00:06Backdoor ang paglabas sa bansa ng negosyanteng si Charlie Atong Ang
00:09ayon kay DILG Secretary John Vic Rimulya.
00:20Ang sinasabing backdoor na Rimulya,
00:22daan ang palabas ng bansa na hindi nalalaman
00:24ng mga taga Bureau of Immigration.
00:26Wala ng ibang detalyang ibinigay si Rimulya.
00:29Wanted si Atong Ang sa mga kasong kidnapping with homicide
00:32at kidnapping with serious illegal detention
00:34dahil sa pagkawala ng ilang sabongero.
00:37Itong Enero, pinuntahan ng maotoridad ang ilang ari-aria ni Atong Ang
00:41pero hindi siya natuntun.
00:43Sinabi dati ni Rimulya na nakita ang negosyante sa Kabite noong Abril
00:47pero hindi raw naabutan ng mga polis.
00:50Dati nang sinabi ni Atong Ang na wala siyang kinalaman
00:52sa pagkawala ng mga sabongero.
01:01Matapos ang matagal na di pagpapakita sa publiko,
01:05biglang lumutang sa Senado si Senador Bato de la Rosa noong Mayo.
01:08Bakit yung binayagan niyang mga taong niyang makapasok dito?
01:12Pero pagkatapos ng ilang araw lang na pamamalagi sa kustodiyan ng Senado
01:16ay namataan si de la Rosa na lumabas sa Senate premises
01:19at hindi na muling nakita.
01:26Bago nito ay nagkabarilan pa sa Senado at napasugod doon
01:30si Department of Interior and Local Government Secretary John Vic Rimulya
01:34pero tiniyak niya noong hindi siya nagpunta roon para ipa-aresto si de la Rosa
01:39na may warrant of arrest mula sa International Criminal Court
01:42kaugnay ng Duterte Drug War.
02:01Ang tinutukoy niya ay ang kasunduan naman ng Manatili
02:04sa protective custody ng Senado si de la Rosa
02:07pero nakatakas din naman.
02:09Ngayon, alam na umano ng mga otoridad kung saan siya nagtatago
02:13batay sa impormasyong nakuha dalawang buwana na kararaan.
02:17He is in Mindanao. He is under protection of a group.
02:21Ang problema, armado at makapangyarihan umano ang grupong pumaprotekta
02:25sa dating PNP chief.
02:27Kaya mas minabuti ng gobyerno na makapag-negosasyon sa kanila
02:30para i-turn over si de la Rosa.
02:33Sabi ni Rimulya, hindi pwedeng basta-basta gumamit ng puwersa ang gobyerno
02:37dahil baka mas madugo pa sa 2017 Marawi siege
02:41ang posibleng maging risulta.
02:43Tiwala si Rimulya na malapit na nilang makuha si de la Rosa.
02:48Well, in exchange for hanggang 10,000 pwedeng mumatay,
02:56I would rather negotiate first than cost the lives of my Filipinos in this.
03:02You don't always solve problems with the hammer.
03:04The cost of body bags is not worth it.
03:06We will do it in the proper way and we will get it in the proper way
03:10without the cost of human lives.
03:13June Venarasyon, nagbabalita para sa GMA News.
03:20Dinakawa ng isang negosyante sa Cebu City ng isa sa kanyang mga kasambahay.
03:25Nagpaalam daw ang babaeng kasambahay na lalabas lang para magpalod
03:28pero hindi na bumalik.
03:30Na-discovery kalauna ng amo na nawawala ang kanyang mahigit 1 million pesos na cash,
03:35high-end na rilong nagkakahalaga ng 1.4 million pesos at iba pang alahas.
03:41Kwento ng negosyante, Agosto, nang magsimulang mamasukan sa kanilang kasambahay
03:46na nakilala niya online.
03:48Matapos ipost ang pagnanakaw sa social media,
03:51napag-alaman na dati nang may kasong theft o pagnanakaw laban sa suspect.
03:55Nai-report na ang krimen sa pulisya.
03:57May 100,000 pesos na pabuya ang biktima sa makapagtuturo sa suspect.
04:05Pasintabi po sa mga kumakain,
04:07isang naaagnas na bangkay ng lalaking caretaker ng lupa
04:10ang natagpuan sa Antipolo Rizal.
04:12Ang suspect sa krimen,
04:14ang kapitbahay umano ng biktima na ilang beses na rin niyang nakaaway.
04:19Balitang atid ni EJ Gomez.
04:23Sa bulubunduking bahagi ng barangay Kupang, Antipolo Rizal,
04:27natagpuan ng mga otoridad ang naaagnas ng bangkay ng isang lalaki.
04:32Ayon sa barangay,
04:34nakita ang katawan ng biktima sa lupang sakop kung saan siya nagsisilbing caretaker.
04:39Pagdating po namin doon sa area,
04:42inood na po yung bangkay.
04:44Tsaka medyo mabagun na po, masangsang na po yung amoy.
04:47Mahigit tatlong araw nang naaagnas ang bangkay.
04:49Base sa imbestigasyon ng Antipolo Police.
04:52Ang suspect sa pagpatay,
04:54ang 21-anyos na kapitbahay umano ng biktima,
04:58na ilang beses na rin daw niyang nakaalitan.
05:01Sinabi nung ating suspect sa ating victim na matanda ka na,
05:05huwag kang papakita sa akin at huwag ka nang dumaan dito kung hindi papatayin kita.
05:09Nasundan pa raw ang away ng dalawa.
05:11Nahuli po itong ni-victim ang ating suspect na namimitas ng rambutan na nandoon sa kinatatayuan na lupa na binabantayan
05:24ng ating victim.
05:26Nung nag-away na po sila, pinagbantayan niya ulit na papatayin niya nga po yung ating victim.
05:31Lunes ng hapon ang i-report ang pangyayari sa pulisya ng isang kapitbahay ng biktima.
05:36Pumunta po yung ating suspect doon sa bahay ng ating witness
05:41at kuinento niya po ito, sinabi niya po yung nangyari na okay na, tinapos ko na siya,
05:48ginilatan ko na siya ng leeg at chan.
05:52So nagpapatunay po naman ito doon sa batay po sa ating investigasyon
05:56na meron po siyang slash wound dito sa bandang leeg at dito sa chan po ma'am.
06:01Inaresto ng antipolo polis ang suspect.
06:04Hindi na na-recover ang ginamit na patalim.
06:07Sasampahan ng kasong murder ang suspect.
06:10No comment po ko dyan ma'am sa abukat.
06:12Kung magpapainterview po ko sa abukat ko na po.
06:15EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA News.
06:20Nagprotesta ang ilang militanting grupo para ipanawagan ang reforma sa lupa
06:24at mga problema ang kinakaharap ng mga magsasaka.
06:27May ulat on the spot si Chino Gaston.
06:30Chino?
06:31Chino?
06:34Rafi, mula Department of Agriculture sa Quezon City ay nagmatsa ang grupo
06:38at nagtipon-tipon sa kahabaan ng Espanya Boulevard sa Manila.
06:42Mula Espanya, nagtungo sila sa Mendiola malapit sa Malacanang
06:46para ipanawagan sa Administrasyong Marcos ang reforma sa lupa,
06:50ang pag-aagaw-umano ng lupa mula sa mga magsasaka
06:53at ang anila'y kakulangan ng preparasyon para sa mahaba-habang tagtuyot
06:57na inaasahang tatama sa bansa.
07:00Habang nagsasagawa ng programa,
07:02bantay sarado ang mga raliista na mga tauhan ng Manila Police District Anti-Riot Police.
07:07Dahil napuno ang panulukan ng Recto at Legarda,
07:10napilitang mag-traffic rerouting para maibsan ang pagbara ng traffic sa lugar.
07:15Sa taya ng MPD, aabot sa higit isang libo ang mga ralistang patuloy
07:19na nagsasagawa ng kanilang programa sa lugar.
07:22Wala rin daw na italang kaguluhan sa hanay ng mga ralista
07:25liba na lang sa ulat na may nagpang-abot ng mga ralista
07:28sa loob mismo ng kanilang hanay habang sila'y nagpo-protesta sa gawing Quezon City.
07:34Narito po ang ilang pahayag.
07:37Doon sa malawak na hanay ng mga magsasaka
07:41na nakadepende sa agrikultura,
07:43wala pa na sistematikong pag-responde ang gobyerno kaugnay nito.
07:54At Rafi, bagamat maximum tolerance ang ipinairal ngayon ng Manila Police District,
08:00hindi na wuhahayaan ang mga ralista na magsunog ng EPG
08:03kung may balak man sila.
08:04At hanggang alas 12 ng tanghali lamang
08:06silang papayagang manatili dito sa may mendiola.
08:09Rafi.
08:10Maraming salamat, Chino Gaston.
08:13I-dineklara ng Korte Suprema na unconstitutional
08:17ang 2024 at 2025 General Appropriations Act,
08:21gayon din ang ilang bahagi ng 2026 ga-a.
08:24Partikular na tinukoy ng Korte ang mahigit P449 billion
08:28ang programed appropriations na i-dinagdag sa 2024 budget
08:32at pagdagdag ng halos P18 billion na DPWH Special Road Fund
08:37sa 2025 budget.
08:39Balit ang hatid ni Marie Sumali.
08:451987 pa lang ay may un-programmed appropriations na sa budget na mga administrasyon.
08:50Ito yung mga item o proyektong pinupundohan lamang kapag may sobrang revenue ang gobyerno.
08:56Hindi naman daw ito labag sa batas pero kinwestyon sa Korte Suprema
09:00ang legalidad na un-programmed appropriations sa 2024 national budget
09:04na nakapaloob sa 2024 General Appropriations Act.
09:08Ayon sa mga petitioner, labag ito sa Article 6, Section 25 ng 1987 Constitution.
09:14Nakasaad doon na hindi pwedeng Kongreso ang magtaas ng appropriations
09:18na inirekomenda ng Pangulo para sa operasyon ng gobyerno.
09:22I-diniklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang 2024 at 2025 GAA.
09:27Partikular na tinukoy ang nadagdag na P449.5 billion na un-programmed appropriations noong 2024
09:34at P17.99 billion na pagtaas ng Special Road Fund noong 2025.
09:40Dahil dito, kaya lumampas daw ang budget sa inirekomenda ng Pangulo.
09:45I-diniklara rin unconstitutional ang mga probisyon at chapter na nag-authorize
09:49o nagpahintulot ng un-programmed appropriations sa 2026 GAA.
09:54Paglilinaw ng Korte Suprema, bagamat hindi unconstitutional ang mga un-programmed appropriations,
09:59kailangang may malinaw na limits at safeguards para mapanatili ang fiscal discipline,
10:04transparency at accountability.
10:06Sinusubukan pa namin makuha ang panig ng Malacanang at Kongreso kaugnay nito.
10:11Ayon naman sa isa sa mga petitioner na si dating Sen. Coco Pimentel,
10:15sang-ayon siya sa desisyon ng Korte Suprema.
10:17Ito raw ang basic principle ng constitutional law.
10:21Mariz Umali, nagbabalita para sa GMA News.
10:29Pataya ang isang lalaki matapos malunod sa Pasunanca River sa Zamboanga City.
10:34Sinubukan ng ilang residente na kaguluhan ang biktima
10:36nang makita siyang inaanod ng tubig.
10:39Pero bigo sila dahil sa lakas ng ragasan ito.
10:43Ayon sa Zamboanga City Police,
10:46nangunguhan ang inaanod ng mga kahoy sa ilog ang biktima ng tangayin.
10:50Natagpuan ang bangkay ng biktima sa tulong ng search and rescue operation ng mga otoridad.
10:55Nagtamuan nila ang biktima ng maraming sugat sa katawan.
10:58Patuloy na kinukunan ng pahayag ang naulilang mga kaanak.
11:04Patuloy na kinukunan ng