00:21Darlene Kai
00:30Kaipitan ng mga ralihis at mga pulis sa Padre Burgos Avenue sa Maynila kaninang umaga.
00:35Hinarang ng mga pulis sa mga ralihistang tutol sa PAX Silica at pagbisita ni US President Donald Trump.
00:42Ilang metro pa lang mula sa Liwasang Bonifacio, hinarang na agad ng mga pulis yung mga nakikiloso protesta.
00:47Gusto sana nilang makarating sa PICC kung nasaan yung opening ceremony ng ASEAN Summit pero hindi na sila makalusot dito
00:55sa barikada ng mga pulis.
00:58Dinampot na mga pulis ang isang lalaki. Ilang ralihista ang sunod-sunod na inaresto.
01:05Wala daw tayong permit. Si Donald Trump pa merong permit para labas na hangin ng mga Pilipo.
01:15Pinasok na mga pulis ang isang sasakyan ng mga ralihista.
01:18Hinatak palabas ang driver at kinumpis ka ang sasakyan.
01:22Binitbit na mga pulis ang driver.
01:24Bago magmarch ang mga ralihista, dinatnanan nila kaninang madaling araw ang mga nagkalat na umano'y ihi at dumi ng
01:30tao sa Liwasang Bonifacio.
01:32Nilinis ito ng Manila Department of Environment and Public Services.
01:35Hindi pa tukoy kung sino nagkalat na mga dumi pero sabi ng mga nagprotesta.
01:40Isang malaking kahipokritahan ang ginagawa ng gobyerno.
01:45Nagpapakita ng hospitality sa mga dayuhan pero binabastos ang sarili niyang mamamayan. Nakakagalit.
01:55Definitely hindi naman gawain ng PNP ang manira at mamayroisyon ng tao.
02:00Hindi gagawa ng anumang karahasan ang PNP pero sila ay tutugon kung ano ang sinasabi ng batas.
02:10Kung mayroong nagva-violate, nagkakaroon ng harassment, panggugulo, pananakit sa mga kapulisan, hindi pwedeng hindi sila kumilos.
02:21Ayon sa MPD, labing isang inaresto kabilang ang isang minor de edad.
02:26Siyam na pulis daw ang nasaktan.
02:28Sabi naman ni Interior Secretary John Vic Remulia, karapatan ng mga mamamayan ang magprotesta.
02:33Nagkagulo rin sa protesta ng grupong lakbayan ng Timog Katagalugan.
02:38Ayon sa Southern Police District, mahigit dalawandaang ralihista ang inaresto.
02:42Paliwanag ng SPD, hindi Freedom Park ang pinagdausa ng kilus protesta at apektado raw ang mga residente, commuter at negosyante.
02:52Darlene Kai, Nakatutok, 24 Oras.
02:56Kuryente ang hiniinalang mitsa na magkahiwalay na sunog sa Metro Manila.
03:00At sa Quezon City, isa ang nasawi.
03:03Nakatutok si Jonathan Andal.
03:15Ginising ng apoy at pagsabog ang ilang taga-barangay Capri no Valichas, Quezon City kaninang umaga.
03:21Umabot ng ikalawang alarma ang sunog na kumalat sa magkakadikit na bahay.
03:25Nakitang patay sa kanilang banyo ang 45-anyos na PWD o Person with Disability na si Christopher Bergado.
03:33Sabi ng kapatid niya, sabay naman silang lumabas ng bahay.
03:37Nakasabay ko na sa sa may kalsada.
03:39Hindi ko na bumalik pa.
03:41Yung pala sir, bumalik ulit sa CR, umihi.
03:43Sabi ng investigador, may talukbong kumot eh.
03:46Sunog ang muka at lapnos ang katawan ni Elmer Raimundo.
03:50Nakababa na raw siya ng bahay pero umakyat ulit para iligtas pa sana ang kanilang aso't pusa.
03:55Nakababa po ako, kaya lang yung yakunong-iyak yung apo ko, yung aso niya daw masusunog.
04:03Gusto ko iligtas yung aso at pusa, wala na po eh.
04:09Sa bahay raw niya nagsimula ang sunog.
04:11May tsaraw ang extension wire na puno ang saksakan at dumikit sa kutsyon.
04:16Sabi ng barangay na sa evacuation center ang tatlong putsyam na pamilyang nasunugan.
04:20Sa Paranaque, umabot sa ikatlong alarma ang sunog sa 4th Estates Subdivision.
04:26Kuryente rin ang tinitignang mitya ng apoy.
04:29Kung tayo ay aalis at iiwanan natin yung mga tahanan natin,
04:33mangyari lamang, double check natin lahat ng mga electrical appliances natin
04:38para hindi ito magiging pagmumulan ng ating sunog.
04:43Apat ang nagtamo ng minor injuries na sa 60 pamilya ang apektado.
04:47Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Horas.