00:00Inimbestigahan na ng National Privacy Commission ang data breach sa St. Luke's Medical Center na naka-apekto sa mga personal
00:08na impormasyon ng mga pasyente.
00:10Humingi na ang pamunuan ng ospital ng paumanhin at tiniyak ang kanilang kooperasyon.
00:16Nakatutok si Darling Kai.
00:21Higit dalawang dekada nang ipinagkakatiwala ni Edward ang kalusugan ng kanyang pamilya sa St. Luke's Medical Center.
00:28Pati siyempre ang mga personal nilang impormasyon.
00:31Kaya laking gulat niya ng makatanggap ng email mula sa St. Luke's na nag-abisong posibleng na kompromiso ang ilan
00:38niyang personal na impormasyon.
00:40Natatakot kasi siyempre data information mo yun. Pinagkatiwalaan mo yung malaking ospital.
00:45Partikular na binanggit sa email ang pagkasangkot sa security incident ng platform na sumusuporta sa mobile app ng St. Luke's.
00:51Kabilang sa posibleng nadamay ang kanyang pangalan, hospital patient number, birth date, address, contact number, dependents at iba pa.
01:00Possible kami maging target ng mga scamming online. So nakakatakot.
01:04October 29 yung exposure tapos November 2 lang kami na-inform. So medyo may delay. So sana may improve.
01:10May batayan ng pangamba ayon sa isang data analyst at technologist.
01:14If they're able to get your username, your password combination, yung mga password hash, pwede yan magamit in other apps.
01:21Another thing then is if you're a personal information that can be used in other contexts, financial, transaction.
01:30Hinihintay pa ng GMA News ang tugon ng pamunuan ng St. Luke's Medical Center sa aming interview request.
01:35Pero sa statement kahapon ay humingi ng paumanhin ng St. Luke's sa tinawag nilang cyber security incident.
01:41Nang mabatid ito ay agad daw nilang in-isolate at sinecure ang apektadong bahagi ng platform at pag-offline muna
01:47ng app.
01:48Agad din daw silang nakipag-ugnayan sa mga posibleng naapektuhan maging sa cyber security experts para sa isang komprehensibong investigasyon
01:55para mapatatag ang kanilang siguridad.
01:59Agad din daw nila itong in-report sa National Privacy Commission o NPC.
02:03Kinumpirma ng NPC na natanggap nila ang personal data breach notification mula sa St. Luke's nitong October 30.
02:08Sa labing walong hospital data breach na natanggap nila ngayong taon, itong huli sa St. Luke's ang pinakamalaki raw dahil
02:15sa isang daang libong tao ang apektado.
02:17Bukod doon sa number of affected individuals, yung type ng data na nakuha pwede siyang magamit sa kung ano-ano
02:27na maglilead sa isang harm sa isang tao.
02:32Nag-iimbisigan na ang NPC para malaman kung may pananagutan ba ang ospital.
02:36Kasi hindi naman lahat ng breach could result to violation.
02:41There's nothing as 100% secured.
02:43But if may lapses doon sa end ng St. Luke's, rather yun yung titignan natin.
02:49Para maprotektahan ang sarili, ayon sa eksperto,
02:52ibang email ang gamitin sa pag-sign up sa mga financial app at transactions sa email na ginagamit naman sa
02:57mga ganitong mobile app.
02:59Ibahin din ang username at password sa iba't-ibang platforms o apps.
03:03At laging tandaang may karapatang tumangging magbigay ng personal na impormasyon.
03:08Mayroon tayong tinatawag sa privacy app na data controller.
03:11Yung data controller has the responsibility and the liability kung ma-compromise yung data.
03:17Samantala, hindi naman daw apektado ang servisyong medikal ng St. Luke's maging ang medical records ng kanilang mga pasyente.
03:23Darlene Kai, nakatutok 24 oras.
03:26Aします.
03:26A organisations.
03:27A
03:28A
03:29B
03:29B
03:29B
03:31A
03:31A