00:00Sa Baguio City, piniling mamasyal ng ilang turista ngayong long weekend at bumuti na po ang panahon.
00:05Patuloy naman ang paglilinis at pagsasayos ng lokal na pamahalaan sa City of Pines dahil sa mga pinsalang idinulot ng
00:12mga pagulan.
00:13Live mula sa Baguio City, may unang balita si EJ Gomez. EJ, good morning!
00:22Maris, good morning!
00:23Naging nagsagawa nga ng clearing operations ang lokal na pamahalaan sa mga gumuhong lupa dito sa Baguio City.
00:30Isinaayos na rin ang drainage system sa ilang lugar.
00:38Magdadalawang linggo matapos ang landslide sa Barangigisad Surong sa Baguio na ikinasawi ng sampo,
00:44nagki-clearing operations pa rin ang LGU rito.
00:48Plano ng LGU na idiklarang no-build zone ang lugar.
00:51Ayon sa Baguio City Disaster Risk Reduction Management Office o DRRMO,
00:57lubhang mapanganib ang pagdatayo ng panibagong istruktura sa pinaguhuan ng lupa.
01:03Nililinis din ang tone-toneladang mga basura,
01:06debris mula sa mga nasirang bahay at nagtumbahang puno at kawayan.
01:11Sabi pa ng DRRMO, pahirap sa clearing operations ang pag-ulan sa lugar.
01:17We're trying sana kahit 24 hours pero mahirap.
01:20Madilim, mula noong nangyari itong tragedy na ito, tuloy-tuloy ang ulan namin.
01:25So in the Baguio City kasi, pag fully saturated na yung soil,
01:29even after the rains, may tendency pa rin babagsang.
01:33Nagkaroon din ang pagguho ng lupa malapit sa ground zero.
01:37Halos 30 pamilya ang inilikas ng LGU bilang pag-iingat.
01:43Tinututukan din ang lokal na pamahalaan ng pag-aayos ng mga kalsada.
01:47Partikular, ang mga nasa city proper na posibleng magdulot ng pagbaha at traffic.
01:53Sinasamantala raw ng DPWH ang pagsilip ng araw at pagtigil ng ulan.
01:58Sa bahaging ito ng Upper Session Road,
02:01puspusan ang ginagawang pagpapalawak ng kalsada at paglalagay ng retaining wall.
02:06Kung hindi rin kasi ito gagawin, posibleng gumuho ang lupa at magdulot ng panganib sa mga residente.
02:14Gusto ng DPWH na paluwangin din, kaya nag-away dinin kami,
02:18kaya nilalagyan namin siya ng product natin na wall, retaining wall, with side duke na rin.
02:24Yung epekto naman sa mga residential dito, at least yung land nila, yung lupa nila, masosoportahan.
02:29At least gawanda yung kalsada, may simento, wala nang maputik.
02:36Nakakatakot kasi yung tubig, malaking umano na tubig, umaagos na tubig.
02:44At least pag may simento, hindi na delikado.
02:47Pinamamadali rin ang pag-aayos ng drainage system na ito sa Otec Street sa Barangay Rizal Monument area.
02:54Ayon sa engineer ng proyekto, naantala ang operasyon nito dahil sa mga nagdaang bagyo at habagat.
03:01Nananatili namang sarado ang Kenon Road sa mga motorista.
03:05Paalala lang sa mga ating mga turist, when they come up, avoid na lang po ang Kenon Road.
03:10Use na lang yung alternate roads, ang ating Marcos Highway and yung Nagilian Road.
03:20Maris, kahit pa na maulan, marami mga kapuso natin ang pinili na dito sa City of Pines magbakasyon.
03:27At ngayong simula na nga ang long weekend, mas marami na ang bakasyonistang umakit dito sa Baguio.
03:33Meron nga tayo nakausap na yung ilan.
03:35E nandito na raw kahapon pa lang o nitong mga nagdaang araw pa lang.
03:39Pakay daw nila na ma-experience ang Baguio weather.
03:42Ang temperatura nga ngayon, nasa 16 to 17 degrees Celsius.
03:48At yan, ang unang balita mula po dito sa Baguio City.
03:52EJ Gomez, GMA News.
03:55EJ, speaking of mga bakasyonista and of course, gaya nga nang binanggit mo,
03:59ang sarap ng weather dyan, bukas ba yung mga sikat na tourist spots dyan sa Baguio
04:04o meron pa rin sarado dahil sa epekto ng masamang panahon?
04:12Yes na yes, Maris, bukas ang mga sikat na tourist spots.
04:16Gaya na lang nitong Ride Park.
04:17Nakikita nga natin, marami ang mga joggers dito.
04:22Kaninang pasado, alas 5 pa yung karamihan dyan.
04:24Meron din mga naglalakad-lakad, muni-muni sila.
04:27At doon, sa tapat nitong Ride Park, nakikita natin, yan yung The Mansion.
04:31May certain operating hours lang yan.
04:34At bukas din, yung Burnham Park.
04:37Pero abiso dun sa mga baka hindi pa nakakaalam,
04:41o yung paakit pa lang dito sa Baguio,
04:43yung Swan Lake o yung kung saan ka nakakasakay ng sikat na swan boat,
04:47ay sarado.
04:49Yun daw ay sinasagawa o inaayos ito mga nagdaang linggo pa.
04:52Pero magbubukas daw yan, next month o ngayong September,
04:56ayon dun sa nakausap natin na security personnel doon sa parking ayon.
05:00Pero, nandun pa rin naman yung sikat na biking activity na perfect,
05:04mapabata man o matanda.
05:07Nako, EJ, sayang hindi mo naabutan yung swan na boat.
05:10Pero, anyway, nabanggit mo na maraming turista.
05:13Kumusta ang traffic ngayon dyan sa Baguio?
05:19Ay, nako, traffic, Maris.
05:21Talagang umaga pa lang.
05:23Siguro mga past 10 a.m., marami ng sasakyan sa kalsada.
05:27Dahil yun yung oras na bukas na karamihan ng tourist sites dito sa Baguio City.
05:32At yung kailangan malaman ng mga kapuso natin dyan,
05:36pagating ng gabi, mas mabigat ang traffic o lalo na pagbukas na ang night market.
05:41Kaya naman, iready yung mga may dalang sasakyan.
05:44Planuhin ang inyo magiging parking o kung kaya.
05:47Huwag na magdala ng sasakyan.
05:48Maglakad na lang para mas ma-feel yung lamig ng Seymour dito sa City of Pines.
05:54And of course, para mas maraming steps.
05:57Enjoy mo na lang yan.
05:58Maraming salamat sa iyo.
05:59At ingat, EJ Gomez!