00:00Ilang dati at kasalukuyang Senador ang pinangalan ng nakatanggap ng kickback sa mga proyekto ng Department of Public Works and
00:07Highways
00:07sa pagtestigo ni dating Undersecretary Roberto Bernardo sa Sandigan Bayan.
00:11Pero hindi umuno kabilang sa mga humingi ng kickback sa kanya, si dating Speaker Martin Romualdez.
00:18Nakatutok si Maki Pulido.
00:22Sa bail hearing ni dating Speaker Martin Romualdez sa 7.4 billion peso plunder case,
00:28kaugnay ng maanumalya umanong flood control projects.
00:31Sinabi ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo,
00:35ni minsan hindi daw siya hininga ni Romualdez ng kickback o listahan ng DPWH project.
00:42At maliban daw nung magkita sila sa birthday party ni Sen. Mark Villar noong 2017,
00:47wala daw siyang kontak kay Romualdez.
00:49Pero habang nakaupo sa witness stand,
00:51isinalaysay ni Bernardo ang lawak ng bigaya ng kickback mula sa mga DPWH project.
00:57Tanong ni Associate Justice Carl Miranda,
01:00lahat ba ng proyekto ng DPWH merong ganitong proponent,
01:04may commitment, may kickback?
01:06Opo, ang sagot ni Bernardo.
01:08Depende sa usapan, ang porsyentuhan nasa 10 to 30 percent daw,
01:12sabi ni Bernardo, habang nakaupo sa witness stand.
01:15Ganito na raw ang kalakaran mula nang una siyang maging district engineer noong 2002.
01:19Ilan sa nabanggit ni Bernardo na porsyentuhan sa korte,
01:2312 to 15 percent ang usapan di umano kay dating Sen.
01:27at ngayon yung Makati Mayor Nancy Binay,
01:2920 percent kay dating Sen. Grace Poe,
01:3218 to 25 percent naman kay Sen. Jingoy Estrada,
01:35na ngayon yung nakakulong dahil sa kasong plunder.
01:38Hinihingan namin ang panig si Binay, Poe at Estrada.
01:42Pero sabi ni Bernardo,
01:43hindi lang daw mga mambabatas ang kumukomisyon.
01:46Pwede rin mga taga-LGU kung sila ang proponent,
01:49pati raw mga taga-Department of Budget and Management
01:52na nagre-release ng SARO o Special Allotment Release Order
01:56para mapondohan na ang proyekto.
01:58Sa witness stand, sinabi rin ni Bernardo na nagbigay na siya
02:01ng 5 percent na komisyon sa pinsa ni Sen. Mark Villar
02:04nung ito ay DPWH Secretary.
02:07Mula naman daw ito sa isang 500 million peso DPWH project sa EDSA.
02:12Pinsan daw ni Villar ang lumapit sa kanya
02:14at nagtiwala na lang siyang ibibigay ito kay Villar.
02:18Humihingi rin kami ng komento mula sa panig ni Villar.
02:21Makipulido na katutok, 24 oras.