00:00Mga kapuso, nabawasan paumano ang mga complainants sa kaso ng mga nawawalang sabongero.
00:05Sa eksklusibong parayam ng GMA News sa isa sa kanila,
00:08hindi na raw dumadalo sa hearing ang mga dati niyang kasama.
00:12Yan ang aking eksklusibong pinupuan.
00:18Nag-isa na lamang na dumadalo si Charlene Lasko
00:22sa mga pagdinig sa kaso ng mga missing sabongero noong isang araw sa QCRTC.
00:28Kapatid siya ng nawawalang master agent na si John Lasko
00:32na dinukot sa San Pablo, Laguna noong August 2021.
00:36Sa panayam ko noong nakaraan taon kay Julie Dondon Patidongan,
00:40sinabi niya na siya ang nagbayad ng 2 milyong piso sa isang grupo para dukutin si Lasko.
00:45Ayon kay Charlene, hindi na niya makontak ang mga kasama niyang lumalaban noon.
00:50Gusto ko lang kung magsabi doon sa mga kasamahan namin na
00:56kakalungkot na umalis kayo noon dito sa...
01:00Nahiyak ako, sorry ah.
01:03Kasi akala ko tuloy-tuloy, ano?
01:06Akala ko tuloy-tuloy yung paglaban namin, pagkuhan namin ng hostesya.
01:10Pero wala eh, talagang...
01:13Siyempre, talagang kailangan naman nila ng pera.
01:16Naintindihan ko naman yun.
01:18Kaya lang talagang...
01:20Siyempre, nangako kami before na, sige ate, tuloy-tuloy tayo.
01:24Sana raw ay hindi totoo ang mga narinig niyang usap-usapan
01:28na nabayaran na umano ang iba pa niyang kasama.
01:31We heard na nabayaran na, which is...
01:35Nagsabi naman sa amin na dire-dire na sila ay hindi na makakasama dito sa missing sa bongero.
01:44Ginapang na nila, lagi naman ako nililigawan, lagi akong inooferan eh.
01:48Hindi naman pera hinahanap ko, justice eh.
01:51Tingin ni Charlene, hakbang ito, para wala nang dumalo sa hiring at maibasura ang kaso.
01:56Palabas ito eh, di ba?
01:57Kasi yung aming mga kasamahan, ito ang sinasabi, na kapag naareglo na sila,
02:03susuko si Mr. Atong ang magpapakulong ng sandali,
02:06pagkatapos lalabas, magbe-bail, tapos na ang kaso.
02:10Ilang mapapagkatiwala ang sources mula sa law enforcement
02:14ang nagsabi sa GMA News na may mga balitang nakikipag-ugnayan ang kampo ni Ang sa kanila
02:19para sa pagsuko o manon nito.
02:22Pero ayon sa PNP,
02:23wala silang nakukuhang formal na komunikasyon o paramdam na susuko ang negosyante.
02:29Ayan naman sa isa sa mga abogado ni Ang na si Attorney Gabriel Villarreal,
02:34wala silang alam ukol dito.
02:36Kung si Charlene naman ang tatanungin,
02:38itutuloy niya ang laban sa kasong ito.
02:41Maaring ihina yung kaso, pero kasi remember,
02:44ano lang kami, private complainant.
02:46Ang kalaban nila, gobyerno.
02:48Hanggang nandiyan si Mr. Dondon Patidongan, yung witness natin,
02:51mag-i-stand pa rin yan.
02:52Tatako ka rin.
02:54Sana yung gobyerno makuha ang punot dulo bakit nawawala yung mga complainant.
02:59Patuloy namin kinukunan ng panig ang ibang kaanak ng mga missing sabongero.
03:04Emil Sumangil, Nakatutok 24 Horas.
Comments