00:00Update tayo sa siguridad para sa 49th ASEAN Summit.
00:04Makakapanayin natin si Police Brigadier General Christopher Abrahano,
00:07hepe ng National Capital Region Police Office o NCRPO.
00:10Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
00:14Magandang umaga po at sa lahat ng nakikinig sa inyo at nanonoon, magandang umaga rin po.
00:18Apo, kamusta po yung pagpapanatili ng kaayusan at siguridad sa day 2 ng ASEAN Summit?
00:23Patuloy po yung security operations ng NCRPO kasama yung mga partner agencies natin dito sa ASEAN Summit.
00:33Kasama sa binabantayan natin yung venue, yung building hotels, yung ating mga visiting leaders,
00:42pati na yung mga ruta na dadaanan nila.
00:45So, tuloy-tuloy po yung operations natin ngayon.
00:48Bakit po umantong sasakitan at tapagka-aresto ng ilang rallies na yung kinusprotesta sa liwasang Bonifacio kahapon?
00:55Meron po tayong advisory, at ito naman po ay nakasaad sa ating batas na yung mga rallies dapat maaganap doon
01:03sa mga freedom parks.
01:05Pinapayagan po naman natin yung expression ng ating mga kababayan.
01:11Pero once na lumabas sila doon at pumilit na pumasok doon sa ating mga security exclusion zones,
01:19tulad ng Ross Boulevard, tapos yung areas papuntang PICC,
01:23e talaga pong pipigilan na po ng kapulisan natin.
01:26At hindi po maiwasan dahil,
01:28siyempre, kailangan natin protektahan din yung security operations ng ASEAN.
01:35Kaya po umantong sa pagkaka-aresto ng ibang mga ralista doon sa liwasang Bonifacio.
01:42Sabi po ng grupong Kilosang Mayo Uno,
01:44iligal daw yung pag-aresto ng PNP dahil ginawa sa loob ng Freedom Park.
01:48At mga pulis daw yun ang gulo at ng haras.
01:50Ano pong reaksyon nyo dyan?
01:51Welcome po yung kanilang opinion.
01:54At isasampan naman po namin yung kaso.
01:56Mabibigyan po sila ng opportunity para i-defensa yung kanilang mga posisyon.
02:00Pero sa ganang atin, sa PNP, lahat po ng pagbibigay, ibinigay natin.
02:07Yung pong maximum tolerance ay pinairal natin.
02:10Pero once na lumabag na po sila sa batas natin,
02:14wala pong magagawa mga pulis natin kundi i-implement yung ating batas.
02:18Pero sa loob nga po ba ng Freedom Park sinagawa yung mga pag-aresto?
02:22Makikita po natin yan.
02:24Meron po mga footages, may documentation naman.
02:27At makikita natin, umalis po sila doon sa Freedom Park.
02:30Nagpumilit po talagang i-breach yung line na mga pulis doon sa labas ng Freedom Park.
02:36So wala pong magagawa yung mga pulis natin.
02:39Kundi sabi ko nga, arestuhin yung mga dapat arestuhin.
02:43Bakit na po hindi agad nabigyan ng access sa kanilang mga kaanang at abogado
02:46yung mga na-aresto din sa kilos protesta sa Muntinlupa?
02:51Unang-una, yung pong kampo natin, yung Camp Bagong Biwa, is a camp.
02:58Hindi po siya detention facility.
03:02Pero, kaya may mga procedures na sinusunod.
03:05Pero unang-una pa lang, nung itinawagan ako ng kanilang mga representatives,
03:09kinausap po po yan at sinabi ko, mayroon lang po proseso na gagawin.
03:13At apparently, hindi yata sila makapag-antay.
03:16Pero makikita naman, talagang in-entertain sila ng mga kapulisan natin.
03:19So, nakapasok yung mga kanilang mga abogado, yung kanilang mga pamilya.
03:24Kaya hindi po totoo yan na dini-deny natin sila ng karapatan.
03:28So, muli pwede po sila magkilos protesta, basta't nandun lang sila sa mga freedom parks kahit wala pong permit?
03:35Opo, pero yun nga po, ang matagal na nating ina-advisory,
03:40based leading to the ASEAN Summit,
03:42iulit pa ulit-ulit na sinasabi na natin yan,
03:45na meron po mga exclusion zones dito sa mga venues ng ASEAN.
03:50Kaya nga po, limited sila doon dapat sa mga freedom parks.
03:54So, alam na po nila yan, talagang dapat pagbibigan sila ng mga pulisan natin doon sa mga freedom parks.
04:01Pero, ayun nga po, kumantong pa sa pag-britch doon sa ating exclusion zones.
04:10Kaya wala nga po magagawa yung mga pulisan natin.
04:12Ano po mensahin nyo doon sa mga may plano pang sumama sa mga kilos protesta?
04:16Maging sa publiko po, ngayong may paghihigpit dahil sa ASEAN Summit.
04:21Unang-una, mahigpit po ang bilin ng ating CPNP na we exercise maximum tolerance.
04:28We do not curtail yung karapatan ng ating mga kababayan para i-express yung kanilang mga sarili,
04:33yung kanilang mga opinion, at yung kanilang mga advocacy.
04:37We respect itong mga karapatan na to.
04:40Pero, meron pong hangganan ang karapatan ng bawat isa.
04:43If these rights will curtail other rights of other persons, hindi naman po pwede na yun.
04:51So, ulitin ko, kaisa po ang Philippine National Police para maging peaceful ang Metro Manila.
04:59Kaya nakikiusap po kami. Sana po sumunod tayo doon sa mga advisories natin na huwag na pong pumasok doon sa
05:07mga security exclusion zones
05:08at gawin na lang yung pag-protesta nila sa mga tamang venues.
05:13Maraming salamat po sa oras na ibinahagi nyo sa Balitang Hali.
05:16Maraming salamat po.
05:17Yan po si Police Brigadier General Christopher Abrahano, jepe ng National Capital Region Police Office o NCRPO.
05:29Update po tayo sa 29th ASEAN-China Summit na isinagawa ngayong umaga.
05:36May ulit on the spot si JP Soriano.
05:38JP!
05:43Connie mga kapuso, magandang hapon at sa pagpapatuloy nga po ng 29th ASEAN-China Summit,
05:50at tabahagi po ng 49th ASEAN-Leader Summit and Related Meetings binigyang diin po ni Pangulong Bongbong Marcos
05:57ang kahalagan ng pagtaliman ng ASEAN at China sa international law.
06:01Pati na po ang mapayapang pagresolba sa mga hindi pagkakaunuan,
06:05kabilang na ang pagpigil sa mga aksyong maaring magpalala ng tensyon,
06:09paggalang sa isa't isa at kongkretong pagtutulungan.
06:13Walang tinukoy ang Pangulo sa kanyang opening remarks,
06:16kaugnay sa nagpapatuloy na agresibong aksyon ng China sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
06:22Pero sabi niya, patuloy ang progres o pag-usad ng ASEAN at ng China sa pagbuo
06:28ng isang substantive at effective code of conduct o COC sa South China Sea
06:33na dapat nakaayon daw sa international law,
06:36particular sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea o yung ungklos.
06:41Kahapon po ay sinabi na ni Foreign Affairs Secretary Teresa P. Lazaro na umabot na sa 80%.
06:45na mga talata sa draft ng COC na may provisional agreement
06:49at nakamit na ang isang mahalagang milestone.
06:52Matapos magkasundo ang ASEAN at China na ang 2002 Declaration on Conduct of the Parties o DOC
06:59ang magiging pundasyon ng COC.
07:02Gayun pa man, Connie, ipauubaya na sa Singapore
07:05na susunod na ASEAN chair sa 2027
07:08ang pagpapatuloy at posibleng pagkatapos ng negosyasyons.
07:12Ibig sabihin, wala pong natapos sa COC ngayon.
07:15Isa rin, Connie, sa mga mahalagang isyo na hindi pa rin nare-resolve ba
07:19ay kung gagawin bang legally binding ang COC
07:21o magiging legal na obligasyon ng mga bansang lumagda rito
07:25ang pagsunod sa kasunduan.
07:27Ang COC po, mga kapuso, ay ang panukalang kasunduan
07:30sa pagitan ng ASEAN at China
07:31na naglalayong magtakda ng mga patakaran
07:34upang maiwasan ng mga insidente,
07:36confrontation at paglalalang tensyon sa South China Sea.
07:39Mahalaga ito sa Pilipinas, particular sa West Philippine Sea
07:42dahil makatutulong ito sa pag-manage ng maritime disputes
07:46at pagpigil sa mga mapanganib na insidente sa karagatan.
07:49Gayunman, hindi nito papalitan ang maritime rights ng Pilipinas
07:53sa ilalim ng ungklos at ang 2016 Arbitral Award
07:57na hindi naman kinikilala ng China.
07:59Binigyang diindi ni Pangulong Marcos
08:01ang patuloy na pagtutulungan ng ASEAN at China
08:04sa harap ng mga regional at global challenge,
08:07kabilang narawang energy security,
08:09environmental protection, innovation
08:11at pagpapalawak ng trade, investment, cooperation.
08:15Sa panig naman ni Chinese Premier Li Xiang,
08:17binigyang diin niya ang tatlong mahalagang prinsipyong
08:20para raw mapalakas ang relasyon ng China at ng ASEAN.
08:24Una, mahalaga raw na panatilihin at palakasin
08:27ng matagal ng pagkakaibigan
08:29at pagtutulungan ng China at ASEAN.
08:31Sa kabila raw ng geopolitical tensions
08:34at mga hamon sa international community,
08:36binigyang diin niya na lalo lamang tumibay
08:39ang kanilang partnership sa harap ng mga krisis
08:41at pagbabago sa pandaidigang sitwasyon.
08:44Ikalawa ang pagsulong daw ng free trade,
08:46multilateralism at economic cooperation
08:48sa kita ng tumata sa trade restrictions
08:50sa iba't ibang bahagi ng mundo.
08:52At ikatlo, ang pagpapalakas daw ng innovation,
08:55science and technology,
08:56cooperation upang makalikha
08:58ng mga bagong oportunidad para sa economic growth.
09:01Narito po ang pahayag ng dalawang leader.
09:05During this anniversary year,
09:07our shared commitment to international law
09:10and the peaceful settlement of disputes
09:12must be reflected in our actions,
09:15including through self-restraint,
09:17mutual respect, and practical cooperation.
09:20Building on the guidelines adopted in 2023,
09:24we have advanced towards a substantive
09:27and effective code of conduct
09:28consistent with international law,
09:31including the 1982 United Nations Convention
09:35on the Law of the Seas.
09:37Promoting the tradition of friendship
09:39and mutual assistance,
09:40China and ASEAN countries share a long history
09:43of friendly exchanges.
09:45Such a fine tradition has not lost its relevance
09:49due to international turbulence,
09:51but grown more mature and resilient
09:54as we work together to tackle one challenge
09:57after another.
10:03At mga kapuso,
10:05itinuturing po ang ASEAN-China meeting na yan
10:08na isa sa mga pinakakrusyal
10:10at pinakamahalagang pagpupulong
10:12para sa ASEAN Summit
10:13at nagpapatuloy po ang mga ASEAN-related meetings
10:16katulad po na nagaganap ngayon
10:18na ASEAN-United Nations meeting
10:20kasama po si UN Secretary General Antonio Guterres
10:23na nagpapatuloy ngayon.
10:25At yan muna ang latest.
10:26Balik muna sa'yo, Connie.
10:27Maraming salamat, JP Soriano.
10:43Yan ang electrifying performance
10:45ni Pinoy Big Brother Collab Edition 2.0
10:48alumna Carmel
10:49sa inaugural Eurovision Song Contest Asia 2026
10:52sa Bangkok, Thailand.
10:54Because of her powerful vocals
10:56and exhilarating dance moves
10:57sa piece na sobra-sobra.
10:59Ang 19-year-old Pilipina
11:01ang itinanghal na kampiyon
11:03laban sa sampung bansa sa Asia.
11:05Nakuhan ang host country
11:07ang second place,
11:08sinunda ng Vietnam,
11:09Malaysia at Nepal.
11:11Sika ni Carmel,
11:12super na-enjoy niya ang contest
11:14at patuloy siyang gagawa
11:15ng sarili niyang musika.
11:17I really enjoyed it.
11:18I feel like it's not a competition.
11:19I feel like I just did my own concert.
11:21This is such an unexpected journey for me.
11:26I will continue to make music
11:28and to make my own song.
11:30Ang Eurovision ay mula sa Euro
11:32at ang world's longest running singing competition
11:35kung saan nakilala si na si Lindyon
11:38at ang grupong ABBA.
11:39Rollercoaster of Emotions naman
11:41ang first eviction night
11:42ng PBB Collab 3.0.
11:44First evictie sa Kapuso Housemates
11:47ang sporty palangga ng Bakulod
11:49na si Ethan Benares.
11:51Ang rampanalong apo ng Pampanga naman
11:53na si Calyx
11:54ang sa kapamilya housemates.
11:56Kagabi, ikinwento ni Ethan
11:58sa GTV Entertainment Talk Show
12:00na Kalurks.
12:01Ang naging reaksyon niya
12:02nang malamang siniship sila
12:04ng co-housemate niyang
12:05si Jelly Danka.
12:07I guess we really like click
12:08because I remember
12:10our first interaction was video games
12:12and from there
12:13it became like constant-constant
12:15talking about her interest,
12:17about my interest,
12:18about life
12:19and I like how we just
12:21like naturally have that
12:23you know, that interaction
12:25na we don't like
12:26we just come up to each other
12:28for whatever.
12:29Sika ni Ethan,
12:30wala siyang hinanakit
12:31sa kapwa housemates.
12:33Hindi raw niya pinepersonal
12:34ang pag-vote out sa kanya.
12:36Open din naman daw siya
12:37to form friendships
12:38after the show.
12:40This morning,
12:40sumalang si Ethan
12:41sa kitchen kwantuhan
12:43sa unang hirit.
12:44Niluto niya
12:45ang favorite
12:45makolod dish na kansi.
12:47Nagsample din si Ethan
12:48ang kinompost nilang
12:49kanta ni Jelly
12:50na lalabay.
12:52Kasunod ng pagbalik
12:54ni na Ethan
12:54at Kalik
12:55sa outside world,
12:56may apat amang bagong
12:57housemates
12:58ang pumasok
12:59sa loob
12:59ng bahay ni Kuya.
13:00Sinakapuso
13:01housemates
13:02Alan Ansay
13:03at Ronnie Pasamba
13:04at kapamilya
13:05housemates
13:06Lori Lane Sanyosa
13:07at Daniela Straner.
13:09Ano-ano kayang hamon
13:10ang haharapin nila
13:11sa PBB House?
13:13Abangan ang PBB
13:14Collab 3.0
13:15weekdays
13:169.35pm,
13:18Saturday
13:186.15pm
13:20at Sundays
13:214.45pm
13:22sa GMA.
13:24Nelson Canlas
13:25nagbabalita
13:26para sa GMA News.
13:28May plano
13:29magmarcha
13:30sa U.S. Embassy
13:31ang mga ralistang
13:31nagtitipon ngayon
13:32sa Liwasang Bonifacio
13:33sa Maynila.
13:34Mahitpit naman silang
13:35binabantayan
13:36ng mga polis.
13:37May ulat on the spot
13:38si June Beneracion.
13:39June!
13:43Rafi,
13:44nakapalibot ngayon dito
13:45ang mga polis
13:46sa Liwasang Bonifacio
13:47para masigurong
13:48hindi makakapagmarcha
13:50papunta sa ibang lugar
13:51ang mga ralista.
13:52Ngayon nagaganap
13:52ang 49th ASEAN Summit.
13:55Mismong jefe
13:56ng Manila Police District
13:57na si Brigitte General
13:58Arnold Santiago
13:59ang nakipag-usap
14:00sa mga ralista
14:01na huwag silang
14:02lumabas
14:03ng Liwasang Bonifacio.
14:04May plano kasi
14:05na mamayang hapon
14:06ay magmarcha
14:06ang mga ralista
14:07papunta sa U.S. Embassy
14:09bilang protesta
14:10sa paksilika
14:11at sa kalatang pagbisita
14:12ni U.S. President Donald Trump
14:14para dumalo sa ASEAN Summit.
14:16Mabala ni General Santiago
14:17magkakaproblema
14:18kapag nagpumilit
14:19ang mga ralista
14:19sa kanilang plano
14:21magmarcha.
14:21Apila naman
14:22ng isang militanting leader
14:23sana ay igalang
14:25ang kanilang karapatan
14:26at huwag naman maulit
14:27ang nangyari-aristuhan
14:28kahapon.
14:29Sa ngayon
14:29ay nakapag-programa
14:30na ang mga ralista
14:31dito
14:31kung saan gumamit pa sila
14:33ng pana
14:33para puntirahin
14:34ang litrato ni Trump.
14:35Ang hinihintay na lang
14:36ay kung matutuloy talaga
14:38ang kanilang planong
14:39pagmarcha
14:39papuntang U.S. Embassy.
14:41Sabi ng Manila Police District
14:42maximum tolerance
14:43sa kanilang ipapatupad
14:44at patuloy naman daw
14:46hahayaang makapag-programa
14:47ang mga ralista
14:48basta dito lang
14:49sa Liwasang Bonifacio.
14:51At yan muna
14:52ang latest
14:52mula rito
14:52sa Liwasang Bonifacio.
14:54Balik sa Raffi.
14:55Maraming salamat
14:56June Veneracion.