- 7 hours ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Thank you so much.
00:30Ang iba pang mga coach, mga student manager, physical therapist, at mga utility o ball boy.
00:35Ang inirekomendang asunto, paglabag sa Republic Act 11053 o ang Anti-Hazing Act of 2018.
00:42Sa Section 14A ng naturang batas, may pananagutang kriminal ang sino mga aktual na nagplano o lumahok sa hazing kung
00:49nagresulta ito sa pagkamatay.
00:51Dati kong iniisip natin, ang hazing ay initiations lamang. Ngunit dito, ang team building at training ay nag-crossover papunta
01:04sa hazing.
01:05May tatlong elementong bubuo sa Anti-Hazing Act. Una, physical or psychological suffering.
01:11The victims are exposed to hazarded open sea environment characterized by rip currents, strong waves, and varying sea depths.
01:21This one is very clear as there is the presence of death of two individuals. This is a clear case
01:31of physical suffering under the law.
01:33Pangalawa, ito ay prerequisite para matanggap o magpatuloy ang pagiging miyembro ng isang organisasyon.
01:3820 athletes were present during the activity but that 17, only 17, would eventually be in that final list submitted
01:48to the UAAP.
01:49Meaning there would be three members eliminated and it appears from the evidence gathered by the CIDG that this activity
01:58was made precisely to screen or as a requirement for entrance into that list.
02:04At pangatlo, ang physical na aktividad na pinagawa sa mga student-athletes.
02:09Itinuloy pa rin daw ang aktividad kahit nagpahayag ang lima sa mga manlalaro na hindi sila marunong lumangoy.
02:14Tinanong niya ang mga players sila, sino ditong hindi marunong lumangoy?
02:19Lima ang nagsabi na hindi sila marunong.
02:22Nung nalaman niya na hindi marunong lumangoy, binigyan niya ng information kung paano mag-handle ng rip currents.
02:34Mahirap dito, ang paano mo tuturuan ang hindi marunong lumangoy na mag-handle ng rip currents.
02:42Ayon kay Sekretary Remulia, maaari raw sanang naiwasan ang traherya dahil lumalabas sa investigasyon ng CIDG
02:48na noong 2016 ay may kapareho na rin team-building activity na nangyari na inorganisa si Baldwin para sa Ateneo
02:55Men's Basketball Team
02:56kung saan may muntikan na rin daw malunod.
02:59Binasa ni DILG Sekretary John Vic Remulia ang kwento ng dalawang dating miyembro ng Ateneo Blue Eagles.
03:05My teammates G-Boy Babylonia and Ike Chibuse nearly drowned at the seawater due to panic because G-Boy was
03:14unable to swim.
03:15I personally experienced an untoward incident to the point that I almost drowned and gave up.
03:21Biglang may natapakan siyang uneven service at hinila siya at muntik siyang malunod.
03:25Sumisigaw siya ng tulong.
03:27Sinusubukan pa namin makuha ang pahayag ng mga pinasasampahan ng reklamo.
03:31Hindi rin daw inaalis ng mga investigador ang posibilidad na madagdagan ang ikakaso at makakasuhan sa insidente.
03:37Walang kasamang opisyan ng universidad sa rekomendasyon ng CIDG.
03:41Pero sabi rin ni Remulia na hindi pa sila tuluyang absuelto sa kaso.
03:44We are just looking into the criminal aspect.
03:48But definitely there will be civil liabilities of the Ateneo de Manila because of the deaths of the two individuals.
03:54Sinabi naman ni Ateneo de Manila University spokesperson Father R.B. Hezon,
03:59patuloy silang makikipagtulungan sa iba pang ahensyang nag-iimbestiga sa trahedya
04:03at kumpiyansa silang matitimbang ng patas ang lahat ng detalya ng insidente sa pamamagitan ng tamang proseso.
04:10Pinaninindigan din ang Ateneo ang commitment nito para isulong ang accountability at kapakanan ng kanilang mga estudyante
04:16habang patuloy na pinalalakas ang mga reformang ipinatutupad nila para hindi na maulit ang trahedya.
04:22Ayon naman kay PNT Chief Jose Melencio Nartates Jr.,
04:25sinibak ang Provincial Director ng Aurora na si Police Colonel Percival Pineda.
04:29The Provincial Director of Aurora Province was relieved immediately after making statement
04:40and or concluding already that there's no cover-up or there's no walang nangyari na hindi maganda
04:51or foul play in that fateful day of June 8.
04:57Okay?
04:58Dapat inimbestigahan lahat.
05:00Maris Umali, Nakatutok, 24 Horas.
05:03Tatlo ang sugatan sa pagsalpok ng ambulansya sa isang SUV sa Quezon City.
05:09Ang ambulansya na huli kam na dumire-diretsyo kahit nakastop ang traffic light.
05:16Nakatutok si James Agustin.
05:22Walang gaanong sasakyan na dumaraan sa intersection ng Quezon Avenue at D Tuazon Street sa Quezon City
05:27magalas do sa madaling araw kanina.
05:29Masda ng isang SUV na galing sa D Tuazon Street.
05:32Bigla itong sinalpok ng ambulansya na binabagtas naman ang westbound lane ng Quezon Avenue.
05:38Sa lakas ng impact, tumagilid ang SUV.
05:40Bumangga sa center island ang ambulansya.
05:43Sa isa pangangulo ng CCTV, kita na nakastop na ang traffic light sa westbound lane ng Quezon Avenue.
05:49Dire-diretsyo pa rin ang ambulansya na mabilis ang takbo.
05:53Nayupi ang harapang bahagi at nabasag ang windshield ng ambulansya.
05:56Kita rin ang pinsala sa driver's side ng SUV.
05:59Sugatan ang tatlong sakay ng ambulansya.
06:01Kabilang na ang 42 anyo sa driver at dalawa niyang kasama.
06:05Ginomot sila ng mga rescuer.
06:07Ayon sa driver ng ambulansya,
06:09pauwi na sila sa kabita matapos maghatid ng pasyente sa isang ospital sa Quezon City.
06:14Medyo mabis na pangyayari kasi.
06:15Kasi bigla na sa sumulput eh.
06:19Sa kato.
06:21Kaya hindi narikinayin ang freno namin.
06:23Parang nablanko na lang kasi kami.
06:25Wala kami.
06:26Hindi naman napasin yung kung nakastop ba o nakago.
06:29Hindi naman nasugatan ang mag-asawang senior citizen na sakay ng tumagilid na SUV.
06:34Papunta na silang trabaho sa Cubao na mangyari ang aksidente.
06:37Hindi sila kasirena.
06:40Hindi ko in-expect na dire-diretsyo siya.
06:43Sa tuloy niya.
06:45Sumatakbo siguro siya.
06:47Sabihin natin 60.
06:50Binangga niya kami nang hindi namin inaasahan.
06:54Kasi stop siya.
06:56Inimbisigahan ang QCPD Traffic Sector 1 na nangyaring aksidente.
07:00Nag-uusap para magkabilang pani.
07:02James sa gustingin na katuto.
07:0424 oras.
07:05Dinetalyo na ng mga otoridad ang mga nakuhanan ng mga CCTV sa paaralan sa Tacloban
07:11kung saan tatlo ang nasawi sa pamamaril ng dalawang estudyante.
07:16At mula pa rin doon, nakatutok live si Rafi Pima.
07:20Rafi.
07:23Vicky, katatapos lang itong isinagawang candlelighting at misa kanina para sa tatlong estudyante na nagbuis ng buhay sa nangyaring paumaril
07:30dito sa San Jose National High School noong lunes ng mga alumni nitong eskwelahan.
07:34Emosyonal ang ilang sa nangyari lalupat masaya o manoh ang kanilang alaala nitong kanilang paaralan na ngayon ay napalitan ng
07:41matinding kalungkutan.
07:42Pero tulad nung tumamarito ang Baguong Yolanda, babangon doon sila mula sa trahedya.
07:47Samantala, binilikan Vicky ngayong araw ng mga embistigador ang kuha ng CCTV nitong San Jose National High School para himayin
07:53ang iba pang detalye sa nangyaring paumaril dito noong lunes.
07:56Bahagero ito ng pagpapalakas nila ng ebidensya sa isinampang kaso sa 15 taong gulang na shooter at sa iba pang
08:02sasampahan ng kasong kriminal, bunsod ng insidente.
08:09Mayigpit pa rin pinag-aaralan ng mga embistigador ng Tacloban City Police ang CCTV na ito ng San Jose National
08:14High School.
08:15Pinihagan kaming kunan ang screen monitor ng kanilang CCTV pero ang mismong kuha noong lunes, mga embistigador pa lang daw
08:22muna ang may akses.
08:23Walong ang gulo ang CCTV ng eskwelahan. Kita rito ang entrance, bahagi ng harapan ng main building at likor ang
08:29bahagi kung saan nahuli ang 15 taong gulang na shooter.
08:33Nakunan daw ang pagpasok ng dalawang minority edad na sospek pero hindi na nakita ang kanilang aktual na pamamaril.
08:39Basa sa report ng mga embistigador, 21 basyo ng 9mm na baril ang kanilang narecover, 16 naman ang live ammunition
08:47o mga hindi na iputok na bala.
08:49Isang spent case at limang live ammunition naman ang nakita sa caliber .38 revolver na hawak ng kinasuhang minority edad.
08:57Kanina, binalikan namin ang bahay ni Alias Rod pero wala ang kanyang mga kaanak dito. Umalis daw ayon sa nagbabantay
09:03sa bahay.
09:05Patuloy naman ang psychological first aid para sa mga estudyante, guro at pati na sa mga magulang na nakaranas ng
09:11krimen noong lunes.
09:13Takot, galit at pagkakonsensya ang lumalabas umano sa karamihan.
09:17Ang takot, pangamba, yung pag-aalala kung safe pa ba sila, kung ano pa ba ang magiging future nila.
09:29Galit sila, bakit nangyari ito, galit sila, meron yung iba guilty, bakit sila nabuhay.
09:35Oo, yung iba, lalo na yung mga best friends, yung mga close friends, yung mga namatay talagang, andun yung guilt
09:42feeling sa kanila.
09:43Magiging mahaba umano ang proseso ng paghilom, kaya naman ang mga guro na nakaranas din ang trauma.
09:48Kailangan din isa ilalim sa orientation para maobserbahan ang kanilang mga estudyante kapag bumalik na sila sa eskwela.
09:54I-go oriental sila about the red flags, yung mga signs, symptoms, para kung meron man silang makita, kasi hindi
10:01yan agad-agad ngayon makikita lahat,
10:04it will take weeks, two weeks, and maybe months pa yung iba na magmamanifest.
10:10Para sa mga registered guidance counselor tulad ni Julian, kayang iwasan ang mga ganitong pangyayari.
10:16Sabihin natin, may batang, hindi kumikilos ng tama, pero pag kinausap mo, pakinggan mo ang kanyang kwento, then may pag
10:28-asa na matutuwid siya.
10:30Kano po kadami yung pwede maiwasan ganito kung may guidance counselor ang mga eskwela?
10:35Napakarami po, napakarami. Hindi ko po ma-underscore.
10:39Sa ngayon, malaki daw ang kakulangan sa mga guidance counselor.
10:42Mula sa ideal na isang counselor kada limandaang learner, ngayon, umaabot daw ito sa isa kada liman libo hanggang pitong
10:49libong estudyante.
10:50Para naman mapagting ang siguridad dito sa San Jose National High School bago ito muling magbukas,
10:55sisimulan na ng kontraktor na kinuha ng lokal na pamahalaan ng takloban ang pagpapataas sa bakod at paglalagay ng barbed
11:01wire sa taas nito.
11:03Ipinakita ng kontraktor ang planong pagkumpleto sa bakod sa paligid ng eskwelahan.
11:08Kanina, dumating na ang ilang materyales para rito.
11:15Inanunsyo naman Vicky ng Deped Region 8 na out of danger na ang isa sa mga estudyanteng sugatan
11:20bagamat nananati pa rin siya sa intensive care unit ng ospital.
11:24Ayon naman sa isang opisyal ng Deped District Office dito sa Takloban na ating nakausap kanina lang
11:28ay responsive at out of danger na ang lahat ng tatlo nilang estudyante na nasa ICU.
11:32Isang magandang balita niya sa pagtatapos ng lingkong ito na naging matinding pagsubok sa kanila.
11:37Yan ang latest mula rito sa Takloban. Vicky?
11:40Maraming salamat sa iyo, Rafi Tima.
11:55Pagpapatibay sa reklamo kaugnay ng pagbabantao mano.
11:59Ni Vice President Sara Duterte kay Pangulong Bongbong Marcos ang dahilan kung bakit ipinatawag ang dating court sheriff
12:05na sinapak ni Duterte noong 2011 pero mismong ang ex-court sheriff na nawagang huwag na siyang idamay sa usapin.
12:13Nakatutok si Tina Panganiban Perez.
12:19Hindi mismong ang pananapak ni Nooy Davao City Mayor Sara Duterte
12:24kay dating Sheriff Abe Andres noong 2011
12:27ang dahilan kung bakit ipatatawag ang huli ng prosecutors sa impeachment trial laban sa Vice.
12:34Ihaharap siyang testigo para ma-establish ang ugali ng Vice bilang pagpapatibay sa article of impeachment
12:41tungkol sa pagbabanta ng Vice kay Pangulong Bongbong Marcos, First Lady Lisa Araneta Marcos,
12:48at dating House Speaker Martin Romualdez.
12:53Yung ugali o yung kanyang pagiging, yung pagiging bayolente ng ating vice-presidente
12:59ang magiging purpose po ng usapin dito.
13:03Under the rules, it is allowed to present evidence to establish behavioral pattern,
13:08to establish propensity of a person to resort to violence for example.
13:15It also speaks about the attitude that she is, yung impunity, the culture of impunity
13:21that we would try to address.
13:25Pero panawagan ng dating Sheriff sa isang post,
13:28huwag na siyang isama sa tinawag niyang partisan political matters.
13:32Noon pa man daw ay ayaw na niyang magkomento sa naturang insidente.
13:37Sabi ng House Prosecution Panel, mahalagang witness si dating Sheriff Abe Andres.
13:42Pero ang star witness daw sa article of impeachment tungkol sa pagbabantaan ng vice
13:48kay Pangulong Bongbong Marcos, First Lady Lisa Marcos,
13:52at dating House Speaker Martin Romualdez ay ang vice mismo.
13:56Dahil kitang-kita naman ho dun sa mga video footages which was made publicly available,
14:03yung subject utterances niya.
14:05So hindi na ho namin kailangan mag-presenta pa ng ibang witness to prove those matters.
14:10Si Mary Grace Piatos naman na inilista ng Prosekusyon bilang witness,
14:15smoking gun kung ilarawan ni House Prosecutor Terry Lidon.
14:20Mary Grace Piatos does not exist.
14:23Those who receive the confidential funds indicated under the confidential funds
14:29might probably be a made-up character.
14:31If she does not appear, this just supports her position that she's a made-up person.
14:37May tuturing na hostile witness o kontra sa interes ng Prosekusyon,
14:42si na Office of the Vice President o OVP, Chief of Staff, Zulayka Lopez.
14:47Dating OVP spokesperson, Reynold Monsayak.
14:51At dating Department of Education o DepEd spokesperson, Michael Powa.
14:55Walang problema ayon kay Powa kung hindi ito sasagasa sa trabaho niya bilang impeachment lawyer ng TSE.
15:04Ayon sa Prosekusyon, kailangang sumunod sa impeachment court ang mga ipatatawag bilang testigo.
15:10The impeachment court has the power to compel people to attend them
15:15and to send them in contempt if they continue to refuse to heed such directive.
15:21Tina Panganiban Perez, Nakatutok, 24 Horas.
15:25Sa unang pagkakataon ay nasilip na ang punto-por-puntong sagot ni Vice President Sara Duterte
15:33sa bawat aligasyon sa Articles of Impeachment laban sa kanya.
15:38Kabilang dyan ang muna ipagbabanta sa buhay ni Pangulong Bongbong Marcos
15:42na anya ay bahagi ng freedom of expression.
15:46Ang iba pagtugon sa pagtutok ni Joseph Moro.
15:53Nakuha ng GMA News ang formal na sagot ni Vice President Sara Duterte
15:57sa apat na Articles of Impeachment laban sa kanya.
16:01Sa dokumentong may pechang May 25, 2026, isa-isang sinagot ni Duterte
16:05ang mga Articles of Impeachment ng Prosekusyon laban sa kanya.
16:09Sa umunay bantang ipapapatay si Pangulong Bongbong Marcos Jr.,
16:12First Lady Lisa Marcos at Dating House Speaker Martin Romualdez noong November 23, 2024.
16:18Kasi may kinausap na ako na tao.
16:21Sinabi ko sa kanya, kapag pinatay ako, patayin mo si BBM, si Lisa Araneta at si Martin Romualdez.
16:29No joke.
16:30Sinabing ito raw ay freedom of expression o kalayaan sa pagpapahayag
16:35bilang pagpapakita ng pagkontra sa mga polisiya ng Administrasyong Marcos.
16:40Protektado daw ng konstitusyon di lamang ang mga pahayag na magandang pakinggan
16:44kundi pati yung nakakasakit, nakakagulat o nakakabahala.
16:48Wala rin daw ipinakitang pruweba na talagang may kinontratang asasin
16:52para patayin ang Pangulo, unang ginang at dating speaker.
16:56Iginit ni Duterte na wala raw pagbabanta dahil sinagot lamang niya
16:59ang tanong ng reporter uko sa umunay operasyon laban sa pamilya Duterte.
17:04Sa aligasyon naman ng prosekusyon na hindi maipaliwanag na yaman ng mag-asawang Duterte
17:09dahil 30 million pesos lamang ang kanilang kita
17:12pero tumaas ang kanilang net worth ng 80 million pesos
17:15bagay na hindi rin daw inilahad ng bisi sa kanyang statement of assets,
17:19liabilities and net worth o salin.
17:21Sa sagot ni Duterte, sinabi niyang walang ebidensyang isinimite para patunayan ito.
17:26Hindi rin daw impeachable officer ang kanyang asawa
17:29at isinama ang kita nito sa kita ng bisepresidente
17:32para palubohin ang kanyang income at palabasing kaduda-duda ito kahit hindi naman daw.
17:37Sa aligasyon namang nasa 6.7 billion pesos ang transaksyon
17:41sa account ng mag-asawang Duterte mula taong 2007 hanggang 2024.
17:46Dagdag niya labag daw sa batas sa pagsisapubliko ng report na ito
17:49ng Anti-Money Laundering Council at hindi daw ito dapat ginagamit.
17:54Lalabanan daw nila ito sa tamang panahon.
17:57Sa inilabas namang dokumento ni dating Sen. Antonio Trillanes IV
18:01tungkol sa umunay mga transaksyon na may kinalaman sa droga,
18:05sinabi ni Duterte na ang mga dokumento kung totoo man daw ang mga ito
18:08ay labag sa Bank Secrecy Law at hindi maaaring gamitin sa korte.
18:14Tungkol naman sa umunay pagwawaldas ng bisi sa lampas 600 milyong pisong confidential funds,
18:19matatanda ang sinabi na nagpakilalang malapit kay Duterte na si Ramil Madriaga
18:23na personal siyang inutusan ni Duterte
18:26para i-deliver ang pera mula sa 125 milyon pesos ng confidential funds ng OVP sa Laguna at Quezon City.
18:33Tugon dito ng bisi, inamin na mismo ni Madriaga na may galit lamang ito kay Duterte
18:38dahil hindi siya tinulungan ng makulong ito para sa kidnap for ransom.
18:42Wala rin daw pruweba na personal na nakinabang si Duterte.
18:46Regular daw ang release at paggamit ng confidential funds base na rin sa mga dokumento ng prosekusyon.
18:52At hindi pa rin daw pinala mga notice of disallowances ng Commission on Audit sa paggamit ng confidential funds.
19:00Tungkol naman sa umunay panunuhol at korupsyon sa Department of Education,
19:05sinabi ni Duterte na biguro ipakita na galing kay Duterte ang pera at nanuhol siya para influensyahan ang procurement process
19:11sa DepEd.
19:12Sa kabuuan, hiniling ng kampo ni Duterte sa Senate Impeachment Court na ibasura ang kaso laban sa kanya
19:18dahil kapos ito sa hinihingi ng konstitusyon para sa isang impeachment proceeding.
19:23Ang palitan ito ng mga aligasyon at ebidensya sa pagitan ni Vice President Sara Duterte at mga prosekutor
19:30ang lalabas, titimbangin at huhusgahan na mga senator judges sa impeachment trial na inaasahang magsisimula sa susunod na buwan.
19:39Joseph Morong, Nakatutok 24 Oras.
19:47Happy Friday, chikahan mga kapuso!
19:50Dinagsa ang pagdiriwang ng Regado Water Festival sa Cavita City na mas pinasaya dahil sa hatid na performance ng mga
19:57kapuso stars.
19:58Narito ang report ni Dayal Noquillano ng GMA Regional TV.
20:06Hindi lang puro basaan!
20:11Tagtag pa ng iba't-ibang aktibidad ang mahigit dalawang Regada Water Festival ng Cavite City.
20:18Naging extra special pa ang selebrasyon sa pagdating ng kapuso stars kabilang ang cast ng JMA Afternoon Prime Series na
20:26Kamao na si na Katrina Halili at Chante Videla.
20:33Present din si Sparkle star Vince Maristela.
20:41At Tik Tok Clock and All Out Sunday's Diva, Hannah Prisilas.
20:49Dagsa ang libo-libong festival goers para makisaya at makibasa kasama ang kanilang paborirong stars.
20:57Naging memorable din ang pista para sa mga kapuso stars lalo na at first time nila sa Regada Water Festival.
21:03Grabe, kanina palang sa biyahin nakikita namin sa Van na sobrang saya nilang panoorin na talagang nagbabasaan sila kung next
21:11year kung pwede lang pupunta ulit ako dito.
21:13First time ko dito sa Cavite City sa Regada Festival.
21:18Sobrang welcoming, sobrang warm nang tanggap nila po sa amin.
21:23Tsaka masayang sis, basang-basa silang lahat.
21:26Alam ko na may mga lapis din po or fans ko dito sa Regada Water Festival.
21:32And first time ko rin po kasing may experience to, so I'm just really excited for the whole experience po.
21:37Excited na excited ako makita ang mga fans ko.
21:40At sa tingin ko, excited din silang basain ako dahil nandito tayo sa Regada Festival dito sa Cavite.
21:46Mula sa JMA Regional TV, Diane Loquelliano. Nakatutok 24 oras.
Comments