00:00Update tayo sa siguridad para sa 49th ASEAN Summit.
00:04Makakapanayin natin si Police Brigadier General Christopher Abrahano,
00:07jefe ng National Capital Region Police Office o NCRPO.
00:10Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
00:14Magandang umaga po at sa lahat ng nakikinig sa inyo at nanonoon, magandang umaga rin po.
00:18Apo, kamusta po yung pagpapanatili ng kaayusan at siguridad sa day 2 ng ASEAN Summit?
00:23Patuloy po yung security operations ng NCRPO kasama yung mga partner agencies natin dito sa ASEAN Summit.
00:33Kasama sa binabantayan natin, yung venue, yung building hotels, yung ating mga visiting leaders,
00:42pati na yung mga ruta na dadaanan nila.
00:45So tuloy-tuloy po yung operations natin ngayon.
00:48Bakit po umantong sasakitan at pagka-aresto ng ilang rallies na yung kinusprotesta sa liwasang Bonifacio kahapon?
00:55Meron po tayong advisory, at ito naman po ay nakasaad sa ating batas na yung mga rallies dapat maaganap doon
01:03sa mga freedom parks.
01:05Pinapayagan po naman natin yung ekspresyon ng ating mga kababayan.
01:11Pero once na lumabas sila doon at pumilit na pumasok doon sa ating mga security exclusion zones,
01:19tulad ng Ross Boulevard, tapos yung areas papuntang PICC,
01:23e talaga pong pipigilan na po ng kapulisan natin.
01:26At hindi po maiwasan dahil siyempre kailangan natin protektahan din yung security operations ng ASEAN.
01:35Kaya po umantong sa pagkaka-aresto ng ibang mga ralista doon sa liwasang Bonifacio.
01:42Sabi po ng grupong Kilosang Mayo Uno, iligal daw yung pag-aresto ng PNP dahil ginawa sa loob ng Freedom
01:47Park.
01:47At mga pulis daw yun ang gulo at ng haras. Ano pong reaksyon nyo dyan?
01:51Welcome po yung kanilang opinion.
01:54At isasampan naman po namin yung kaso.
01:56Mabibigyan po sila ng opportunity para i-defensa yung kanilang mga posisyon.
02:00Pero sa ganang atin, sa PNP, lahat po ng pagbibigay, ibinigay natin.
02:07Yung maximum tolerance ay pinairal natin.
02:10Pero once na lumabag na po sila sa batas natin, wala pong magagawa mga pulis natin kundi i-implement yung
02:17ating batas.
02:18Pero sa loob nga po ba ng Freedom Park sinagawa yung mga pag-aresto?
02:22Makikita po natin yan. Meron po mga footages, may documentation naman.
02:27At makikita natin, umalis po sila doon sa Freedom Park.
02:30At nagpumilit po talagang i-breach yung line na mga pulis doon sa labas ng Freedom Park.
02:36So wala pong magagawa yung mga pulis natin.
02:39Kundi sabi ko nga, arestuhin yung mga dapat arestuhin.
02:43Bakit na po hindi agad nabigyan ng akses sa kanilang mga kaanak at abogado yung mga na-aresto?
02:47Doon sa kilos protesta sa Muntinlupa?
02:51Unang-una, yung pong kampo natin, yung Camp Bagong Biwa, is a camp.
02:58Hindi po siya detention facility.
03:02Pero, kaya may mga procedures na sinusunod.
03:05Pero unang-una pa lang, nung itinawagan ako ng kanilang mga representatives,
03:09kinausap po po yan at sinabi ko, meron lang po po proseso na gagawin.
03:13At apparently, hindi yata sila makapag-antay.
03:16Pero makikita naman, talagang in-entertain sila ng mga kapulisan natin.
03:19Nakapasok yung mga kanilang mga abogado, yung kanilang mga pamilya.
03:24Kaya hindi po tutuyan na dini-deny natin sila ng karapatan.
03:28So muli, pwede po sila magkilos protesta, basta't nandun lang sila sa mga Freedom Parks, kahit wala pong permit?
03:35Opo, pero yun nga po, ang matagal na nating ina-advisory,
03:40based leading to the ASEAN Summit, iulit pa ulit-ulit na sinasabi na natin yan,
03:45na meron po mga exclusion zones dito sa mga venues ng ASEAN.
03:50Kaya nga po, limited sila doon dapat sa mga Freedom Parks.
03:54So alam na po nila yan, talagang dapat pagbibigyan sila ng mga pulisan natin doon sa mga Freedom Parks.
04:01Pero ayun nga po, kumantong pa sa pag-briefs, pag-briefs doon sa ating exclusion zones.
04:10Kaya wala nga po magagawa yung mga pulis natin.
04:13Ano pong mensahin nyo doon sa mga may plano pang sumama sa mga kilos protesta?
04:16Maging sa publiko po, ngayong may paghihigpit dahil sa ASEAN Summit.
04:21Unang-una, mahigpit po ang bilin ng ating CPNP na we exercise maximum tolerance.
04:28We do not curtail yung karapatan ng ating mga kababayan para i-express yung kanilang mga sarili,
04:33yung kanilang mga opinion, at yung kanilang mga advocacy.
04:37We respect itong mga karapatan na ito.
04:40Pero meron pong hangganan ang karapatan ng bawat isa.
04:43If these rights will curtail other rights of other persons, hindi naman po pwede na yun.
04:51So ulitin ko, kaisa po ang Philippine National Police para maging peaceful ang Metro Manila.
04:59Kaya nakikiusap po kami.
05:01Sana po sumunod tayo doon sa mga advisories natin na huwag na pong pumasok doon sa mga security exclusion zones
05:08at gawin na lang yung pagprotesta nila sa mga tamang venues.
05:13Maraming salamat po sa oras na ibinahagi niyo sa Balitang Hali.
05:16Maraming salamat po.
05:17Yan po si Police Brigadier General Christopher Abrahano,
05:20jepe ng National Capital Region Police Office o NCRPO.
Comments