Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:01Mga kapuso, ganyan kalaki ang Super Bagyong Rosal na kasalukuyang tinatahak ang Philippine Sea.
00:07Sa ngayon, ito ang pinakamalakas na bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong taon, sabi ng pag-asa.
00:13May mga nakataas ng wind signal sa ilang lugar sa Luzon.
00:18Ang ipapagdetalya sa Bagyong Rosal, iatid namin maya-maya.
00:25Paulit-ulit na sinakta na isang pulis-pasay ang kanyang live-in partner simula pa noong 2022.
00:30Hindi na raw nakatiis ang biktima kaya ipinose niya ang mga kuha ng CCTV at nagreklamo na sa pulis siya.
00:37Babala po, sensitibo ang mga video na inyong mapapanood sa Balitang Hatid, Libamalegre.
00:45Kuha ito sa loob na isang bahay sa Pasay noong December 2025.
00:49Makikita ang isang lalaki na naka-uniforme ng pulis na dalawang beses na pinagsusuntok ang isang babae hanggang siya'y
00:55matumba.
00:56Hindi pa nakontento ang lalaki dahil na makatayo ang babae, sinipa niyang muli at itinulak.
01:05Sa kuha namang ito noong April 2024, dalawang beses sinipa ng lalaki ang babae hanggang matumba siya sa may pintuan.
01:13Sa parehong taon, nakunan din ang pananakit ng lalaki habang nakasakay ang babae sa nakapark na motorsiklo.
01:20Sa isang pangkuhan ng CCTV noong September 2023, makikita muli ang lalaki na sinasaktan ang babae na nooy karga ang
01:27kanilang anak hanggang sa mapahiga na ang biktima sa kama.
01:31Ang lahat ng mga video na ito ay pinost ng babaeng biktima sa kanyang social media dahil hindi na ron
01:36niya matiis ang pananakit ng live-in partner na isang pulis sa Pasay.
01:40Pinost ko po kasi po yun po yung mga pabubugbog niya po sa akin, paulit-ulit na po niyang ginagawa,
01:46lalo na po kapag lasing po siya kahit po nasa harapan ng bata.
01:51Kaya po pinost ko na po kasi hindi na rin naman po na siya nagbago.
01:57Ganun pa rin po, mas lumala lang po yung, lalo na po yung mga pananalita niya na masasakit sa akin.
02:042022 daw na magsimula ang pang-aabuso sa kanya ng live-in partner niyang pulis, matapos daw siyang makanak.
02:08Nagpa-blotter siya ng taong yun at nagpa-blotter ulit noong 2023 at 2025.
02:14Pero documentation pa lang ito noong mga panahon yun at hindi natuloy sa kaso.
02:19Tiniis niya ang pananakit dahil ani ah, naghahangad siya na kumpleto silang mag-anak.
02:23Pero may hangganan ang kanyang pasensya.
02:25Siyempre po nanay ako. Ano bang hindi kaya-tuloy ako?
02:29Ano bang hindi kayang tiisin ng isang nanay na ilang beses na nagtry magkaroon ng buong pamilya?
02:35Nung huli na, binaliwala niya na, which is yun na yung hindi ko na kinaya.
02:40Natatanong ko na rin yung sarili ko, paano ko na kaya lahat ng to?
02:43Ikaw yung pinakawala kwentang tao.
02:45Ganyan lagi sasabihin sa'yo.
02:47Nagreklamo na ang biktima dito sa Pasay City Police Station at nag-file ng RA 9262
02:52or Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.
02:56Humingi na rin sila ng protection order sa barangay.
02:58Humingi siya ng tulong para mabigyan siya ng BPO.
03:03So iniintay lang namin yung bawsi namin.
03:05Hindi po pwedeng lumapit sa kanya yung inaakusahan niya.
03:09Sinikap ng GMA News na makunan ng pahayag ang jepe ng Pasay City Police Station.
03:13Pati ang tagapagsalita ng Southern Police District.
03:16Kaugnay sa inerereklamong polis Pasay na hindi patiyak ang kinaroroonan sa ngayon.
03:20Wala pa silang tugon.
03:22Bamalegre, nagbabalita para sa GMA News.
03:30Magpapaulan na sa ilang bahagi ng bansa ang trough o extension ng Superbagyong Rusal na nasa Philippine Sea.
03:36Ayon sa pag-asa, magiging maulap na sasamahan ng kalat-kalat na ulan at thunderstorm ang Bicol Region at Eastern
03:42Visayas.
03:44Asahan din ang malalakas na ulan.
03:46Kanina, nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes, Bubuyan Islands, Mainland, Cagayan, Eastern portion ng Isabela,
03:55Northern at Central portions ng Apayaw, Northeastern portion ng Ilocos Norte, at Northeastern portion ng Catanduanes.
04:02Tumutok lang po dito sa balitang hali para sa bagong listahan ng mga may wind signals base sa 11am bulletin
04:07ng pag-asa.
04:09Tinatahak na ng Supertyphoon Rosal ang northern portion ng Philippine Sea kaninang alas 8.
04:14Namataan niyan halos 700 km silangan ng Hilagang Luzon.
04:18May lakas ito ng hangin na 215 kmph malapit sa mata ng bagyo.
04:22Base sa pinakahuling forecast ngayong araw, mararamdaman ang malakas na hangin na dala ng Supertyphoon sa mga coastal at abland
04:31areas ng Ilocos Region, Cordillera, Administrative Region, Cagayan Valley, Bicol Region, Romblon, Eastern Visayas, Siquijor, Bohol, Northern Mindanao, Caraga, Davao
04:42Region, at Sarangani.
04:44Bukas o kayo sa biyernes, lalapit ng hustuang bagyo sa extreme northern Luzon.
04:49Bukas din, posibleng humina na bilang typhoon ang bagyong rosal.
04:53Sa biyernes o sa sabado, posibleng lumabas na ito ng Philippine Area of Responsibility.
04:59Magpapaulan din ang Northeasterly wind flow naman sa Ilocos Norte, Batanes at Babuyan Islands ngayong araw.
05:06Dito naman sa Metro Manila, magiging maayos at maaraw pa rin ang panahon pati na sa ipapangbahagi ng bansa ngayong
05:11Merkules.
05:18Inaasahang tataas ang presyo ng Liquefied Petroleum Gas o LPG.
05:22Ayon sa Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy,
05:26mahigpit ang agawan sa supply ng LPG kapag nagsimula na ang winter season.
05:30Dumataas daw kasi ang demand sa heating requirement ng mga bansa sa Hilaga.
05:34Ang DOE may naisip na rin na solusyon na magpapakalma sa presyo ng petrolyo.
05:39Yan ay kung magiging oil commercial hub ang Pilipinas na mga oil producing country para sa Asia-Pacific region.
05:45Kung gagawin ito, posibleng abutin daw ng dalawang taon bago ito mangyari.
05:52They can export it at the same time they can sell it to our refinery.
05:59May installation tayo dito, may dagdag na storage capacity.
06:03Plus may priority access tayo dahil nandito na yung produkto in cases na mayroong crisis.
06:16Arestado sa Calambalaguna ang isa sa mga nasa most wanted list ng Calabar Zone.
06:21Pahirapan ang pag-aresto sa aposado nun o ay may dalang baril at nagtago sa kanilang bahay sa barangay Sirang
06:27Lupa.
06:27Ayon sa pulisya, may warrant of arrest ng lalaki para sa paglabag sa anti-carnapping app.
06:33Nakuha rin sa lalaki ang isang motorsiklo na ninakaw niya nitong Sityambre.
06:37Dahil dyan, posibleng pa siyang maharap sa iba pa ang karampatang reklamo.
06:42Dati na rin siyang nakuloong dahil sa pagnanakaw ng motorsiklo at cellphone.
06:47Tumangging magbigay ng payag ang lalaki na nakadetain ngayon sa Calambas City Police Station.
06:56Sa kuha ng CCTV sa Hamtik Public Market sa antigin itong linggo,
07:00kita ang pagpasok ng isang babae sa gilid ng isang tindahan.
07:03Sa isa pangangulo ng CCTV, kitang kinuha niya ang isang bag sa loob ng tindahan.
07:10Dali-dali siyang lumabas, bit-bit ang bag ng senior citizen na may-ari ng tindahan.
07:15Ayon sa apo ng biktima, hindi napansin ang kanyang lola ang suspect.
07:20Angay ng suspect ang 50,000 pisong kita ng tindahan, cellphone, mga ID at gamot ng biktima.
07:27Ayon sa polis siya, posibleng matagal nang nagmamatsyag sa lugar ang suspect na dayo roon.
07:32Inutugis pa ang kawatan.
07:36Halos 100,000 pisong halaga ng gamit ang tinangay ng dalawang riding in tandem
07:40sa hinoldap nilang magkasintahan sa Kaloocan.
07:43Balita ng atin ni Gabriel Gonzalez.
07:49Pauwi na ang magkasintahan ito nang bigla silang tigilan ng dalawang riding in tandem
07:54sa barangay 88 Kaloocan madaling araw nitong linggo.
07:58Bumaba ang angkas ng isang motorsiklo at nilapitan ng magkasintahan.
08:02Inambahan ng patalim ng salary na nakahudi ang lalaki
08:06at nang makuha na ang kanyang cellphone, ang babae naman ang kanyang pinuntirya.
08:12Sinubukang tumakbo ng babae pero natumba siya kaya inabutan siya ng salary.
08:17Nakaladkad pa ang babae habang nanlalaban.
08:20Nakuha rin ang kanyang cellphone.
08:22Kinuha rin ang iba pang mga salary na bag na dala ng lalaki
08:25bago tumakas patungong 11th Avenue.
08:28Ayon sa biktima, ito yung usual nilang rutang dinaraanan ng kanyang nobyo
08:33kapag kagaling siya sa trabaho.
08:35Wala naman daw nangyayari sa kanya nung mga nakalipas sa mga panahon.
08:39Ngayon lang daw, posibleng natiktikan siya ng mga kawatan.
08:56Nagtamo ng sugat sa tuhod, kamay at siko ang babaeng biktima.
09:02Nagkasugat din sa katawan ng kanyang nobyo.
09:04Yung nira po makatulog, parang nakaalala mo po yung pag-amba ng kuchilyo,
09:11tapos parang yung pananakot po nila, nabakabalikan po kami
09:14since nakita po nila yung identity namin.
09:17Sana po nangyayin na lang sila ng pera kasi yung phone po yung iPad,
09:22parang two years ko po siyang pinaghirapan.
09:25Halos 100,000 pesos ang halaga ng ninakaw na gamit mula sa dalawang biktima.
09:30Ang barangay, blanco pa sa pagkakakilanla ng mga salarin dahil nakatakipang kanilang mga muka.
09:37Dahil sa insidente, mas pagbubutihan pa rin nila ang pagbabantay.
09:41Mga taga-ibang lugar po yun.
09:43Kasi kung dito po, hindi po tatalo yung mga taga rito po.
09:48Mag-iikot na po ang mga tanod namin.
09:51Patuloy ang follow-up operasyon ng pulisya para matugis ang mga salarin.
09:56Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
10:06Wednesday latest mga Mari at pare, proud si Marian Rivera sa bagong film nila ni Ding Dong Dantes.
10:14Itinuturing niya na importanteng proyekto ang Remember na showing na sa November 11.
10:19Sabi ni Marian, mahalaga sa kanila ang nasabing proyekto dahil magiging proud ang mga anak nila.
10:27Na-share din niya na payag siyang mag-guest sa The Master Cutter.
10:33So nga, payag ako mag-guest sa Master Cutter sa isang kondisyon.
10:38Kontrabida niya ako.
10:40Yes!
10:42Ayokong magkakampi kami.
10:44Bakit?
10:45For a change.
10:46Kasi palagi na kami nakikita ng tao together, sweet, as husband and wife.
10:51A fight scene.
10:53Lalaban ako.
10:54Kumanda ka, atoy.
10:56Ha, ha, ha, ha, ha, ha, ha, ha.

Recommended