00:00Para siguruhin ligtas at protektado ang mahalagang datos ng pamahalaan,
00:04tinagtibay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Executive Order No. 119
00:09para sa isang mas modernong sistema sa pag-iingat at pangamahalaan ng mga ito.
00:14Si Carlo Candelaria sa detalye.
00:19Isang mas modernong sistema sa pag-iingat at pamahalaan ng mga datos ng pamahalaan
00:24ang layunin ng Executive Order No. 119 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:30Alinsunod ito sa direktiba ng Pangulo na tiyaking nananatiling ligtas
00:33at napoprotektahan ang mga mahalagang datos ng pamahalaan
00:36habang pinalalakas ang digital transformation ng bansa.
00:40Layunin ang bagong kautusan na makasabay ang pamahalaan sa pag-usbong
00:43ng mga makabagong teknolohiya gaya ng cloud computing,
00:46artificial intelligence o AI at iba pang digital services.
00:49Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.,
00:52saklaw ng EO. 119 ang lahat ng datos ng pamahalaan sa digital o hybrid man
00:56na hawak ng mga ahensya ng gobyerno.
00:59Sa ilalim ng bagong patakaran,
01:00ang mga sensitibong datos ng pamahalaan,
01:03lalo na ang may kinalaman sa pambansang siguridad,
01:05ay kailangang manatiling nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas
01:08bilang bahagi ng pagpapalakas sa data sovereignty ng bansa.
01:12Samantala, ang mga hindi sensitibong datos
01:14ay maaaring gamitan ng mga secure cloud platform
01:16basta't sumusunod sa mga pamantayan sa cybersecurity at data protection.
01:20Nilinaw rin sa EO na saklaw lamang nito ang mga datos ng pamahalaan
01:24at hindi ang mga personal na impormasyon
01:26o datos ng mga privadong mamamayan at negosyo.
01:29May tatlong taong transition ang mga ahensya ng pamahalaan
01:31para maisakatuparan ang bagong sistema
01:34sa pangangalaga ng mga government data.
01:36Binigyang di naman ni DICT Secretary Henry Aguda
01:38ang kahalagahan ng pagprotekta sa datos ng gobyerno
01:41para mapalakas pa ang digital transformation ng bansa
01:44habang nananatiling bukas ang Pilipinas
01:46sa mga pandaigdigang digital partnership.
01:48Carlo Luis Candelaria para sa Bayan.