00:00Inilatag ng Department of Agriculture ang mga hakbang para tiyaking sapat ang supply ng pagkain
00:05sa gitna ng pagbilis ng inflation at nagbabadyang Super El Niño.
00:09Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa,
00:12pinalalakas ng kagawaran ng pondo para sa lokal na produksyon ng pananim, pangisdaan at livestock.
00:18Dagdag pa niya, bukas din sila sa pag-aangkat kung kinakailangan para manatiling abot kaya
00:23at available ang mga pangunahing bilihin.
00:25Nag-latag din ang DA ng mga tulong tulad ng ayuda mula sa Philippine Crop Insurance Corporation,
00:31mga solar-powered irrigation at pagsasagawa ng cloud seeding operations sa mga apektadong lugar
00:36kagaya ng Visayas para direktang protektahan ang mga magsasaka at mangingisda.
00:43Directly ng mga programa na nakakatulong sa ating mga consumers,
00:47una na rito yung ating 20 pesos, 20 bigas meron na program o BBM, rice program natin
00:55para dun sa ating mga marginalized sectors.
00:58Tulad-tulad po yan at napakarami na po ng sales natin tungkol dito sa 20 pesos.
01:07Ganun din po yung ating kadiwa, hindi lang po bigas yan, pati yung iba-ibang agri-commodities.
01:14So nakikinabang dyan both ng ating mga magsasaka at mga consumers.