- 2 days ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
24 Oras: (Part 2) Habagat patuloy na magpapaulan sa bansa; LPA sa PAR; Update sa impeachment trial vs VP Duterte, atbp
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Maygpit na binabantayan ng mga taga-barangay sa San Jose del Monte, Bulacan,
00:05ang bahagi ng Marilau River, kasunod ng pagkamatay ng apat na kabataang nagswimming
00:12sa kasagsagan ng masamang panahon.
00:15Natagpuan na nitong Sabado ang ika-apat na nalunod.
00:20Nakatutok si Jamie Santos.
00:25Sa videong ito, sinasaway ng mga taga-barangay ang mga kabataang nalunod sa Marilau River sa San Jose del Monte,
00:32Bulacan,
00:32sa kabila ng ragasan ng tubig noong lunes ng nakaraang linggo.
00:36Pero ilang kabataan pa rin ang tumalon at lumangoy.
00:40Hindi nagkuna ng video pero may apat umanong kabataang magkakahiwalay na tumalon
00:44sa iba't ibang bahagi ng nasabing ilog noong araw na iyan.
00:47Isa sa kanila ang 18-anyos na si Mark Ivan Gerona.
00:51Natinangay ng rumaragas ang ilog nitong August 10, kasagsagan ng habagat.
00:56Umaga ng Sabado, natagpuan ang kanyang labi sa Tabon Creek sa barangay Nagbalon, Marilau, Bulacan.
01:03Ang sakit na! Kiniwan mo kami! Ang hirap mo!
01:11Nauna ng natagpuan sa Tabon Creek ang mga labi ng tatlong kasama na Gerona.
01:16Kwento ng mga kaibigan ni Gerona, madalas silang naglalaro sa ilog pero matapos ang nangyari,
01:21ayaw na nilang bumalik doon.
01:31Ang mga taga-barangay gaya-gaya kahit linggo at mababa ang ilog,
01:36nag-iikot para matiyak na walang maliligo sa ilog.
01:39Kasi pag tumahas, lumaki ng ilog, pinapalikas namin sila.
01:44Sinasawin po talaga namin yung mga batang naliligo po.
01:46Kaso lang talagang matitigas din po talaga yung ulo ng mga bata.
01:49Pag tumahas yung ilog, naging hindi po kami talaga doon sa ilog para pagbawalan yung mga bata.
01:56Tulitulit naman po yung aming pag-iikot.
01:58So yung mga signage po, yun po yung dadagdag sa ulo po.
02:03Patulit po natin tanawagan sa mga mag-ulo,
02:06ang bantayan yung panalang na pagsabihan na yung ilog po ay pagmulakas ang lumang delikado.
02:13At sila ka rin.
02:15Jamie Santos, Nakatutok 24 Oras.
02:18Hanggang sa mga kalasada palabas ng Metro Manila,
02:21umabot ang efekto ng trafikong naimbudo mula po sa ilang mga binahang lugar.
02:26Nakatutok live, si Maki Bonino, Maki.
02:34Kumupa na ang baha sa Kanto ng Edsa at Quezon Avenue at Edsa, Kanto ng Edsa at North Avenue.
02:41Pero naging matindi pa rin ang trafik hanggang alasais ng gabi.
02:50Pasado alauna ay medya ng hapon, tumigil ang trafik sa Edsa Northbound dahil sa baha sa tapat ng isang mall
02:56sa North Avenue.
02:58Nagbaha rin sa tapat ng isang mall sa Kanto ng Edsa at Quezon Avenue.
03:01Binaibay namin ang kahabaan ng Edsa mula Quezon Avenue hanggang Monumento mula alas 3 ng hapon kanina.
03:08Wala kaming inabutang baha pero talagang mabigat ang trafik.
03:12Mahigit isang oras ang biyahe mula sa Kanto ng Quezon Avenue hanggang Monumento na may layong nasa 7 kilometers.
03:19Ang ilang choke points ay sa mga karaniwang lugar na iipit kung rush hour.
03:23Gapang ang trafik approaching sa isang kilalang mall sa Kanto ng Edsa at North Avenue.
03:28Paglampas nito, bagyang lumuwag ang trafik hanggang Muñoz.
03:32Pero gapang na uli mula Muñoz hanggang Balintawak o yung exit papuntang Enlex.
03:37Maluwag na ang trafik paglampas ng Balintawak hanggang Monumento.
03:40Pabalik naman ng southbound mula Monumento.
03:43Mabigat approaching Cloverleaf at gapang na ito hanggang North Avenue.
03:47Ayon kay MMDA Chairperson Don Artes, humupa agad ang baha in 30 minutes to 1 hour.
03:54Sadyang marami raw lang talaga ang binuhos na ulan mula 9am to 2pm na umabot ng 201.7 millimeters.
04:03Kung ihahambing sa undoy na 455 millimeters na binuhos sa loob ng 24 oras,
04:09ang bumuhos daw kanina sa loob ng 5 oras ay halos kalahati na nito.
04:13Kaya na-overwhelm daw ang mga waterway pero humupa rin agad ang baha.
04:23Sa ngayon Emil, makikita mo naman ay maluwag na ang southbound at northbound ng EDSA dito sa malapit sa vicinity
04:32ng North Avenue.
04:33Pero kanina, kaya daw traffic ayon kay MMDA Chairperson Don Artes ay dahil nagkasabay-sabay ang pag-uwi ng mga
04:41tao dahil nga sa mga suspensions nung tanghali.
04:45Ito rin daw ang dahilan, ayon din sa kanya, kung bakit hindi sila nag-suspend ng number coding dahil mas
04:51bibigat pa ang traffic.
04:53Emil?
04:53Maraming salamat, Maki Pulido.
04:56Pati sa Maynila, problema ang baha at hindi lang mga biyahe at negosyo ang naaperwisyo.
05:03Pati ilang pasyente sa mga ospital nalagay sa alanganin dahil sa naipong tubig.
05:08Nakatutok live si Ivan Maynil.
05:11Ivan!
05:16Yes, Vicky, sa nakalipas na limang oras na nandito tayo sa España Boulevard, ngayon lamang tayo nakakita ng bahagyang paghupa
05:24ng baha dito.
05:25Sa ngayon, Vicky, wala na sa kalahati ng gulong ang taas ng baha dito.
05:31Pero tulad na nakikita mo, itong akikinatatayuan, itong direksyon patungon ng Quezon City, ito namang kabila, yan ang direksyon patungon
05:38ng Quiapo.
05:38Hindi pa rin ito nadadaanan ng mga sasakyan dahil marami ang nagdadalawang isip at marami na rin ng mga tumirik
05:45sa mga kalye kasi kaya nahaharangan din itong mga daanan.
05:48Tulad na nabagit mo, napakalaking abalah at perwisyo ang idinulot ng pagbaha sa ating mga kababayan.
05:59Wala pang rush hour pero wala nang galawan ang mga sasakyan sa kanto ng España Boulevard at Caico Street sa
06:05tapatang University of Santo Tomas alas dos ng hapon.
06:08Ang ilang sasakyan nga, ilang oras ang nakatinga at ang mga motorcyclo sumampas sa Center Island para iwas baha sana,
06:16inabot na rin ang tubig.
06:17Kung sa gitna akadadaan dyan, halanganin kasi hanggang bewang na, hindi na rin kaya.
06:22Lumanguin na yung motor ko sir.
06:24Asan?
06:24Nandiyan sir.
06:25Ayan?
06:25Opo sir.
06:26Ayaw na.
06:26Ayaw na.
06:27Tirik na.
06:27O tirik na sir.
06:29Tis na lang sir.
06:30Inaabot na kami ng panangalian.
06:31Close na ba kayo ng mga kasama mo rin?
06:33Opo, close na, close na, close na, close.
06:37Close na, close sir.
06:39Para na kami magkakapatid tuloy.
06:43Malalaki sasakyan lang ang nakakadaan sa marami bahagi ng Espanya at ilan lang ang naglalakas loob.
06:49Mabagal din ang paghupa ng baha.
06:51Mga kapuso, sitwasyon po ito dito sa Espanya, kanto ng Caico.
06:56Alas 3.30 ngayong hapon.
06:59Ilan po sa mga sasakyan dito na nakikita ninyo na hindi gumagalaw, oras na ang binilang dito dahil hindi pa
07:05rin humuhupa ang baha.
07:06At marami sa kanila ayaw magbakasakali na lumusong dito sa napakalalim na baha.
07:12Sa ngayon po nakikita natin yung overpass, may mga nang nagaantay pa rin dyan.
07:17May mga pinipili naman maglakad, lalo na yung mga estudyante na ilan sa kanila.
07:22Quezon City pa raw ang uwi.
07:24Pero lalakarin na lang daw nila.
07:27Sobrang aberya po. Inintay po kasi namin yung suspension ni Isco.
07:31Ang suspension niya lang po, LM to senior high school lang po.
07:35Tapos di po nila sinama yung college.
07:38Mahirap.
07:39Kasi ang lalim po ng basa, dinadaanan po namin eh.
07:43Commuter man ng motorista. Lahat naabala.
07:47Ayaw niyong ilusong yung kotse.
07:49Ayaw, ayaw.
07:51Bakit, bakit?
07:51Eh, mahirap na. Sifty na makamagalit yung bus natin.
07:55Ayaw niyong ilusong?
07:56Ayaw, wala. Hindi pwede.
07:57Hindi pwede.
07:59Maka masira ang makina.
08:01Patihanap buhay na perwisyo.
08:04Bahana po sa mga dadaanan. Sarado na po lahat eh.
08:07Yung online, nag-online lang po ako ng ulam.
08:10Eh, matumal ngayon.
08:11O online, nagdi-deliver po.
08:14Eh, hindi makabiyahe.
08:15Ayan po.
08:16Eh, walang kita.
08:18Dalagay sa alanganin ng mga pasyente ng mga ospital.
08:21Tulad sa isang ito sa Kayco Street na pinasok ng baha.
08:24Kaya kinailangan iyakyat sa ikalawang palapag lahat na mga mahalagang gamit.
08:30Binahari ng Philippine General Hospital o PGH sa Taft Avenue.
08:39Binahari ng mga kalsada sa paligid ng Taft, kabila ang Calao Avenue at Maria Oroso Street.
08:45Marami ang stranded.
08:48May mga lumusok.
08:51Sobra pong hirap sa mga ganito sa amin na pumapasok po sa araw-araw.
08:56Habang ang iba, nag-alkira ng padjak o tricycle.
09:0020, 20.
09:0120 isa, 20.
09:02Baha po kasi.
09:03Sobrang lakas.
09:04Sobrang taas po kasi ang baha dito sa top.
09:06Umaabot tuhod naman ang baha sa Tayuban, Canto na Avenida.
09:10Sa Remejo Corner, Rizal Avenue.
09:13Hanggang tuhod din ang baha.
09:22Vicky, hanggang sa mga oras sa ito nga, marami tayong mga nakikitang stranded dito sa baguito ng Spanya.
09:29Ito sa aking likuran, may overpass dito eh.
09:31Marami pa rin yung mga mag-aaral na nandyan na pinipiling siguro papabain muna yung baha.
09:37Dahil wala namang masasakyan, ang tanging transportasyon sa ganitong sitwasyon ay yung maglakad ka.
09:43Yun nga lang, hindi madaling paglalakad sa ganitong baha.
09:46Dahil lalo pag may dadaang sasakyan, parang inaalon itong baha rito.
09:52At talaga namang napakalaking perwisyo po.
09:54Hanggang sa mga oras sa ito, marami tayong nakikita mga naglalakad, mga mag-aaral, mga empleyado, at mga naipit sa
10:01napakahirap na sitwasyon.
10:02At ito nga Vicky, naalonesan tayo.
10:05Balik sa'yo.
10:06Hey, maraming salamat at ingat ka dyan, Ivan Mayrina.
10:17Tinamaan na naman ng malakas na ulan ang ilang lugar sa bansa dahil pa rin yan sa habagat.
10:22Bukod pa dyan, ang namuong sama ng panahon sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
10:28Ang detalya, ihahatid po ni Amor La Rosa ng GMA News Weather Center.
10:32Amor.
10:35Salamat Vicky.
10:36Ayun na nga, babad na babad na nga sa epekto ng habagat ang malaking bahagi ng ating bansa.
10:41Magkatagal pa yan, lalo't may bagong low pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility na posibleng maging bagyo
10:48at magpalakas na naman dito sa habagat.
10:50Huling namataan ang low pressure area sa lying 1,160 kilometers sila nga ng northern Luzon.
10:56Ayun po sa pag-asa, may chance na itong maging bagyo sa mga susunod na araw at kung sakaling matuloy,
11:02ay tatawagin po ito na bagyong neneng.
11:05Pusible itong maging bahagi ng tinatawag na monsoon trough, isang mas malaking system kung saan mababa po yung pressure at
11:11bahagi rin yan itong southwest monsoon o yung habagat.
11:15Sa latest outlook naman ng pag-asa, mababa po ang chance na itong mag-landfall dito sa Pilipinas.
11:20Pataywan po kasi yan, pero kahit walang landfall dito sa atin, e posibleng pong mahagip ng direkt ang epekto nito
11:26itong bahagi po ng batanes.
11:28Pero hindi lang batanes ang dapat maging handa dahil habang umaangat o tinutumbuk po niyan itong Taiwan,
11:35hahatakin nito lalo yung hanging habagat na magpapaulan pa rin dito sa atin.
11:39Pero isang senaryo pa lang po yan, meron din isa pang senaryo kung saan may isa pang bagong sama ng
11:44panahon na mabubuo naman dito sa may West Philippine Sea.
11:48Alinman po sa mga ito, yung matuloy bilang bagyo, e palalakasin pa rin ito yung habagat na patuloy pong magpapaulan
11:55ngayong linggo,
11:56lalong-lalo na dito sa Luzon at pati na rin sa bahagi po ng Western Visayas.
12:00At nakikita po natin dito sa ating windmap yung possible na paghatak noong mga sama ng panahon.
12:06Base po sa datos ng Metro Weather, umaga bukas may chance po ng ulan dito yan sa may Ilocos Region
12:11kasama ang La Union at pati na rin ang Pangasinan.
12:14Ganon din po dito sa may Zambales, Bataan, iba pang bahagi ng Central Luzon, NCR, Calabar Zone, Mindoro Provinces, northern
12:22portion sa Palawan at pati na rin dito sa Bicol Region.
12:26Pag sapit po ng hapon at gabi, halos buong Luzon na po ang makakaranas sa mga pagulan.
12:30Kitang-kita po natin, natatakpan ng mga kulay.
12:33Ibig sabihin po niyan, yan po yung posibleng maranas sa mga pagulan.
12:36Malawakan o pwede po yan ay pabugso-bugso o halos tuloy-tuloy.
12:40Mas malalakas nga po at mas widespread na yung mga pagulan.
12:44Kaya maging alerto sa mataas na banta pa rin ng mga pagbaha o landslide.
12:48Dito naman sa Metro Manila, halos buong araw po ulit ang syansa ng ulan bukas.
12:53Pwede may mga break pa rin, hihinto po saglit, pero bubuhos na naman kasabay po ng malakas na hangin after
12:59ng ilang oras.
13:01Sa Visayas at Mindanao, concentrated po yung mga pagulan dito yan sa Western Visayas kasama ang Negros Island Region.
13:07At meron din tayong nakikita ng mga kalat-kalat na ulan sa Samar and Leyte Provinces.
13:12Ganyan din po ang inaasahan sa hapon, pero meron na rin mga pagulan sa May Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at
13:18ganoon din sa Caraga Region.
13:20May mga malalakas na ulan dito po yan sa Antique, yan po'y efekto rin ng habagat.
13:25Mga kapuso, mataas ang chance ang halos buong linggo na naman ang mga pagulan na dala po ng habagat.
13:31Kaya ingat po at palagi mag-monitor ng advisories o warnings ng pag-asa.
13:36Ngayon, kung babalikan po natin yung outlook ng pag-asa,
13:38meron pa dito sa labas, meron pang isang namumuong bagyo sa Pacific Oceana.
13:43Pusibleng lumapit din po yan o pumasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility next week.
13:49Pero dahil masyado pa namang malayo, pwede pa pong magkaroon ng pagbabago.
13:53Kaya tutok lang sa updates.
13:56Yan muna ang latest sa ating panahon mula sa GMA Weather Center.
13:59Ako po si Amor Narosa, Servisyong Totoo ng GMA News.
14:09Good evening mga kapuso! Ready to sing his heart out si Will Ashley para sa album launch niya this September.
14:15Pero ang debut single naman niya, paborito ng top na agad sa isang music chart.
14:20Pero sino kaya ang inspirasyon nang istulat niya yan?
14:24Ichi-chique ni Aubrey Carambe.
14:29Mismong si Delivery Boy star Will Ashley ang bumisita sa ticket booth ng isang mall sa Quezon City
14:35para magbenta ng tickets para sa gaganapin niyang album launch this September.
14:40Ang fans natuwa nang masilayan si Will.
14:43Meron pang ilang nakapagpa-selfie at nakapagpa-autograph.
14:47Masaya rin na dito ang mga kakantahin ko na original na hindi na siya yung mga parang cover-cover lang.
14:56And syempre, like the usual, sasayaw pero this time talagang pinag-ahandaan kasi nga first album launch.
15:03Masaya rin si Will na nag-number one ang kanyang debut single na paborito sa iTunes Philippines.
15:10Sa recording ng kanta, sinabi ni Will kung gaano ka-espesyal sa kanya ang paborito
15:16na isinulat daw niya last year after makalabas ng bahay ni Kuya.
15:20Sinulat ko ito para sa mga mahal ko sa buhay, ganyan.
15:25Sa mga tao na merong kanya-kanyang paborito na tao na person sa buhay nila.
15:33O paborito ang bagay.
15:34Masa ganun?
15:34And diyak din daw na marami ang makaka-relate sa lyrics.
15:40Very jensy siya.
15:41Kumbaga, kung pang usual na mga ano, usual na mga sinasabi ng mga kaedaran ko.
15:50Sa mga minamahal.
15:52Sa mga minamahal nila.
15:53Pero Will, sino nga ba ang naging inspirasyon mo sa pagsulat ng kantang paborito?
16:00Masasabi mo na si Mika din yung isa sa inspirasyon mo ngayon.
16:03Oo naman, siyempre. Malaking factor din talaga si Mika.
16:07Kasi tagal din namin nagsama sa loob doong bahay.
16:11Tapos paglabas doon sa hotel 8-8, nakalock-in din kami.
16:16So, ang dami na namin din na pagdahanin in, ano ba, isang taon ang nakalipas.
16:22Aubrey Carampel, updated si Showbiz happening.
16:26Dahil pa rin sa baha, walang galawan ng mga sasakyan sa ilang pangunahing kalsada sa Quezon City.
16:33Pati sa bahang edsa hanggang Mandaluyong.
16:37Pero kung ang mga motorista e problemado, may ibang, hmm, pa-jetski-jetski na lang.
16:45Nakatutok lang si Dano Tenggungko. Dano!
16:52Mail tulad sa maraming lugar ay maraming bahagi din dito sa Quezon City
16:57ang nag-golpe de gulat sa baha dahil sa malakas at walang tigil na ulan kaninang umaga hanggang hapon.
17:04Kasama na rito ang pwesto natin dito sa bahagi ng Araneta Avenue malapit sa Del Monte.
17:15Ang walang galawan trafico mula Mandaluyong umabot hanggang lagpas gate 4 ng Camp Aguinaldo sa Quezon City.
17:22Ang sala rin, ang bahang itong nilikha ng ulan mula pa magdamag.
17:26So, nandito tayo ngayon sa edsa Camp Aguinaldo kung saan standstill yung trafic mula sa bandang show o lagpas ng
17:35show
17:35dahil dito sa harap ng Camp Aguinaldo ay malalim yung tindik.
17:42So, yung ginagawa ng mga enforcers, yung isa-isa nila kung sino yung pwedeng dumaan o kung sino yung hindi.
17:49Depende. Depende yan sa kung kaya ba na sa sakyan at tumawin kasi mayroong iba na tumirik.
17:56So, yung iba mga motor din kinakalinhinan para lang sigurado na walang tumirik na sa sakyan at na pita ng
18:03traffic.
18:04Sa malala na ng traffic kasi po siya nga ito sa place.
18:07Ang mga enforcer, nagtatawag na ng sasakyang kaya at gustong tumawin sa baha.
18:12Tinatrafic sila sa kung saan pinakamababaw.
18:15Walang gustong sumubok nung una sa takot na tumirik.
18:18Pero nang may naglakas loob at nakalusot, sumunod ang iba pa kaya kahit papano nabawasan ang mga tenggang sasakyan.
18:25Wala rin galawa ng mga sasakyan sa bahagi ng Quezon Avenue na malapit sa South Triangle
18:30dahil sa baha sa kalapit na Sergeant Esguera Avenue at Panay Avenue.
18:34Sa Mother Ignatia Avenue naman, minuto lang ang binilang bago umakyat at halos maglagpastao ang baha.
18:40Sa Summer Avenue sa Barangay South Triangle, bumagsak ang bahagi ng kisame at roof deck ng isang kondominium.
18:47Wala namang sugatan.
18:48Binaharin kaya hindi madaanan ang bahaging ito ng Enesa Morando Street at Gia Raneta Avenue.
18:54Ang pickup na ito, bubong na lang ang kita.
18:57Ang ilan, pilit lumusong sa baha.
18:59Ang iba tulad ng rider na ito, walang choice kundi maghintay kesa sumugal ng tirek.
19:05Ang iba naman tulad nito, pa-jetski-jetski na lang muna.
19:13At Mel, kanina sa Panay Avenue sa Barangay South Triangle,
19:17dalawang sasakyan ang nabagsakan ng puno.
19:19Kabilang po dyan ang crew cab ng GMA News.
19:22Wala naman pong nasugatan sa insidente, Mel.
19:25Maraming salamat sa iyo, Dano Tingkongko.
19:29Bumagsak na puno at gumuhong lupa ang efekto ng habagat sa ilang lugar sa Benguet.
19:33At dahil sa patuloy na pagulan,
19:36nangangambana ang mga residente na makaranas buli ng flash flood.
19:40Nakatutok doon live.
19:41Sandy Salvasi ng GMA Regional TV.
19:44Sandy.
19:48Emel, halos araw-araw nang nakararanas ng pagguho ng lupa dito sa probinsya ng Binguet dahil sa habagat.
19:54At ayon sa Mines and Geosciences Bureau,
19:57asahan daw na mas tataas pa ang tsansa ng pagguho ng lupa sa ilang mga lugar.
20:01Partikular itong kabilang sa high at very high landslide susceptible areas.
20:10Sa gitna ng malakas na ulan,
20:12bahang may kasamang putik at napuno ng putik at baha ang umaago
20:15sa Governor Bado Dangwa National Road sa barangay Balang Delis sa Kapangan, Binguet.
20:20Sa ukab itogon, isang puno ang bumagsak sa gitna ng kalsada matapos gumuho ang lupa
20:25dahil sa tuloy-tuloy na pagulan.
20:27Agad nagsagawa ng clearing operations ang lokal na pamahalaan.
20:30Sa parehong barangay, isinara sa mga motorista ang kalsada matapos gumuho ang lupa sa lugar.
20:36Sa barangay Poblasyon Ato, gumuho ang lupa sa isang bundok.
20:40Patuloy ang clearing operations ng mga otoridad sa mga kalsadang natabunan ng lupa sa Bontoc Mountain Province.
20:46Inaasahan ang mga residente ang mabilis na pagsasayos ng gumuhong slope protection
20:50sa Governor Bado Dangwa National Highway sa Tublay, Benguet.
20:54Ayon sa Mines and Geosciences Bureau Cordillera,
20:57ang accumulated rainfall sa Baguio City at Benguet mula August 1 hanggang 9
21:00katumbas ng ulang pang isa't kalahating buwan.
21:17Ang mga nakatira naman sa Sitio Bayabas, Barangay Pico sa La Trinidad,
21:21nangangambang muling makaranas ng flash flood.
21:24Ayon sa mga residente, dahil sa walang tigil na ulan,
21:27halos araw-araw nilang nararanasan ang malalakas na pagbagsak ng tubig mula sa bundok.
21:31Naglagay na ang mga residente na mga tarp sa harap ng kanilang mga bahay
21:35bilang pananggas sa bumababang tubig.
21:37Umaasa ang mga residente na magiging maayos na ang daloy ng tubig
21:41kapag naayos ang ginagawang drainage canal.
21:49Emil, hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang paalala ng Provincial LGU
21:54sa mga motoristang dumadaan dito sa mga possible alternate route
21:58ng Baguio City at Benguet, katulad na lamang dito sa Suyok-Posos Road,
22:02sa Baguio-Bontoc Road, Nueva Vizcaya Road at Kenon Road.
22:05Ang ilan kasi sa mga daan na ito ay nakapagtatala pa rin
22:08ng landslide at rockfall dahil sa umiiral na masamang panahon.
22:12Emil.
22:13Maraming salamat, Sandy Salbasho, ng GMA Regional TV.
22:23Si Vice President Sara Duterte ang nagutos na ibigay ang 125 million pesos
22:30na confidential fund ng kanyang opisina
22:32sa dating pinuno ng Vice President Security and Protection Group.
22:37Ayon po yan mismo sa dating Special Disbursing Officer ng OVP
22:42na siyang unang hostile witness ng prosekusyo.
22:45Nakatutok live, si Sandra Aguinaldo.
22:49Sandra.
22:52Ang iniharap ngayon ng prosekusyon,
22:54si Gina Acosta mula sa tanggapan ni Vice President Sara Duterte.
22:59Antemano, sinabi agad na ipinresenta siya bilang hostile witness
23:04dahil boss pa rin niya si Duterte
23:07at meron daw itong counter affidavit
23:09na pinagtatanggol ang bisi kaugnay sa confidential fund.
23:13Tumutol dito ang depensa pero diniklara pa rin
23:16ng presiding officer na hostile witness si Acosta.
23:20Sino po ang boss niya sa office of the Vice President?
23:22Si Vice President Sara Duterte.
23:26So pag na-impeach si VP Sara o matanggal siya,
23:29wala na rin po kayong trabaho doon?
23:32Wala na po akong trabaho sa OVP.
23:35Ang epekto ng pagiging hostile witness,
23:37pwede siyang tanungin ng leading questions
23:40o yung mga tanong na naglalaman ng impormasyon
23:43na gusto ng prosekusyon na kumpirmahin ni Acosta.
23:47Ang pagsagot ni Acosta sa mga tanong,
23:50may halong bisaya kaya nagtatagal
23:53dahil kailangan pa itong isalin sa Ingles o Pilipino.
23:56Could you have me nag-himong o accomplishment report, Your Honor?
24:01Dalawang behes mo kayo gumawa ng accomplishment report, Ma'am Gina?
24:04Ang kaningihatag sa acquire, Your Honor,
24:07mauni ang unang nag-himong, Your Honor.
24:10Yung unang accomplishment report.
24:12Pero tumayo si Senator Judge Erwin Tulfo para tanungin,
24:16bakit noong humarap ito sa pagdinig sa kamera noong November 2024,
24:22nakakasagot naman daw ito ng Tagalog o Ingles?
24:25Hawak niya ang transcript ng testimonya noon ni Acosta.
24:48Matapos nito, nabawasan ang pagsasalita sa Bisaya ni Acosta.
24:53Tinanong siya ng prosecution tungkol sa pagwi-withdraw niya
24:57ng P125 million pesos in cash sa Land Bank noong December 2022.
25:03Ito yung confidential fund ng BICE
25:05na sinasabing na disbursed o nagamit sa loob lamang ng labing isang araw.
25:11Para maisalarawan ang dami ng pera,
25:13nagpakita ng letrato ang prosecution lawyer,
25:17pero umalma ang depensa.
25:19May we just ask as to the source of the photo and how it was generated and produced?
25:27Because we don't have P125 million pesos in cold cash,
25:33so we have to resort to technology.
25:37Is that, Your Honor, artificial intelligence?
25:40This is AI?
25:41Yes.
25:42Generated?
25:42Yes.
25:43Ang pera ay nilagay daw niya sa apat tabag
25:46tsaka bumalik sa kanilang opisina.
25:49Doon ibinigay niya ang P125 million pesos in cash
25:53kay Colonel Raymond LaChica,
25:55former head ng Vice President Security and Protection Group.
26:00Dati nang ipinunto ng prosecution
26:01na sa ilalim ng joint circular ng Commission on Audit,
26:05ang special disbursing officer
26:07ang dapat nangakasiwa sa pagre-release ng confidential fund.
26:12Kaya tanong ngayon ang prosecution,
26:14bakit ibinigay niya ang cash sa security ng vice
26:18gayong trabaho niya ito bilang special disbursing officer?
26:21Kasi po, may instruction po sa taas, Your Honor,
26:24ng aking head of agency.
26:26Sino ba ang head of agency
26:29na nag-utos sa'yo?
26:31Ang nag-utos po sa akin na i-release ang pera na P125M
26:37sa security officer na si Colonel LaChica
26:41ay si Ma'am Sara Duterte.
26:44Pinunturi ng prosecution na kay LaChica rin napunta
26:47ang confidential fund para sa taong 2023.
26:51Gayong hindi naman daw niya trabaho ito
26:53at hindi siya ang special disbursing officer.
26:56Siya po ang may alam,
26:58siya po ang expert to Your Honor
27:00sa pagpatupad po ng confidential operation
27:04and activities, Your Honor.
27:05Kasi siya po ang may access
27:08when it comes to national security, Your Honor.
27:12Pinaalala din ang prosecution
27:13ang sinabi ni Acosta sa camera.
27:15Without the approval of the vice president,
27:19will you give that to Colonel LaChica?
27:21Hindi po.
27:22Lumabas din sa pagtatanong
27:24na ang inihandang plano para sa pagkakagastusan
27:27ng confidential fund ay walang detalye
27:29kundi blanket program lamang.
27:32Sabi ni Acosta,
27:33lumalabas na ang detalye ng paggamit ng pera
27:36kapag ibinigay na ni LaChica
27:38kung saan ginamit ito.
27:39Yung paglilista, pagdidetalye ng expenditures,
27:46opo, di ba trabaho niyo rin po yan
27:49as SDO slash Project Accountable Officer.
27:52Ang pagsulat po ako,
27:54pero ang mga expenses po,
27:59kung unsa ang gamiton,
28:02kay Sir,
28:03sa kay Security Officer po,
28:06kasi siya po ang mag-implement
28:08ng various confidential operation activities
28:11kasi siya po ang eksperto
28:13dito sa ground year honor.
28:15Kinumpirma rin ni Acosta
28:17na sa mga dokumentong isinumite
28:19sa Commission on Audit
28:20para iliquidate ang
28:22milyong-milyong pisong confidential fund,
28:24wala ang pangalan ni LaChica
28:25sa kabila ng papel niya
28:27sa paggamit ng confidential fund.
28:30Sa lahat ng mga dokumento
28:33isinumite niyo
28:35sa COA.
28:36Nakasaad ba dyan
28:39yung pangalan
28:41ni Colonel LaChica?
28:43Wala.
28:50Vicky, meron namang witness kanina
28:52na umuwi na nakangiti
28:54at yan po si Marivic Pareja.
28:56Siya po yung pinatawag ng witness
28:58pero hindi na po siya tinanong
28:59ng prosecution.
29:00Dahil nagkasundo po yung magkabilang panig
29:03o sila po ay nag-stipulate
29:04dun sa mga dokumento
29:05na dapat sana ilalamanin
29:07ng testimonya po ni Pareja.
29:09Vicky?
29:10Maraming salamat sa iyo,
29:12Sandra Aguinaldo.
Comments