00:00At dahil long weekend sa Metro Manila, dinayo na naman ang Baguio City.
00:04Ang sitwasyon sa City of Pines, silipin sa live na pagtutok.
00:08Cindy Salvaso ng GMA Regional TV.
00:12Cindy.
00:13Ivan, 16 degrees Celsius ang pinakamababa na temperatura na itala ngayong araw dito sa Baguio City.
00:19At kasabay nga ng pagdagsa ng mga turista, ang matindi namang trapiko.
00:27Escape the init at enjoy the lamig.
00:29Ang sadya ng mga turista sa Baguio ngayong long weekend.
00:32Three days walang pasok, sayang, kaysa mag-leave ka.
00:35Fully booked na ang maraming hotel ayon sa Hotels and Restaurants Association in Baguio.
00:40Talagang ramdam na natin yung pagdagsa ng mga turista.
00:44Halos lahat ng mga pasyalan kahapon, halos di mahulugan ng karayom.
00:48Isa rin sa pinupuntahan ang session road pedestrianization tuwing linggo,
00:53kung saan ipinamamalas naman dito ang talento at sining ng iba't ibang mga artists sa syudad.
00:58Mula kaninang umaga, matraffic sa ilang ruta sa Central Business District.
01:03Mahirap talaga yung parking kasi kanina paikot ng ikot ngayon sa kanon.
01:07Make use of the vacation lanes, especially kung hindi naman sila pupunta mismo dito sa Baguio.
01:13Ang Baguio City Police nagdagdag ng puwersa para sa siguridad at pagmamando ng traffic.
01:22Ivan, mahabang pasensya ang kailangang baunin ang mga motorista na magagawi dito sa Baguio City
01:28dahil karamihan pa rin ang bahagi ng Central Business District ay talagang nakaranas pa rin ng traffic congestion.
01:35Samantala dahil napatuloy pa rin ang pagdating ng mga turista,
01:39ay ayan at nakahanda pa rin ang reactionary standby support force at quick response team ng Baguio City PNP.
01:45Ivan, maraming salamat. Sandy Salvaso ng GMA Regional TV.