Skip to playerSkip to main content
Pinuna ng Office of the Ombudsman ang pulit-ulit na extension ng medical leave ni Sen. Loren Legarda kaya tila may pagdududa silang may seryoso itong sakit.


Dagdag pa sa duda nila ang sabay na paglabas ng bansa ni Legarda at ng anak na si Cong. Leandro Leviste na kapuwa pinaiimbestigahan para sa kasong plunder


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pino na ng Office of the Ombudsman ang paulit-ulit na extension ng medical leave ni Sen. Lauren Legarda
00:06kaya tila may pagdududa silang may seryoso itong sakit.
00:10Dagdag pa sa duda nila ang sabay na paglabas ng bansa ni Legarda
00:14at ng anak na si Congressman Leandro Leviste na kapwa pinaimbestigahan para sa plunder.
00:20At nakatutok si Mark Salazar.
00:26Tila duda ang ombudsman na may seryosong sakit si Sen. Lauren Legarda kaya ito lumabas ng bansa.
00:32Kahit na mismong si Sen. President Sherwin Gatchalian ang nagpatutuo sa sakit ng Senadora.
00:38Kung talagang meron siyang serious illness, sana isa lang po yung hiningi niya na medical leave, hindi yung pa-extend
00:46-extend.
00:47And that is the only reason why the Office of the Ombudsman had to flag that type of pattern.
00:53And the fact that both mother and son are out of the country adds to the speculation or adds to
01:02the suspicion.
01:04Matatanda ang unang nag-file ng medical leave si Legarda noong August 3 to 5
01:09at kanya itong pina-extend kada linggo ng tatlong beses hanggang sa September 2.
01:15Lumabas siya ng bansa matapos i-anunsyo ng ombudsman na iniimbestigahan nito si Legarda at anak na si Congressman Leandro
01:23Leviste para sa plunder.
01:25Kaugna ito ng mga nakuhang prangkisa ni Leviste sa solar power generation mula sa kongreso habang nakaupong Senador ang ina.
01:35Hindi rin daw na-deliver ang mga proyekto kaya tinawag itong ghost electricity.
01:40Yung price po ng electricity tumaas dahil sa unfulfilled promises ng franchise na yun.
01:48And a lot of the allocations for solar power was given to this company and yet hindi nila nagawa.
01:58Sana huwag na muna kayong lumabas ng bansa.
02:01Sana po ay manatili muna kayo dito sa bansa para po medyo maliwanagan po tayo doon sa nangyari at maliwanagan
02:14din ang taong bayan sa katotohanan.
02:17Hinihinga namin ang reaksyon si Legarda at Leviste.
02:20Sa parehong preskon, pinalagan din ang Office of the Ombudsman ng Anilay, naratibo ng kampo ni dating Speaker Martin Romualdez.
02:29Naporkit nag-recant na ang ilang testigo laban sa kanya na sina dating Marine Sergeant Orly Guteza at ilang dating
02:36bodyguard ni Zaldico,
02:37So, gumuho na rin ang kaso laban sa kanya.
02:41Katunayan, ang recantation daw ay dagdag pang ebidensya laban kay Romualdez.
02:46Ang legal effect ho niyan ay itatabi po yung dating affidavit doon sa bagong affidavit.
02:54Ibig po sabihin, dagdag ebidensya po yan.
02:57Hindi siya nakabawa sa ebidensya ng investigators natin, kundi dagdag ho siya.
03:05Tapos, marami po tayong kailangan tanungin tungkol doon sa recantation.
03:10Unang-una po dyan ay bakit biglang nagtago ang mga affiant nung nag-recant sila.
03:20Higit pa doon, may information pa tayo na nababayaran po yung mga tao na ito para mag-recant.
03:28Misleading ho kasi yung mga sinasabi po ng kampo ni former Speaker Martin Romualdez.
03:34At yan ang gusto kasi nilang maintindihan ng tao na basta may recantation, bura na.
03:41Lahat ng ebidensya o lahat ng sinabi ng tao na yun dati ay nabura na.
03:46Hindi po ganun yun.
03:48May sagot din ang ombudsman sa pahayad ni Davao Representative Paulo Duterte
03:53na lahat ng kanyang flood control project sa distrito ay kumpleto.
03:57Hindi raw porkit kumpleto, ay malinis na.
04:00Matatanda ang sinabi ng ombudsman na tinitingnan nito ang Davao City
04:05na tinawag na epicenter ng flood control projects.
04:08There is such a thing as over-spec, meaning yung specs po ng project ay masyado mataas
04:18at yung na-deliver lang ay ganito lang.
04:20So it could be complete on its face, but it's possible that those parts of the project
04:30na hindi kita, are not seen right away, are actually of quality.
04:37So may mga ganun, substandard pa din po.
04:40Tinanong din ang ombudsman kung bakit hindi pa rin kinakasuhan si dating Executive Secretary Lucas Bersamin.
04:46Gayong pinangalanan siya ng star witness na si dating DPWH Undersecretary Bernardo.
04:52We do find him credible and the statements that he has issued before are being used as leads to point
05:00us in the right direction.
05:02We don't work that in the sense na meron kaming target tapos hahabulin namin ng ebidensya.
05:08Ang mauuna ho kasi talaga ang ebidensya.
05:10In-anunsyo rin ang ombudsman ang ikinakasang kaso ng malversation through falsification of public documents
05:17laban sa mag-amang dating congressman sa Surigao del Norte na si Francisco Lalo Matugas at Francisco Bingo Matugas II.
05:27Lumalabas kasi sa investigasyon na ang mag-amang congressman ang may-ari ng construction company
05:33na nakakuha ng 80 million peso road project sa Surigao.
05:37In-report din na complete kahit hindi.
05:41Investigators also documented P457 million pesos in loans between the former legislators and Bumetrix
05:50supporting the conclusion that both held direct pecuniary interest in the contract.
05:57Hinihinga namin ang reaksyon ng mag-ama.
06:00Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
06:05Sagot naman ni dating Surigao del Norte, congressman Francisco Bingo Matugas II,
06:11wala pa siyang natatanggap na reklamo mula sa Office of the Ombudsman
06:15kaugnay sa ikinakasang kasong malversation through falsification of public documents
06:20laban sa kanya at amang si Lalo Matugas.
06:24Pero depensa niya, ang pagrekomenda ng isang kaso ay hindi nangangahulugang guilt.
06:29Sabi niya, nararapat pa itong dumaan sa proseso kung saan binibigyan ng oportunidad sumagot ang respondent.
06:37Git niya, sasagutin niya ang aligasyon sa tamang pamamaraan at tamang forum
06:42at magsusumite ng kompletong mga dokumento.

Recommended