00:00Nanawagan sa Pilipinas at China ang 23 business at civil society groups na pahupain na ang mainit nilang palitan ng
00:08salita.
00:09Sa kanilang joint statement, kinimok nila ang dalawang bansa na gumamit ng maingat na pananalita at iwasan ang mga pahayag
00:17na nakapagpapataas ng tensyon.
00:19Dagdag nila, ang diplomatic positions daw ay dapat inilalahad ng mga itinalagang mga opisyal sa pamamagitan ng mga institusyon at
00:29established channels.
00:30Sabi ng mga grupo, dapat ipagtanggol ng Pilipinas ang soberanya nito pero ito ay habang patuloy na nakikipagdialogo at nakikipagkooperasyon
00:41sa kalakalan at pamumuhunan.
00:43Kabilang sa mga grupong lumagda sa statement, ang Employers Confederation of the Philippines, Philippine Chamber of Commerce and Industry at
00:51Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Incorporated.