Skip to playerSkip to main content
Arestado ang pulis-Pasig na nanutok ng baril sa van, na may sakay pa namang bata at akma pang magpapaputok sa isang gasolinahan.


Posibleng matanggal sa serbisyo ang nanggulong pulis na lasing at ikinatwiran pa ang pinagdaraanang problema sa pamilya. #24Oras


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:04Arestado ang polispase na nanutok ng baril sa van
00:09na may sakay pa namang bata at akma pang magpapaputok sa isang gasolinahan.
00:15Posibleng matanggal sa serbisyo ang nanggulong polis na lashing umano
00:19at ikinatwiram pa ang pinagdaraan ng problema sa pamilya.
00:23Nakatutok si EJ Gomez.
00:25Exclusive!
00:29Nakatutok ng baril, no?
00:30Nabalot ng takot ang mga pasahero sa loob ng van.
00:34Habang kinukuna ng video, ang lalaking nagpaikot-ikot sa labas ng sasakyang nagpapagasolina
00:41sa Sandoval Road, Barangay Pinagbuhatan, Pasig, pasado alas 6 kagabi.
00:45May bitmit kasing baril ang lalaki na ilang beses na lumapit sa van.
00:51Ilang beses din niyang itinaas ang baril na tila may akmang papuputokin ito.
00:57Abahalala niyo tong saraulong to.
01:01Gaano ng baril?
01:03Ang *** mo?
01:05May puntong paggewang-gewang pa ang lakad ng dalaki na lumapit din umano sa iba pang sasakyan ayon sa pamilyang
01:13biktima.
01:13Ayon sa pasahero ng van, galing daw sila sa Makati at pauwi na sa barangay pinagbuhatan ng kinailangan nilang magpakarga
01:21ng gas.
01:22Kwento ng 27 anyos na si Joy, di niya tunay na pangalan.
01:25Inakalaro nila noong una na manghihihingi lang ng bariya ang lalaki.
01:30Yung asawa ko po may napansin na parang lalaki.
01:34Ang sabi niya sa akin, matignan mo yung lalaki, ano yung ginagawa nito.
01:40Tapos nung pagkatingin namin, nakaano na siya.
01:44Tinutukan niya na kami ng gano'n, ng baril.
01:46Siguro mga 2 to 3 times niyang ginawa yun.
01:51As in, ang tagal niya pong umaaligid sa amin.
01:53Naka-tinted po yung sasakyan namin.
01:56So, at sinisipat niya po talaga kami.
01:59Lasing na lasing po.
02:01Gumigiwang-giwang na po siya.
02:02Natataranta po kami dahil may lalaki pong natutukan niya ng baril.
02:07Siyempre po natakot baka po puputok yung hawak-hawak niya po.
02:11Nanginginig na ko noon kasi nga po, hawak ko po yung anak ko.
02:14Hindi ko po alam po sino matatamaan kung yung asawa ko ba
02:17or yung kami ng anak ko.
02:21Tapos yung sister-in-law ko po, nasa likod ko din.
02:25Inireport ng biktima ang insidente sa polisya
02:28na siya raw agad nagkumpirma na ang lalaki
02:31isa palang tauhan ng Pasig City Police
02:34na may rangong police staff sergeant.
02:38Inaresto at pinusasa ng polis.
02:40Nakumpis ka sa kanya ang ginamit at loaded na baril
02:44na issued firearm ng Pasig City Police Station.
02:47Isa po siyang beat patroller.
02:51Naka-assign siya sa substation 5.
02:54Hindi raw nakaduti noon si police staff sergeant
02:57na nakumpirmang lasing nang mangyari ang insidente.
03:01Meron daw silang family problem.
03:04Uminom siya ng halak at nakagawa ng hindi maganda.
03:10Makukulong siya.
03:11Masususpend po siya sa ginawa niya na yun.
03:13Actually, mabigat po yung administrative case
03:15na ipapile natin sa kanya.
03:17Pwede rin siya matanggal sa servisyo.
03:19Nasa kustodiyan na ng Pasig Police
03:21ang naarestong staff sergeant.
03:23Sinubukan ng GMA News na kunan siya ng pahayag
03:26pero tumanggis siya.
03:28EJ Gomez, nakatutok 24 oras.

Recommended