00:00Holy cam, ang panlulog ng isang lalaki sa isang laundry shop sa Tondo, Maynila.
00:05Ang suspect, kakilala dahil sa kanyang tato, nang arestuhin dahil naman sa iligal na droga.
00:11May unang balita si Gabriel Gonzalez.
00:17Gulo-gulo ang mga gamit sa loob ng isang laundry shop sa Tondo, Maynila.
00:22Nadatna ng mga staff nito umaga nitong Sabado, October 17.
00:26Sira ang kisame at bubong ng likurang bahagi ng shop.
00:31Nang suriin ang mga kuha ng CCTV, nakitang pinasok pala sila ng kawatan.
00:36Sa kuha ng CCTV, mag-aalas 8 ng gabi nitong biyernes,
00:40biglang sumulpot ang isang lalaking nakatakipang muka at nakasumbrero mula sa kisame ng laundry shop.
00:47Nang makita niya ang CCTV, kinuha niya ang hagdan at inilihis ito para hindi makita ang kanyang pakay.
00:54Dumaan dun sa dating opisina.
00:58Ngayon, bakante na yun.
01:02Siguro dun ang naging way ng mga nagnanakaw kasi hindi halata.
01:08Tinungkab nila yung bubong, yero.
01:12Dun sila dumaan.
01:14Natangay ng sospek ang perang nakatago sa laundry shop, ilang pabango at iba pang gamit.
01:19Nagtungo naman sa barangay ang may-ari ng laundry shop para i-report ang insidente.
01:24Nakipag-ugnayan naman ang barangay sa pulisya para matugis ang sospek.
01:29Hapo naman itong linggo, namataan ng mga rumorondang pulisang naturang lalaki sa Fernandez Street.
01:36Nakuhanan siya ng umano'y iligal na droga, kaya't agad siyang inaresto.
01:40Ang trabaho kasi ng mga yan, paikot-ikot lang.
01:44Dito sa lugar namin, alam kasi lang, lugar namin tahimik.
01:48Madaling pasukin.
01:50Ayon sa pulisya, ang tato ng lalaking inaresto dahil sa umano'y droga
01:55ay pareho sa tato ng lalaking na hulikam na nanloob sa laundry shop.
02:00Nakakulong sa Rahabago Police Station 1 ang sospek
02:03na maaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
02:09Hindi na raw magsasampan ang hiwalay na reklamo ang may-ari ng laundry shop.
02:13Tumanggi naman magbigay ng pahayag ang lalaki.
02:17Ito ang unang balita.
02:19Gabriel Gonzalez, GMA News.