00:00Sa mga nagsisimula ng mag-Christmas shopping,
00:03doble ingat bago mag-add to cart at check out online.
00:07Sabi kasi ng Department of Trade and Industry,
00:10dumarami ang mga substandard na paninda online.
00:13Humingi sila ng karagdagang pondo para matugunan ang mga reklamo.
00:17May unang balita si Rafi Tima.
00:23Sa pagdilig ng Senate Finance Subcommittee,
00:26nagpapasaklolo na ang Department of Trade and Industry
00:28para sa dagdag na budget.
00:30Dumarami na raw kasi ang customers sa online platforms
00:32at dumarami rin ang mga natatanggap nilang reklamo.
00:35We need more budget actually to upgrade our technology
00:40for market monitoring, enforcement, and consumer assistance.
00:44Kasi po there's a surge now of products being sold in the e-commerce platform.
00:48And then there's also a surge of substandard products din.
00:5221.6 million pesos daw ang kanilang kailangan para matugunan
00:55ang dumaraming reklamong kanilang natatanggap
00:58kaugnay ng e-commerce transaction.
01:00Inasang dadami pa raw ito ngayong magpapasko.
01:02Bahagi rin daw ng Consumer Protection Drive ng Kagawaran
01:05ang information campaign dahil batid nilang maraming consumer
01:08ang hindi nakakaalam kung saan magre-reklamo.
01:11Tulad ng negosyanteng si Baby Ruth,
01:13nitong Mayo lang,
01:14nawalan daw siya ng 11,000 piso
01:16matapos makakaltasan ang kanyang e-wallet
01:18dahil sa isang transaksyong hindi naman daw niya ginawa.
01:21Sa polis at sa e-commerce platform daw siya dumapit
01:23pero kung saan-saan siya itinuturo.
01:25Eh wala, hindi ko na nahabol po yung 11K.
01:28Sikat na lang para mapabalik.
01:31Pati mga nabibili online na peke o kay substandard,
01:34pinalalagpas na lang daw ni Baby Ruth.
01:36Abala lang daw kasi sa oras.
01:38Palagay niyo marami kayo katulad mo
01:40na hindi alam kung saan magre-reklamo
01:42pag may ganitong nangyayari?
01:43Sigurado po ako ng marami
01:45kasi dito nga po sa amin,
01:46sa lugar namin dami na po dito na-scam.
01:49Halos lahat po kami sa harap ng Agham Road.
01:53Na-scam na po kami dito lahat.
01:55Payo ng DTI kahit online binibili ang mga produkto,
01:58tiyaki na may Philippine Standard o PS Marks sa mga ito.
02:01At kung imported,
02:03siguruhin meron itong imported commodity clearance
02:05o ICC stickers.
02:06Kung may reklamo sa mga nabiling produkto,
02:09huwag daw itong palagpasin
02:10at agad tumawag sa DTI hotline na 1DTI o 1384
02:15o kaya ipuntahan ang kanilang DTI Consumer Care Portal.
02:18Ito ang unang balita.
02:20Rafi Tima, GMA News.