00:00Nakaranas ng baha at landslide ang Ilocos Provinces dahil sa hanging habagat.
00:05Binaha ang ilang kalsada sa Wigan Ilocos Sur.
00:08Nahirapan tuloy ang ilang motorista kaya ginamit ng iba sa kanila
00:12ang mas mataas na sidewalk para maiwasan tumirik ang kanilang sasakyan.
00:16Ayon sa ilang residente, bumaha sa lugar dahil mabilis umapaw ang mga kanal kasunod ng ulan.
00:21Nakuna naman ang video ang pagbagsak ng mga bato mula sa bundok
00:26papunta sa isang kalsada sa barangay Orzadan sa Suyo.
00:32Dahil sa landslide, walang nakatawid ng mga motorista.
00:35Binayo rin ng malalakas na ulan at hangin ang lawag Ilocos Norte.
00:39Halos na zero visibility sa ilang kalsada.
00:42Muntik na mamadamay ang isang bahay matapos bumigay ang isang dike sa barangay Lataag sa Lawag.
00:49Dati na raw nakitaan ng bitak ang dike bago nangyari ang pagguho.
00:53Itong Marso lang daw natapos ang Flood Control Project.
00:57Nagsagawa na inspeksyon ang City Engineering Office at DPWH.
01:01Agad daw aayusin ang nasirang dike.
01:04Nagbigay ng ayuda ang City Disaster Risk Reduction and Management Office sa pektadong pamilya.