Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Biyernes, October 24, 2025
-Sandiganbayan: Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, Atty. Gigi Reyes at Janet Lim-Napoles, absuwelto sa 15 graft charges kaugnay sa PDAF Scam
-DPWH Sec. Dizon sa ilang sangkot sa kuwestyunableng flood control projects sa Bulacan: "Sa kulungan na sila magpa-Pasko"
-Kompanyang nasa likod ng ghost flood control project sa Bauang, La Union na ininspeksiyon ng DPWH noong Setyembre, sinampahan ng reklamo
-PAGASA: "Remnant low" o dating Bagyong Salome, nalusaw na
-Lalaking naniningil ng utang, sugatan matapos saksakin ng sinisingil na jeepney driver
-Paggawa ng mga kandila, puspusan isang linggo bago mag-Undas
-Ilang aircon buses pa-Bicol, fully-booked na
-Ilang may yumaong kamag-anak sa Manila North Cemetery, piniling bumisita na mahigit isang linggo bago ang Undas
-Oil price hike, posibleng ipatupad sa susunod na linggo
-Sen. Joel Villanueva, inilabas ang ilang dokumento na nagpapatunay na dismissed na ang kaso laban sa kanya
-Heath Jornales at Krystal Mejes, bagong pares ng housemates na papasok sa "PBB Celebrity Collab Edition 2.0"
-Iba't ibang grupo, nagkilos-protesta para manawagan sa ICI na isapubliko ang imbestigasyon sa flood control projects
-ICC Pre-Trial Chamber 1, pinagtibay ang jurisdiction nito sa kasong Crimes against Humanity laban kay FPRRD
-INTERVIEW: ATTY. KRISTINA CONTI, ICC ASSISTANT TO COUNSEL
-Sandiganbayan Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, Atty. Gigi Reyes at Janet Lim-Napoles, abswelto sa 15 graft charges kaugnay sa PDAF scam
-Guro, patay matapos barilin ng kanyang mister sa loob ng paaralan; problema sa pamilya, posibleng motibo sa krimen
-Quezon, Bukidnon LGU: Bangkay ng mag-asawang nahulog sa bangin dahil sa landslide sa Brgy. Palacapao, natagpuan na
-PH Taekwondo jin Kristen Aguila, panalo ng silver medal sa 3rd Asian Youth Games; Adeden Cereno, panalo naman ng bronze medal
-Eroplano, bumaligtad at bumagsak pagka-takeoff; 2 patay
-DTI: Walang magiging pagtaas sa presyo ng basic necessities at mga pangunahing bilihin hanggang matapos ang taon
-Hiling na hospital arrest ni Pastor Apollo Quiboloy, tinanggihan ng Pasig RTC
-Tarlac 3rd Dist. Rep. Noel Rivera, itinanggi na sangkot siya sa katiwalian matapos ireklamo sa Ombudsman
-Ilang Sparkle stars, present sa red carpet premiere ng musical film na "The Heart of Music"
-Paalala ng LTO: Bawal ang pagsabit sa likod ng umaandar na tricycle na puno ng mga pasahero
-Lalaki, patay matapos malunod nang mahigop ng whirlpool o alimpuyo sa Brgy. Agtucop
-Mahigit P43 milyong halaga ng umano'y marijuana kush, dried marijuana leaves, liquid marijuana at vape cartridge, nasabat sa buy-bust sa Brgy. San Juan
-Malaking backlog sa classrooms, nadiskubre sa Senate budget hearing ng DPWH
-Kapuso host Kim Atienza, inanunsyo ang pagkamatay ng anak na si Emman
Be the first to comment