00:00Mga kapuso, balik pulungan dahil sa bagong kaso ng pagpatay ang lalaking nasa kote sa Montilupa City.
00:06Ang biniktima niya, negosyanteng dayuhan.
00:09Tunghayan sa aking eksklusibong pagtutok.
00:16Inirecord ng video na ito habang hinahabol ng mga polis sa isang iskinita sa barangay Alabang, Montilupa,
00:23ang suspect sa isang insidente ng robbery with homicide.
00:26Mga bata, alis kayo!
00:29At ang nakatulong sa mga polis para matunto ng suspect na sinasabing nasugatan din sa krimen
00:35ang mga patak ng dugo nito sa looban.
00:41Sa dulo ng eskinita,
00:46na corner ang lalaking itinuturong humold up at pumatay sa isang negosyanteng Indian.
00:52Siya isa bagong laya lang sa kasong murder din.
00:57Nung lumabas siya, hindi na siya umuwi ng Mindanao.
01:00Dead on the spot ang biktima matapos magtamo ng multiple stab wounds at palo ng matigas na bagay sa ulo.
01:07Tinutukan siya ng kutsilyo nung ating suspect. Malaki yung biktima eh. So nakipagpambuno siya.
01:13Nasaksak siya dito sa dibdib, meron sa likod, tsaka doon sa kanyang ulo.
01:17Hindi pa siya nagkasya. Actually, binatupan niya ng parang kalan, yung matigas na bagay, na napulot niya doon sa may
01:23kalsada rin.
01:25Pinukpok pa niya yung ulo ng biktima.
01:27Nasugatan din yung ating suspect. So sinundan yung patak ng dugo papunta doon sa pinagtaguan niya. So doon po siya
01:34nasukol.
01:34No comment pa sa ngayon. Ang sasbay.
01:38Emil Sumangil. Nakatutok? 24 oras.
01:48Miniling ng depensa sa impeachment court na huwag tanggapin ang mga ebedensya ng prosekusyon.
01:54May mga dokumento umano kasing nakuha sa paglilipis sa paraang tinawag nilang fishing expedition
02:01na hindi umano bahagi ng Articles of Impeachment.
02:05Nakatutok si Bea Pinla.
02:10Tinutulan ng defense team ni Vice President Sara Duterte
02:13ang formal offer of evidence ng prosecution panel sa impeachment trial.
02:17Sa formal offer of evidence, inililista ang lahat ng ebedensyang nais ng prosekusyon
02:22na isaalang-alang ng impeachment court sa kanilang desisyon.
02:25Sa ibinahagi ng prosekusyon na komento ng depensa,
02:28nakasaad na kabilang sa tinututulan nila
02:31ang pagsama sa statement of assets, liabilities, and net worth o salen ng Vice
02:35mula taong 2007 hanggang 2021,
02:39mga taong hindi pa nakaupong Vice si Duterte.
02:42Mga record mula sa Securities and Exchange Commission
02:44at Philippine Government Electronic Procurement System
02:47patungkol sa ilang business interest na iniuugnay sa Vice.
02:51Anti-money laundering council records and reports,
02:54bank records, insurance and investment company records,
02:57Bureau of Internal Revenue records at iba pa,
03:00forensic examination report and related electronic documents at iba pa.
03:04Sabi ng mga abogado ni Duterte,
03:07resulta umano ito ng isang fishing expedition na hindi raw pinapahintulutan.
03:12Nakuha umano ang mga dokumento habang isinasagawa ang trial sa paraang tinawag nilang paglalambat.
03:18Punto pa nila, hindi umano naka-attach sa impeachment complaint ang mga nabanggit na exhibits
03:23at hindi rin umanobahagi ng articles of impeachment ang mga ito.
03:27Kaya hiling ng depensa, huwag tanggapin ng hukuman ang mga ebidensya ng prosekusyon.
03:33Ayon kay Atty. Renato Bantug, Clerk of the Impeachment Court,
03:36natanggap na nila ang formal offer of evidence ng prosekusyon at ang comment ng defense team ni VP Sara.
03:42Aniya, gagawa sila ng order kaugnay nito pero hindi niya sinabi kung kailan ito ilalabas.
03:48Sinabi rin ni Bantug, inaasahan bukas ang pagsusumite ng depensa ng mga witness na nais nilang ipatawag.
03:55Nakatakdang mag-resume ang impeachment trial sa Lunes, November 9
03:58at inaasahang magsisimula na ang depensa na magpresenta ng kanilang mga ebidensya.
04:03Bea Penlap, nakatutok 24 oras.
04:06Kailangang sagutin ang mga obserbasyon ng Commission on Audit sa Department of Public Works and Highways o DPWH
04:14ayon sa dating kalihim nito at ngayon, Transportation Secretary Vince Dizon.
04:21Sabi ni Dizon, pinagpaliwanag na ni DPWH Secretary Giovanni Banoy Lopez
04:27ang District Engineering Office at Regional Offices na nabanggit sa COA report.
04:32Responsibilidad daw nilang sagutin ito at patunayang tama ang ginawa nilang proseso.
04:38Una ng COA sa report nito,
04:41ikaduda-duda ang kapasidad na magpondo ng ilang kontraktor na inoabdan ng DPWH projects.
04:49Get ni Dizon, kailangan sumunod sa batas
04:52at kailangang kwalifikado sa net financial contracting capacity
04:56ang mga nabibigyan ng kontrata.
04:58Bagaman hindi raw basta-bastang masasabi na may maling ginawa
05:03dahil obserbasyon pa lang ito ng COA,
05:06kung meron daw talagang mali,
05:08ay kailangang may managot.
05:17Red Crown is now on its second week
05:19at patuloy pa itong umaani ng good reviews.
05:22Isa sa cast niyan, si Sparkle Beauty Queen at si Samanalo na thankful sa supporta ng fans,
05:28lalo na sa kanyang shift from pageantry to acting.
05:31Yan ang chika ni Nelson Canna.
05:36Matapos ang kanyang pagganap bilang si Bat Halumang Halia sa Encantadia Chronicle Sangre,
05:42nagtuloy-tuloy na ang acting career ni Miss Universe 2025 third runner-up Atisa Manalo.
05:51Nakita na nga siya sa unang episode ng book 2 ng The Master Cutter
05:55at ngayon, isa sa mga bida ng comedy thriller offering ng GMA Pictures na Red Crown.
06:01Para kay Atisa, excited siya sa bagong mundong ito na ibang-iba raw sa mundo ng pageantry.
06:09Wala akong malalang training so sabi ko talaga,
06:13I will just try my best.
06:15Yun lagi yung mindset ko, every shooting day na papasok ako,
06:19sabi ko, I'll try my best to portray whatever character is given to me.
06:25Isang pleasant surprise nga para sa Sparkle Beauty Queen
06:29ang natanggap niyang magagandang reviews sa kanyang first ever acting sa isang penikula.
06:35First ever movie ko, tapos yung pinaggalingan ko
06:38na at least na-appreciate ng tao to na,
06:42na ayon, they say that I'm a revelation here. Nakakatawa.
06:47Nagpapasalamat naman si GMA Network Incorporated Senior Vice President
06:50and GMA Pictures President Atty. Annette Gozon Valdez
06:53sa maraming organic good reviews ng pelikula.
06:57Now on its second week, mas marami na raw ang makakapanood nito.
07:04I'm very, very happy na
07:06ang dami talagang nagbibigay ng good reviews
07:10at saka talagang ang daming nagpo-post
07:13at sinasabi talaga nila na
07:15it's a very unique movie, twist after twist after twist.
07:19So, ang saya naman mapakinggan na nag-enjoy yung mga nanonood ng mula.
07:24Ang dami kasing naghahanap rin ng pelikula sa mga ibang theaters.
07:27So, ngayong second week, mas marami ng theaters.
07:29Tapos na kasi yung horror festivals sa mga malls.
07:32So, mas marami ng theaters ang Red Crown.
07:35Mas mapapanood niya na sa malapit sa inyo.
07:37Meron na.
07:38Nelson Canlas updated sa Showbiz Happening.
07:43Iniimbestigahan na ng National Privacy Commission
07:45ang data breach sa St. Luke's Medical Center
07:48na naka-apekto sa mga personal na impormasyon ng mga pasyente.
07:53Humingi na ang pamunuan ng ospital ng paumanhir
07:56at tiniyak ang kanilang kooperasyon.
07:59Nakatutok si Darling Kai.
08:04Higit dalawang dekada nang ipinagkakatiwala ni Edward
08:07ang kalusugan ng kanyang pamilya sa St. Luke's Medical Center.
08:10Pati siyempre ang mga personal nilang impormasyon.
08:13Kaya laking gulat niya ng makatanggap ng email mula sa St. Luke's
08:18na nag-abisong posibleng nakompromiso
08:20ang ilan niyang personal na impormasyon.
08:22Natatakot. Kasi siyempre data information mo yun.
08:25Pinagkatiwalaan mo yung malaking ospital.
08:27Partikular na binanggit sa email
08:29ang pagkasangkot sa security incident
08:31ng platform na sumusuporta sa mobile app ng St. Luke's.
08:34Kabilang sa posibleng nadamay ang kanyang pangalan,
08:37hospital patient number, birth date, address,
08:40contact number, dependents, at iba pa.
08:42Possible kami maging target na mga scamming online.
08:46So nakakatakot.
08:47October 29 yung exposure,
08:48tapos November 2 lang kami na-inform.
08:50So medyo may delay.
08:51So sana may improve.
08:53May bataya ng pangamba,
08:54ayon sa isang data analyst at technologist.
08:57If they're able to get your username,
08:59your password combination,
09:00your password hash,
09:01pwede yan magamit in other apps.
09:04Another thing then is if you're a personal information
09:06that can be used in other contexts,
09:11financial transaction.
09:12Hinihintay pa ng GMA News
09:13ang tugon ng pamunuan ng St. Luke's Medical Center
09:16sa aming interview request.
09:18Pero sa statement kahapon,
09:19ay humingi ng paumanhin ng St. Luke's
09:21sa tinawag nilang cybersecurity incident.
09:23Nang mabatid ito,
09:25ay agad daw nilang in-isolate at sinecure
09:27ang apektadong bahagi ng platform
09:28at pag-offline muna ng app.
09:30Agad din daw silang nakipag-ugnayan
09:32sa mga posibleng naapektuhan
09:34maging sa cybersecurity experts
09:36para sa isang komprehensibong investigasyon
09:38para mapatatag ang kanilang siguridad.
09:41Agad din daw nila itong in-report
09:43sa National Privacy Commission o NPC.
09:45Kinumpirma ng NPC na natanggap nila
09:47ang personal data breach notification
09:49mula sa St. Luke's nitong October 30.
09:51Sa labing ulong hospital data breach
09:53na natanggap nila ngayong taon,
09:55itong huli sa St. Luke's
09:56ang pinakamalaki raw
09:57dahil sa isandaang libong tao
09:59ang apektado.
10:00Bukod doon sa number of affected individuals,
10:05yung type ng data na nakuha
10:07pwede siyang magamit sa kung ano-ano
10:09na maglilead sa isang harm sa isang tao.
10:15Nagihimbisigan na ang NPC
10:16para malaman kung may pananagutan ba
10:18ang ospital.
10:19Kasi hindi naman lahat ng breach
10:21could result to violation.
10:23There is nothing as 100% secured.
10:26But if may lapses doon sa end ng St. Luke's,
10:29rather, yun yung titignan natin.
10:31Para maprotektahan ang sarili,
10:33ayon sa eksperto,
10:34ibang email ang gamitin
10:36sa pag-sign up sa mga financial app
10:37at transactions
10:38sa email na ginagamit naman
10:39sa mga ganitong mobile app.
10:42Ibahin din ang username at password
10:43sa iba't-ibang platforms o apps.
10:45At laging tandaang
10:47may karapatang tumangging
10:48magbigay ng personal na impormasyon.
10:50Ngayon tayong tinatawag
10:51sa privacy app na data controller.
10:53Yung data controller
10:54has the responsibility
10:56and the liability
10:57kung maka-compromise yung data.
10:59Samantala,
11:00hindi naman daw apektado
11:01ang servisyong medikal
11:02ng St. Luke's
11:03maging ang medical records
11:04ng kanilang mga pasyente.
11:06Darlene Kai,
11:07nakatutok 24 oras.
11:13Mga kapuso,
11:15hindi na ay naasahang
11:16papasok sa Philippine
11:17Area of Responsibility
11:18ang bagyong may international name na
11:20INFA.
11:21Ayon sa pag-asa,
11:23mas magiging pahilaga na
11:24ang gano'n nito
11:25at mas maliit na rin
11:27ang chance ang maka-apekto pa
11:28sa anumang bahagi ng bansa.
11:30Kahit walang bagyo,
11:31dalawang weather system
11:32ang patuloy na iiral.
11:34Ang malamig na northeast monsoon
11:35o yung hanging-abihan
11:36at mainit na easterlies.
11:39Northern Luzon pa lamang
11:40ang naabot ang efekto
11:41ng amihan
11:42kaya malaking bahagi ng Pilipinas
11:43makakaranas pa rin
11:44ng malinsangang panahon.
11:46Sa katunayan,
11:47papalo sa danger level
11:48ng 42 hanggang 43 degrees Celsius.
11:51Heat index
11:52ang inaasakan
11:53sa ilang lugar bukas.
11:54Mas maagan ang binabantayan
11:55ang heat index ngayon
11:56dahil po sa El Niño.
11:58Gayo pa man,
11:59kahit mainit na panahon,
12:00hindi pa rin inaalis
12:01ang chance ng pag-ulan.
12:02Base sa datos
12:03ng Metro Weather,
12:04umaga pa lamang
12:05may kalat-kalat na ulan
12:06na sa ilang bahagi
12:07ng Bicol Region,
12:07Mindoro Provinces,
12:08Palawan, Quezon,
12:09pati sa Samar at Leyte Provinces.
12:12Magtutuloy-tuloy yan
12:13sa hapon
12:13pero mas marami
12:15ng ulanin
12:15sa Lozon at Misayas.
12:16Pusibli na rin
12:17ang pag-ulan sa Mindanao
12:18gaya po sa
12:19Zamboaga Peninsula,
12:20Northern Mindanao,
12:21Caraga,
12:22Davao Region
12:22at Soxarjer.
12:23Sa Metro Manila,
12:24maalinsangan bukas
12:25pero may chance pa rin
12:27ng ulan
12:27pandang hapon.
12:30Hiniling ng prosekusyon
12:32na magamit
12:32ang recorded interviews
12:34ng tatlong testigo
12:36nito laban
12:36kay dating Pangulong
12:38Rodrigo Duterte
12:39sa paglilitis
12:40ng International Criminal Court.
12:43Ilan sa laman
12:43ang kanilang testimonya?
12:45Ang Oplan Tokhang
12:47na nakatuunumanon
12:48sa pagpatay
12:49at ang mga pagpaslang
12:50sa pamagitan
12:52ng mga kwentong
12:52nanlaban.
12:54Nakatutok si Bob Gonzalez.
12:59Bago pa man magsimula
13:01ang paglilitis
13:02ng International Criminal Court
13:03o ICC
13:04kay dating Pangulong
13:05Rodrigo Duterte,
13:06may hiling na ang prosekusyon
13:08para raw mapabilis ito.
13:09Sa request na final kahapon
13:11ni Acting Prosecutor
13:12Mami Mandiay Niang,
13:14hiling nilang gamitin
13:15ang recorded interviews
13:16ng tatlong witness
13:17laban kay Duterte
13:18para di na raw ito ulitin
13:19sa korte
13:20at makatulong
13:21para di magtagal pa
13:22ang trial.
13:23Naka-blackout
13:24ang maraming detalye
13:25sa public version
13:26ng mga salaysay
13:27ni na-witness
13:28P1097,
13:30P1170
13:31at P1318
13:32para protektahan
13:34ang sensitibong
13:34impormasyon
13:35ng mga testigo.
13:36Kasama raw
13:37sa mga patutunayan
13:38ng mga testigong ito
13:39ang papel ng
13:40Philippine National Police
13:41sa War on Drugs,
13:42ang pagbabago
13:43sa kapulisan
13:44ng maupo
13:44si Duterte bilang Pangulo
13:46at ang individual
13:47criminal liability
13:48ni Duterte
13:49sa pagtukoy
13:50ng high-value targets
13:51sa mga drug watch list.
13:53Nagtutugmaraw
13:54ang kwento ng tatlo
13:55at suportado
13:55ng ebidensya.
13:56Sabi ni witness
13:57P1097,
13:59pagpatay,
14:00imbes na katok
14:01at pakiusap
14:01ang tukhang,
14:02naglagay paumano sila
14:03ng warning placards
14:05sa ilang biktima.
14:06Ebidensya raw ito
14:07na tinarget
14:08ang ilang individual
14:09bilang high-value targets
14:10at inilagay
14:11sa narco list
14:12ni Duterte.
14:13Sa testimonya naman
14:14ni witness
14:14P1170,
14:16maipapakita raw
14:17ang mga akusasyon
14:18ni Duterte
14:18sa publiko
14:19na sangkot
14:20sa iligal na droga
14:21ang ilang individual
14:22na kalaunay
14:23napasama
14:23sa PRRD list.
14:25Habang si witness
14:26P1318,
14:27ipinaliwanag
14:28ang operation
14:29double barrel
14:30at tukhang
14:30kabilang
14:31ang ilang pagpatay
14:32na stitched
14:33umano
14:33sa pamamagitan
14:34ng kwentong
14:35ng laban,
14:35pagtatanim
14:36ng ebidensya
14:37at cover-ups.
14:38Sabi ng prosekusyon,
14:40pupunta pa rin
14:40naman sa korte
14:41ang tatlo
14:41para kumpirmahin
14:43ang salaysay nila
14:44at matanong
14:44ukol dito
14:45kaya hindi naman
14:46anila mayuyurakan
14:47ang karapatan
14:48ni Duterte.
14:49Samantala,
14:50hiniling naman
14:50ng depensa
14:51sa ICC
14:51na i-reject
14:53ang aplikasyon
14:53ng prosekusyon
14:54na i-admit
14:55ang recorded testimony
14:56ni witness
14:57P1357
14:58para magamit
14:59ang testimonya niya
15:00sa korte
15:01kahit hindi siya
15:02humarap dito.
15:03Sabi ni
15:03Defense Counsel
15:04Peter Haynes,
15:05ganitong tipo
15:06ng indibidwal
15:07ang pinapaalis
15:08ng ICC
15:08Trial Chamber
15:09sa listahan
15:10ng prosekusyon.
15:11Hindi ani
15:11at tumutugon
15:12ang testimonya niya
15:13sa research,
15:14mga aligasyon
15:14o findings.
15:15Nihindi ro
15:16pamilyar
15:17ang testigo
15:17sa mga pangyayari.
15:19Sa recorded testimony
15:20ni witness
15:21P1357,
15:23tinidetali
15:23ang operasyon
15:24ng Davo Death Squad.
15:26Hindi rin daw
15:26iko-cross-examine
15:27ang depensa
15:28si witness
15:29P0024
15:30dahil natugunan
15:31na raw nila
15:31ang mga pahayag dito.
15:33Kahapon sa ikalima
15:34at huling status conference
15:35bago ang pagsisimula
15:36ng trial proper
15:37sa November 30,
15:39inilatag sa trial chamber
15:40na may opening statement
15:41ang Office of the Prosecutor,
15:43legal representatives
15:44of the victims
15:45at magsasalita rin daw
15:46ang depensa.
15:48Giniit din ang korte
15:49na dapat dumalo
15:50si Duterte
15:51sa mga pagdinig.
15:52Hindi papayagan
15:53ang mga salitang Tagalog,
15:55batay na rin
15:55sa Rome Statute
15:56na English at French
15:57ang lengwahe
15:58sa ICC trial.
15:59Five witnesses
16:00ang nakatakdang iharap
16:01ng prosekusyon
16:02hanggang Disyembre
16:03bago ang Christmas break
16:04ng korte.
16:0529 na testigo naman
16:06ang gusto nilang iharap
16:07via videoconference.
16:09May posibilidad din
16:10na mag-iba
16:10ang oras ng trial
16:11dahil sa time difference
16:13ng The Hague sa bansa
16:14kung nasaan
16:14ang mga testigo.
16:16Mav Gonzalez
16:17na Katutok,
16:1824 Oras.
16:20Nanawagan sa Pilipinas
16:21at China
16:22ang 23 business
16:23at civil society groups
16:25na pahupain na
16:26ang mainit nilang
16:27palitan ng salita.
16:29Sa kanilang joint statement,
16:31hinimok nila
16:31ang dalawang bansa
16:32na gumamit
16:33ng maingat na pananalita
16:35at iwasan
16:36ang mga pahayag
16:37na nakapagpapataas
16:38ng tensyon.
16:39Dagdag nila
16:40ang diplomatic positions
16:42daw ay dapat
16:42inilalahad
16:43ng mga itinalagang
16:45mga opisyal
16:46sa pamamagitan
16:47ng mga institusyon
16:48at established channels.
16:50Sabi ng mga grupo,
16:52dapat ipagtanggol
16:53ng Pilipinas
16:54ang soberanya nito
16:55pero
16:56ito ay habang patuloy
16:57na nakikipagdialogo
16:59at nakikipagkooperasyon
17:01sa kalakalan
17:01at pamumuhunan.
17:03Kabilang sa mga grupong
17:04lumagda sa statement,
17:06ang Employers
17:07Confederation of the Philippines,
17:08Philippine Chamber of Commerce
17:10and Industry
17:11at
17:11Federation of Filipino-Chinese
17:13Chambers of Commerce
17:14and Industry, Inc.
17:15Incorporated.