00:00Matapos ang isang buwang pag-alagwa ng presyo ng petrolyo dahil sa Gerasa, Middle East,
00:04sinabi po ng Energy Department na dapat asahan sa mga test ang malakihang rollback
00:09na higit pa sa tansya ng mga sources sa oil industry.
00:13Pero para po sa mga transport group, eh kulang pa yan.
00:17Mula sa Quezon City, nakatutukla si Katrina So.
00:22Katrina?
00:23Pia, malaking rollback ang maaring asahan sa mga produktong petrolyo ngayong linggo.
00:29Ayon yan sa Department of Energy.
00:34Sa kwenta ng Department of Energy, batay sa limang araw na trading sa World Market at Foreign Exchange
00:41ang dapat na rollback sa Martes, halos P21 per liter sa diesel, halos P5 sa gasoline, at P8.50 sa
00:51kerosene.
00:51Taliwas ito sa projection ng oil industry sources, na halos P9 to P11 sa diesel, at P1.50 sa gasolina,
01:01bago pumutok ang Gerasa sa Middle East.
01:03Naglalaro sa P48 to P65 ang kada litro ng diesel, at P49 to P70 ang gasolina, batay sa datos ng
01:12GMA News Research.
01:13Kaya para sa mga transport group, kulang pa ang rollback.
01:18Malaki pa rin yung nawawalang kita ng ating mga driver.
01:23Kaya mas yung panawagan niya namin, ay dapat ang rollback ay ibalik sa P55 per liter,
01:30na kung saan ito yung presyo noong January at February.
01:36Yan ay malaking bagay na rin para diyan sa halaga ng presyo sa ngayon,
01:39pero kung susumahin, kulang pa rin yan.
01:42Sa pagkat masyadong malaking itinaas, bababa ang rollback.
01:46Pero sabi mismo ni Energy Secretary Sharon Garin,
01:50malabong bumalik sa dating presyo ang mga produktong petrolyo,
01:54lalot na pinsala sa Gerasa ang mga malalaking oil facilities sa Middle East.
01:59It will take a long time, and kahit bababa man, hindi ganun kabilis,
02:03at hindi ko ma-predict kung ano yung pinaka-lowest na aabutan natin.
02:09Baka hindi na tayo aabot, tulad ng dati na 60 pesos per liter yung diesel.
02:14Wala tayong choice, kundi lumaban para sa buhay natin.
02:19Nakakalungkot naman, kasi yung mga dating, yung mababa ngayon, sobra na.
02:27Kinakarga namin sa, dati yung kinakarga ko sa motor ko, makakapultang ako, ngayon hindi na.
02:33Wala naman po ang choice kasi hindi man pwedeng hindi gamitin yung sasakti yan.
02:39Sa ngayon, nasa mahigit 45 to 50 days ang stockpile ng bansa,
02:43kasunod ng pagdatingin ng karagdagang supply mula Malaysia kahapon,
02:47na 329,000 barrels of 52,311,000 liters ng diesel,
02:54na binili ng pamahalaan para makapag-ibak ng supply habang hindi pa tapos ang Gerasa Middle East.
03:00Kasunod ito ng 142,000 barrels o mahigit 22,000 liters mula sa Japan nitong Marso.
03:07Mga ano na siguro tayo, mga 45 to 50,
03:11kasi ngayon kasi sila magre-report eh, kaya kailangan naman i-update.
03:16Siguro ano yan, mga mahigit sa 45 days to 50 days yung sa diesel.
03:22Pero in general, including all the other products like gasoline, kerosene, LPG,
03:27mga 50 days siguro.
03:28Ang PNOC sa April, 1 million barrels ang binili.
03:34One barrel is equivalent to 159 liters, no?
03:38So mga 159 million liters din na diesel yung binibili niya this month.
03:48Pia, nakausap naman natin yung ibang mga driver dito kanina na nagpapagasa, no?
03:53At para sa kanila, hindi na raw muna sila magpapa full tank ngayon.
03:57Aantayin na raw muna nila yung rollback sa susunod ngayon na linggo.
04:00Nagsagayon ay kahit papaano, makatipid-tipid daw sila.
04:04Pia?
04:05Maraming salamat, Katrina Son.
04:08Bigo magkasundo ang Amerika at Iran sa isinagawang ceasefire talks sa Pakistan na umabot ng mahigit dalawampung oras.
04:15Ang kay U.S. Vice President J.D. Vance, hindi tinanggap ng Iran ang mahiling na Amerika,
04:20kabilang ang paghinto ng Iran na gumawa ng mga nuclear weapon, bagay na tinawag naman ng Iran na excessive.
04:27Ay sa tagapagsalita ng Iranian Foreign Ministry, nangyari ang negosyasyon sa ginanaan nila ay atmosphere of mistrust.
04:35Sa ngayon, may mga demando hinihingi ang Iran at kabilang dito ang pagkontrol nila sa Strait of Hormuz,
04:41kung saan nais nila na mangolekta ng mga transit fees, bayad sa matinding pagkasira dahil sa gera at ceasefire sa
04:49region pati na sa Lebanon.
04:52Naunang nagbabala ang isang international foreign security analyst na kung sakaling mabigo ang negosyasyon ng Iran at Amerika,
04:59ay posibleng lumala ang gulo sa Middle East.
05:02Kung mag-break up yung negosyasyon, tatas na naman ang presyo ng langis.
05:09Pag nag-break down yung negosyasyon, mag-expect tayo na magkakaroon ng simula ulit ng gera.
05:18At sa mangyaring gera, kung again, ang pinatatakot kung magkakaroon ng eskalasyon.
05:26Tatlong na sa huwi na magkasunog sa isang residential commercial establishment sa Quezon City.
05:31Dalawa sa mga biktima, menor de edad.
05:33Inaalam pa kung may kinalaman sa sunog ang nangyari raw na away sa lugar.
05:38Nakatutok si Bam Alegre, exclusive.
05:43Ganito kalakas ang sunog na nangyari bago mag-alas 4 na madaling araw.
05:49Sa barangay Pasong Tamo, Quezon City.
05:51Hanggang unang alarma ang sunog.
05:53Wala pang isang oras na apula na ng mga bumbero.
05:56Pero trahedya ang sumalubong pagkatapos.
05:59Tatlong kumpirmadong nasawi dahil sa sunog ayon sa mga otoridad.
06:02Ang casualties natin, tatlo po.
06:04Isa pong suffocate ng ano, na pin down siya rin sa iskinita maliit.
06:11Bali, hindi naman siya burn na totally.
06:14Suffocation yung nangyari sa kanya.
06:15Yung dalawa, yun yung ano natin na burn talaga.
06:19Nakuha sa lababo, tsaka yung isa, sa gilid ng lababo.
06:22Nabas niyo muna, sir.
06:23Nabas niyo muna.
06:24Ay, mga baka!
06:27Napasigaw at napahagulgol ang mga kamag-anak ng mga nakitang bangkay.
06:31Ayon sa mga kaanak na tumanggi magpaonlak ng panayam,
06:34kabilang sa mga namatay ang dalawang bata edad sampu at labing isa
06:37at isang empleyado sa kanilang negosyo.
06:39Sabi ng isang kaanak na nakausap ng GMA News na tumanggi humarap sa kamera,
06:43nag-away umano ang empleyado at ama ng mga biktima bago nangyari ang insidente.
06:47Hindi pa malinaw kung may kinalaman ito sa sunog.
06:50Nagsisiguan sila dyan sa baba.
06:53Eh, nung bababaan ko na sila, bigla na lang umapoy dun sa pintuan namin.
06:59Tapos tumalong kami dun sa bintana namin.
07:02Dala ko yung mga anak ko.
07:04Dating dalawang palapag ang istrukturan ito sa ating likuran na nasunog.
07:08Itinuturing ito ng BFP na isang residential commercial property
07:11dahil sa ground floor nito ay may mga LPG tank na ibinibenta.
07:15Maingat na tinipon ng mga bumbero ang mga LPG tank na naapektuhan ng sunog.
07:20Iniimbestigahan pa ng Bureau of Fire Protection ang sanhinang apoy at halaga ng pinsala.
07:24Sa kanilang initial assessment, tatlong istruktura ang apektado.
07:28Opo, mabilis naman naapula yung apoy.
07:30Kaso ano yung naging mga difficulty kanina?
07:32Yung mga double parking, tapos minsan yung mga tao, yung mga overcrowded ng tao.
07:38Bam Alegre, nakatutok 24 oras.
07:41Bumanga sa passenger vessel ang isang motorbanka sa Zamboanga na nawalan daw ng kontrol.
07:47Sa Camarines Sur naman, labi-isang pasehero ang sugatan na mahulog sa bangin ang sinakyan nilang bus.
07:53Nakatutok si Von Aquino.
07:58Sa Dumaguete City, sumabit sa kable ng telepono ang 40-foot container van na sakay ng isang truck.
08:04Walang tinamaan ng mahulog ang container van sa National Highway pero nagdulot ng mabigat na trapiko ang insidente.
08:10Galing pantalan ng truck at papunta na sana sa bodega.
08:14Nahulog naman sa bangin ang isang bus sa may bahagi ng Maharlika Highway sa barangay Impig, Sipokot, sa Camarines Sur.
08:20Ayon sa driver ng bus, hindi kumagat ang preno habang nasa pababang bahagi ng highway.
08:25Kaya idiniretsyo ng driver ang bus sa gilid ng highway dahilan para mahulog ito.
08:30Labing-isang pasahero ang nagtamo ng minor injuries.
08:33Sa Zamboanga City naman, tatlong sugatan sa salpukan ng isang motorbanka at passenger vessel.
08:39Sa investigation ng Philippine Coast Guard, nasira ang makina ng motorbanka.
08:43Dahil dito, nawala ng kontrol at biglang nag-accelerate ang bangka hanggang sa bumanga ito.
08:48Sugatan ng tatlong pasahero ng bangka na sinagit ng sinalpok na passenger vessel.
08:53Patuloy ang investigasyon sa insidente.
08:55Vorna Quino, Nakatutok, 24 Oras.
09:01Sa martes na po sisimula ng impeachment proceedings ng House Committee on Justice laban kay Vice President Sara Duterte.
09:07Nakatakdang tumisigur yan ang nagpakilalang aide at bagman umano ng vicepresidente na si Ramil Madriaga,
09:14na tinawag naman ang kampo ni Duterte bilang weakest link.
09:18Nakatutok si Mav Gonzalez.
09:23Weakest link ang turing ng kampo ni Vice President Sara Duterte kay Ramil Madriaga,
09:28ang nagpakilalang aide at bagman ng vice na nakatakdang tumistigo sa martes sa impeachment hearing ng House Justice Committee.
09:34Marami siyang mga allegations doon na walang pecha, walang eksaktong pecha, walang mga pangalan o mga taong pinag-deliveran niya,
09:44di umano, mga date, mga oras, ganyan.
09:48Walang specific details kaya hindi ma-verify or sadyang hindi ma-verify kasi masyadong broad.
09:56It's possible na lumakas pa lalo yung kaso ni VP Sara sa kanya.
10:00Ngayon palang pinabulaanan na ng kampo ng vice ang mga naonang pahayag ni Madriaga
10:06na siya ang bumuon ng VPSPG o Vice Presidential Security and Protection Group
10:11at nag-deliver umano ng confidential funds sa iba't ibang tao sa utos ni VP Sara.
10:16Sabi ni Atty. Paulo Panelo, ni hindi anya siya kilala ng vice.
10:20Nakakuha rin ang kampo ng vice ng certification mula sa AFP, DND, OVP, DepEd at VPSPG
10:28na nagsasabing hindi kailanman nagtrabaho roon si Madriaga.
10:32Naghahain na ng kasong perjury ang kampo ng vice laban kay Madriaga
10:36at sasagutin daw nila ang mga paratang nito sa Senate Impeachment Court sakaling umabot toon.
10:42Hindi rin daw sa kanila nang gagaling ang anumang banta sa seguridad ni Madriaga.
10:47Nang tanungin kung sino ang tingin nilang handlers ni Madriaga,
10:50sabi ni Panelo, may mga suspecha sila kabilang ang mga kalaban sa politika ng vice.
10:55Tingin nila, kasama rito si dating Senador Antonio Trillanes IV.
11:00Masyado namang coincidental and incredible for a person to have personal knowledge
11:06on all of those allegations that were previously peddled by Sen. Trillanes.
11:11So we feel that he's involved in this in some way, but as far as direct evidence, wala pa.
11:20Wala pang tugon dito si Trillanes. Dagdag ng kampo ng vice,
11:24kwestyonable ang timing ng pagsasalita ni Madriaga ukot sa confidential funds
11:28dahil lumabas siya nang patapos na ang one-year bar sa impeachment.
11:32Kaya puna nila sa komite.
11:34Kung i-bulgaro sa publiko na yung mga politikong sumasakay dito kay Madriaga
11:39ay hindi pa na naguta ng habol kundi politika dahil walang laman.
11:44Sabi ng isa sa mga miyembro ng komite na si Akbayan Partylist Representative Shell Diokno,
11:49maingat sila sa pagtalakay sa impeachment ni VP Sara.
11:53Ingat na ingat si Chair Jinky Luistro.
11:56Ingat na ingat ang buong komite sa pagka-proseso ng impeachment complaints.
12:02We are fully aware na kailangan by the book ang pag-process ng impeachment complaint.
12:08At yung isang very telling ng fact ay hanggang ngayon wala pa rin na issue yung TRO ang Corte Suprema.
12:16Dagdag niya, sa pagginig sa Martes nila gagawin ang vetting process kay Madriaga.
12:21Kung halimbawa, humarap siya at lumabas na wala namang palang laman,
12:25wala namang palang siyang alam, puro haka-haka lang o yung tinatawag na hearsay,
12:30o di ma-assess namin ngayon ang kaso.
12:33At kung sa ganon ay masasabi namin hindi dapat matuloyan.
12:36But on the other hand, kung lumabas na totoo yung mga sinasabi niya sa kanyang apidabit
12:42at talagang siya yung sinasabi nga ang bagman,
12:46anako, malaking bagay yun.
12:48Imbitado rin sa pagdinig ng kamera si VP Sara.
12:51Bukas na bukas ang pinto para kay Vice President Sara Duterte
12:55na dumalo sa hearing sa Tuesday at sa mga susunod pa ng mga hearing.
13:00Kahapon, nasa tawi-tawi ang bise.
13:02Panauhing pandangal siya sa graduation ceremony ng isang kolehyo roon
13:06at nag-curtisikol din sa provincial government.
13:10Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.
13:14Sa isang pahayag, kinundinan ang mga abogado ni Ramil Madriaga
13:17ang pagtawag sa kanya na weakest link na abogado ni Vice President Sara Duterte.
13:22Ang kay Atty. Raymond Palad, layan lang nitong i-discredit si Madriaga
13:26at baguhin ang pananaw ng publiko.
13:28Handaan niya si Madriaga na tumestigo at bukas siya
13:32sa pagkakataong ipresenta ang kanyang mga nalalaman sa tamang forum.
13:37Iginit din niya na hindi inakusahan ni Madriaga si Duterte
13:40ng anumang pagbabanta sa kanyang buhay.
13:44Kinesyon din niya ang timing ng paghahabla kay Madriaga
13:47na nangyari kung kailan siya tetestigo.
13:49At hamon pa niya kung weakest link nga si Madriaga
13:53harapin sana siya mismo ng Vice Presidente
13:56sa impeachment proceedings sa April 14.
Comments