00:08.
00:30Mag-aralan ang naging desisyon nito.
00:31Magalang tayong hindi sumasangayon sa ilang bahagi ng ruling ng Korte Suprema.
00:40Sa ating pananaw, pinananatili nito ang mekanismo sa papel.
00:45Ngunit ang pagtatakda ng kondisyong lagpas sa mga kondisyong inilatag ng Kongreso simula 2015
00:53ay hindi lang magpapahirap ng gusto sa paggamit nito.
00:58Ginawa nitong inutil at hindi na magagamit ang mekanismo ito para sa mga programa ng pamahalaan.
01:05Sa desisyon ng SC, idiniklara nito na unconstitutional ang 2024 GAA
01:10dahil sa naidagdag na 449.5 billion pesos na unprogrammed appropriations
01:15habang lumabag naman umanong sa konstitusyon ang 2025 GAA
01:19dahil sa 17.99 billion pesos na dagdag sa Special Road Fund ng DPWH.
01:25Natanong din ang palasyo kung dapat bang may managot.
01:27Pero giip nito na dahil alinsunod sa batas at proseso ang naturang mga pundo,
01:32walang maaaring ituro para managot.
01:34Wala tayo nakikitang ano maaaring maging pananagutan ng Pangulo kung siya naman din ay tumutupad lamang sa batas.
01:41Kung ito naman lahat ay nagamit in good faith,
01:44so walang magiging accountable criminally, administratively.
01:48Dahil nga yan mismo ang binabanggit sa doctrine of operative fact.
01:52Kapag lahat ng beneficiaries, lahat ng ginawa nito ay in good faith at naipamigay sa dapat na maipamigay,
01:58so sinong dapat naman nagot kung ito naman na inaibigay sa mga kababayan natin.
02:03Idiniklara rin ang unconstitutional ng SC ang ilang probisyon ng 2026 GAA
02:07dahil naman sa kawala ng safeguards ng itinakdang unprogrammed appropriations.
02:11Pero hindi pa raw masasabi ng palasyo kung ano ang dapat gawin sa bahagi ng pondong ito ngayong 2026.
02:18As of now, wala pang finality.
02:20So ang estado ng desisyon ay hindi pa makakaapekto kung paano gagastusin ng gobyerno yung pondo.
02:28So hindi ko masasabing gagastusin na o isuspend yung paggastos.
02:33So ito po ay pag-aaralan at meron tayong motion for reconsideration.
02:39So sa puntong yan, wala pa po kaming stance kung dapat gastusin o hindi.
02:45Iginagalang naman ang Presidential Legislative Liaison Office
02:49ang naging desisyon ng Korte na hindi likas na labag sa konstitusyon ang unprogrammed appropriations.
02:55Ang pangunahing concern lamang daw ng Korte Suprema ay ang mga congressional increase
02:59na lumampas sa panukalang budget ng Pangulo at ang kakulangan ng safeguards sa ilang appropriations.
03:05Sinabi naman nito na makikipagtulungan ng PLLO sa Department of Budget and Management at Kongreso
03:10para isulong ang Philippine Budgeting Code
03:13na layong gawing mas malinaw, transparent at accountable ang proseso ng pambansang budget.
03:19Sinabi ng Malacanang na handa ang pamahalaan na ilabas ang ulat kung saan napunta
03:23ang unprogrammed appropriations para sa taong 2024, 2025 at 2026.
03:29Gate nito, hindi naman ito confidential funds para hindi maisa publiko.
03:35Kenneth, pasyente para sa bayan.