sa mga nagdaang bagyo.
00:33Nagdeklara rin ang State of Calamity ang 12 lungsod at 31 bayan.
00:39Hindi pa man nakakabangon mula sa mga nagdaang bagyo at habagat, ilan sa mga lugar na yan ang inaasahang maaapektuhan din ng Bagyong Emong at ng pinalalakas nitong habagat.
00:54Habagat na pinalakas ng dalawang bagyo ang inaasahang magpapaulan sa maraming lugar sa bansa, kabilang ang Laguna.
01:02Sa Calamba, abot-bewang na ang baha dahil sa pagtaas ng tubig sa Laguna de Bay.
01:08Saksi live si Von Aquino.
01:14Di na lumampas na sa critical level ang antas ng Laguna de Bay at ang epekto nito, ramdam na sa ilang bayan at syudad dito sa Laguna.
01:24Lumampas na sa critical level ang water level ng Laguna de Bay alas 10 ng umaga kanina.
01:33Ayon sa Laguna Lake Development Authority o LLTA, umabot na ito sa 12.62 meters.
01:40Mas mataas sa 12.50 meters na critical high threshold nito.
01:44Kapag ganito, sa assessment ng LLTA, aabuti ng ilang buwan bago ito bumalik sa normal level kahit mabawasan ng pagulan.
01:52Mag-aala sa ispo ngayong gabi ganito po yung sitwasyon dito sa Aplaya Baywalk sa Calamba City sa Laguna,
01:59kung saan maikita po natin yung tubig ng Laguna de Bay ay narito na po sa Aplaya.
02:04Yun nga po pagitan halos hindi na makita dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig.
02:09At sa kabila nga ng delikadong sitwasyon dito sa lawa, ay nagpatuloy pa rin yung ilang mga manging isda sa pagpalaot.
02:14Pahirapan naman ang paglikas ng ilang residente sa barangay Parian, Calambas City, Laguna dahil ayaw nilang iwan ang kanilang bahay.
02:36Sa isang village doon, abot paywang na ang lalim ng baha.
02:40Nagdulot naman ang mabigat na daloy ng trapiko ang baha sa Main Road, Manila-Calamba Road.
02:46Nanadili naman sa dalawang evacuation center ang nasa 111 pamilya na nakatira sa tabi ng ilog sa barangay Parian, Calamba, Laguna.
02:54Baga matumupa na ang baha ang ilan, hindi pa rin muna raw babalik sa kanilang bahay bilang pag-iingat sakaling lumakas muli ang ulan.
03:03Bigla po kasing lumakas ang ulan, binaha po kami, inabot kami doon sa aming bahay. Ngayon lang po yung nangyari.
03:10Yung sa kabila po, San Cristobal River yun, nanggagaling daw yun sa taas, sa kabiti.
03:18Tapos pag malakas ang ulan po doon, dito po ang tuloy.
03:22Tapos yung kabilang ilog naman po, yung San Juan River, ang tubig naman po doon ay nanggagaling sa Batangas.
03:28Pag malakas ang ulan po, dito rin po ang tuloy. Kaya pag nagsalubong yan, wala na po, bahala na.
03:33Sa Paete Laguna, pumasok na sa Manila East Road National Highway ang tubig ng Laguna Lake, kaya naman nahirapang makaraan ang mga motorista.
03:41Nanawagan ng lokal na pamahalaan sa mga nakatira sa mababang lugar na lumikas na.
03:46Nagsagawa ng forced evacuation sa Zone 2 Cluster Area sa barangay GSIS, San Pedro City, Laguna.
03:53Dahil sa antas ng lawa, mariing hinihikayat ng LLDA ang mga residente sa lakeshore at flood-prone communities na maghanda para sa posibleng evacuation.
04:02Pinapayuhan din nila mga LGU at DRRMO na i-activate ang kanilang contingency plans at makipag-ugnayan sa LLDA at iba pang concert agencies.
04:12Mapit ang paa.
04:14Buwis buhay ang pagtawid ng mga residente sa Liliw, Laguna sa gitna ng rumaragasang ilog.
04:20Halos di na makita ang tulay na kahoy sa taas at bilis ng agos ng tubig kasunod ng tuloy-tuloy na pagulan.
04:27Ganyan din ang peligrong sinuong na mga tungatawid sa maliit na tulay sa bayan ng kami.
04:32Tumulong na mga pulis para tiyakin makatawid sila ng ligtas.
04:36Sa bayan naman ang Mabitak, mistulang ilog na ang kalsada dahil sa baha.
04:41Pahirapan ang biyahe at may tumirik ng mga sasakyan.
04:43Patuloy na nakamonitor ang MBRRMO ng Mabitak.
04:47Tina sa mga oras na ito ay tumila ng ulan dito sa Calambano pero lumakas yung hangin.
04:58Panalangin nga ng ating mga kababayan dito sana huwag nang lumakas yung ulan ngayong gabi para makauwi na sila sa kanika nilang mga bahay.
05:04Karamihan kasi doon sa mga binahang lugar ay humupa na dito naman sa Aplaya, hindi naman tumaas yung tubig kumpara kaninang hapon.
05:12At live mula rito sa Calambas City sa Laguna para sa GMA Integrated News.
05:16Ako si Vona Quino, inyong Saksi.
05:18Mga kapuso, maging una sa Saksi.
05:21Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended