00:00Dahulikam ang pagtangay ng dalawang lalaki sa isang nakaparadang motorsiklo sa Cainta Rizal.
00:06Nabawi naman ang sasakyan matawas itong abandonahin ng mga magnanakaw sa ibang barangay.
00:12Yan ang unang balita ni Gabriel Gonzalez.
00:18Pasado alauna ng madaling araw noong miyerkules,
00:21kitang isang lalaking puwersahang pinaandar ang nakaparadang motorsiklo sa Karunungan Street sa Karangalan Village, Cainta Rizal.
00:30Tumakas ang salarin sakay ng ninakaw na motorsiklo habang itinutulak ng kasabwat na rider.
00:37Ayon sa biktima, sinira ng salarin ang susianang motorsiklo at may kinalikot parao para mapaandar ito.
00:44Bago siya manakawan, may lalaki umanong paikot-ikot sa lugar.
00:48May nakita akong padaandaan dito, mga 10.30.
00:53Hindi ko na may nakakalang siguro binabaybayanan nila yung motor.
01:00Noong pagbaba ako noong umaga, doon ko na nakita na wala yung motor.
01:05Magbago na kayo, lumabang kayo ng patas.
01:08As per doon sa report niya, na naiwan nga daw po niya na hindi nailaki yung kanyang motorsiklo.
01:15Nagpapatuloy ang follow-up operation ng barangay kasama ang polisya para mahuli ang mga salarin.
01:20Hindi kami pamilyar eh kasi ang mga pumapasok kasi rito, hindi naman talaga dito sa area namin.
01:28Galing sa ibang lugar, dayo sila.
01:30Makalipas ang ilang araw, na-recover ang motorsiklo ng biktima kahapon sa barangay San Isidro.
01:36Sa lugar po na ito na tinatawag na sityo bagong sibol, natagpuan ang motorsiklo ng biktima.
01:43Ayon po sa barangay, may nakapagtip sa kanila na may inabando ng motorsiklo na kulay red at black sa lugar
01:50na ito.
01:51Agad po itong pinuntahan ng barangay kasama ang polisya at ang biktima.
01:55At dito na nga po niya nakumpirma na sa kanya ang iniwang motorsiklo.
02:00Nasa kustodiyan na ng Cayinta Police Community Precinct 1 ang motorsiklo at kukunin daw ito ng biktima ngayong araw.
02:08Ito ang unang balita, Gabriel Gonzalez, GMA News.