Skip to playerSkip to main content
Magpapalutang ng mga solar panel sa isang dam sa Northern Luzon, hindi lang para sa produksiyon ng kuryente kundi para maibsan ang mabilis na pagsingaw ng tubig nito lalo ngayong may Super El Niño.


May dalawang irrigation system ding pinasinayaan, kabilang ang isang solar powered. #24Oras


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:01Magpapalutang ng mga solar panels sa isang dam sa Northern Luzon.
00:04Hindi lamang para sa produksyon ng kuryente, kundi para maibsaan ang mabilis na pagsingaw ng tubig,
00:10lalo't ngayong may super el ninyo.
00:12May dalawang irrigation system ding pinasinayaan, kabilang ang isang solar powered.
00:17Nakatutok si Jonathan and Dom!
00:22Ang tubig mula sa Magat Dam itatawid sa bundok
00:26gamit itong bagong bukas na ALPIS o Alfonso Lista Pump Irrigation System
00:31na ginastusan ang gobyerno ng halos isa't kalahating bilyong piso.
00:36Itong tubig mula sa Magat Dam, bobombahin para makakit dun sa bundok
00:41papunta sa mga irrigation kanal at sakahan dito sa bayan ng Alfonso Lista sa probinsya ng Ipugaw.
00:48Si Pangulong Bongbong Marcos ang nagpasinayan ito kanina.
00:51Sabi niya, makatutulong ito sa mga magsasaka na naghihintay ng ulan
00:54sa kanilang taniman ngayong may super el ninyo.
00:57Naging mas mahalaga pa ito dahil sinararamdaman na natin ang super el ninyo
01:04upang matiyak naman natin na kahit tagtuyot, nagrabe na pagtuyot,
01:09ay meron pa rin tayong makukuhanan ng tubig para sa irigasyon.
01:15Pakikinabangan ito ng mahigit isang libong magsasaka at mahigit dalawang libong hektaryang sakahan
01:21sa apat na barangay sa bayan ng Alfonso Lista sa Ipugaw.
01:24Pagbibida pa ng Pangulo, dahil sa pumping station na abot sa 26,000 metric tons,
01:30ang dating 900 metric tons lang na anin ang palay ng mga magsasaka
01:34at lolobo pa ng halos sampung beses ang kita ng mga ito.
01:39Imbis na 16 million pesos ay magiging 159 million pesos na ang kikitain ng ating mga manalon,
01:48ng mga ating magsasaka.
01:49Pagaganahin ang pumping station ng limang malalaking pump
01:52na may kapasidad na TIG 1,700 kilowatts o pinagsamang 8.5 megawatts.
01:58Sa Pamplo na Cagayan, pinasinayaan din ng Pangulo ang isa pang irrigation system
02:03pero ang gamit, solar power.
02:06Ginastusan ito ng halos sandaang milyong piso
02:08na pakikinabangan ng mahigit 300 magsasaka
02:11at 600 hektarya ng sakahan sa limang barangay sa Pamplona.
02:15Hindi lamang pang-irigasyon ang tubig kung hindi linagyan na rin natin ng isda.
02:22Naglagay tayo ng fishnet dito.
02:24Pag bumaba na masyadong tubig, pwede nang kunin yung mga isda
02:28at dagdag para sa inyong hanap buhay.
02:33Ang pagpagbenta, pagkakuha, paggamit ng mga isda na palalakiin natin dito sa ating mga fishnet.
02:40Sa Ramon, Isabela, sinilip naman ang Pangulo ang magiging lokasyon
02:44ng palulutangin ng mga solar panel sa Magat Dam.
02:48Ito ang panukalang 67 MW Peak Magat Floating Solar Power Project
02:53na kaya raw mag-supply ng malinis na enerhiya
02:56sa humigit-kumulang 42,000 kabahayan
02:59at makatutulong mabawasang sumingaw ang tubig sa Magat Reservoir.
03:03Mula Isabela, Jonathan Andala na Katutok, 24 Horas.

Recommended