00:00Itinanggi ni House Justice Committee Chairperson Jerville Luistro na may nangyaring trial
00:05o pagliliti sa kanilang pagdinig sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
00:11Tugon niya po yan sa sagot ng bise sa Articles of Impeachment laban sa kanya.
00:15Ang susunod na hakbang ng House Prosecution Team sa ulat on the spot ni Jonathan Andal.
00:21Jonathan?
00:26Conny, magmi-meeting ngayong araw yung labing isang House Prosecutors para desisyonan kung sasagot pa ba sila o hindi na
00:32doon sa ipinasang sagot ng Kampo ni Vice President Sara Duterte sa Articles of Impeachment sa Senado kahapon.
00:39Ang sabi po kasi ni Lead Prosecutor, Congresswoman Jerville Luistro, hindi naman direktang sinagot ni Duterte
00:44ang mga aligasyon sa kanya kundi rehash o inulit lang ang mga punto noon tungkol sa teknikalidad ng impeachment process.
00:51Wala rin niya ro'y pinasang ebidensya ang depensa para kontrahin ang mga aligasyon sa Articles of Impeachment.
00:56Sabi pa ni Luistro, hindi tama ang hinihiling ni Duterte na ibasura ng Senado ang impeachment dahil
01:01wala namang ganitong opsyon sa Senate Rules on Impeachment.
01:04Itinanggi naman ni Luistro ang sinabi ng depensa na nag-trial sila noon sa kumite.
01:09Clarificatory hearing lang daw ang ginawa nila para matukoy kung meron o walang probable cause sa reklamo.
01:14Sinabi lang daw niya noon ang salitang mini-trial para ikumpara ang proseso ng Senado at Kamara.
01:18Pino na rin kahapon ang depensa ang pagpasok ng mga bagong ebidensya sa hearing na wala naman sa orihinal na
01:24complaint.
01:24Sagot ni Luistro, pwede yun sa ilalim ng House Rules.
01:27Ngunit hindi para palakasin ang reklamo kundi para malaman kung may basihan nga ba ang impeachment.
01:32Merong hanggang June 8 ang prosikasyon para sumagot sa impeachment court.
01:36Kung hindi sila magpapasa ng sagot, mapabibilis ng kaunti ang proseso sa punta sa pre-trial.
01:41Connie, sa mga oras na ito, may nagaganap dito ngayon na impeachment forum sa loob po yan ng Batasang Pambansa.
01:47Ang audience, ang mga kabataan, mga estudyante, ang mga nagsasalita po ay ang House Prosecutor sa pangungunan ni Lead Prosecutor
01:54Jervil Luistro.
01:56Yan muna ang latest muna rito sa Batasang Pambansa. Balik sa iyo, Connie.
01:58Maraming salamat, Jonathan Andal.
02:01Maraming salamat, Jonathan Andal.
Comments