00:01Pusibleng mabawasan ang supply ng tubig sa Metro Manila dahil sa umiiral na elmiño ayon po sa National Water Resources
00:07Board.
00:08Ang KNWRB Executive Director Sevilio David Jr., posibleng ibaba sa 44 cubic meters per second ang alokasyon na MWSS o
00:17Metropolitan Water Works and Sewerage Systems sa Oktubre.
00:21Mas mababa po ito kumpara sa regular na alokasyon na nasa 50 hanggang 53 cubic meters per second.
00:27Ang Anggat Dam ang pangunahing pinagkukunan ng tubig ng Metro Manila at ang mga dam nakadepende sa pagulan para magkaroon
00:34ng tubig.
00:36Kapag may elmiño, maaaring lumaba ang tsyansa ng pagulan.
00:40Abiso ni David sa publiko magtipid ng tubig bilang paghanda sa very strong elmiño na posibleng magtagal ang epekto hanggang
00:49sa susunod na taon.
00:53Anggat maaari po ay gamitin muna yung ibang pwedeng mapagkunan ng tubig po ng NWSS.
01:00Nandyan po yung mga ito pong sinasabi natin, yung mga water treatment facilities dyan po sa Laguna Lake at yung
01:10iba pong mga water treatment facilities dyan po sa Cavite at Bandang Paranaque.
01:15Muli nagpaalala ang Banko Sentral ng Pilipinas na maging mapanuri sa pagtanggap ng pera ngayong Vermont.
01:22Sa Dagupan City, isang tindahan ang nabiktima ng customer na nagbayad ng teking isang libong piso.
01:29Saksi si Sandy Salvaso ng GMA Regional TV.
01:35Kasagsagan ng maraming customer sa sari-sari store na ito sa barangay Bunuan, Binlock, Dagupan City noong Sabado ng hapon.
01:42May isang customer na bumili gamit ang tinuping isang libong pisong perang papel.
01:47Hindi raw ito agad na nasiyasat ng isa sa mga nagtitinda.
01:50Kinagabihan, napansin na lang ng mga nagtitinda na peke ang ibinayat na pera.
01:55Hindi na po binuklot. Tapos may sulat po na peke.
01:59Hindi naman po kasi halatang peke. Tapos nakatiklot.
02:03Ang pera, tila printed lang daw sa isang kopon band.
02:07Dahil dito, sumangguni ang may-ari ng tindahan sa barangay council upang ipaalam ang nangyari.
02:12Naging mas masinsin na rin ang mga nagtitinda sa sari-sari store para hindi na maulit ang insidente.
02:18Sinecheck po namin lagi.
02:19Tinitignan po maigit tapos minsan sa papel po sinusulat po namin kung ano po siya.
02:23Yung talagang pupulay po yung pera doon.
02:26Ngayong Vermonts, muling nagpaalala ang Banko Sentral ng Pilipinas na maging mapanuri sa pagtanggap ng mga pera.
02:32Ayon sa BSP, isaalang-alang ang feel, look, at tilt method upang matiyak na hindi peke ang mga perang papel.
02:40Feel o salatin ang texture ng papel at nakalitaw o raised spring sa pera.
02:45Look o sipatin ang watermark, security thread at iba pang security features kapag itinapat sa liwanag.
02:51At tilt o itagilid upang masuri ang mga elementong nagbabagong itsura o kulay depende sa anggulo.
02:58Ako si Sandy Salvasio ng GMA Regional TV, ang inyong saksi.
03:02Ipinababalangkas na ng jepe ng Land Transportation Office o LTO
03:06ang isang kautusan para bawiin ang lisensya na mga motoris ang masasangkot sa mga aksidente sa mga pedestrian lane.
03:12Saksi, si Vaughan Aquino
03:18Naglalakad ang grupo ng mga estudyanteng ito sa Makati sa tamang tawiran
03:22nang biglang inararo ng humaharurot na jeep.
03:26Isa ang namatay, 6 naman ang nasugatan sa insidente ng nangyari mahigit 6 na taon na ang nakakaraan.
03:32Namatay rin ang isang estudyante sa Oriental Mindoro
03:35matapos masagasaan ang pickup truck sa pedestrian lane noong January 1, 2025.
03:41Tumatawid din sa pedestrian lane naman sa Quezon City ang isang ginang
03:45nang mabangga at magulungan pa ng truck nitong June 15 lang.
03:49Patay ang biktima.
03:51Isa pang insidente sa pedestrian lane nang nahulikam sa Infanta Quezon noong July 12
03:56kung saan nabundol ng van ng isang senior citizen.
04:00Sugatan din ang isang babae sa Quezon City noong August 11
04:03matapos mabangga habang tumatawid.
04:05Mga estudyante namang tumatawid ang nasa pool sa Cotabatos City at San Mateo Rizal
04:11habang mag-ina naman ang sugatan sa pedestrian lane incident sa Pangasinan.
04:16Ayon kay Land Transportation Office Chief Marcos Lakanilaw,
04:20ipinababalangkas na niya ang kautusan upang bawiin ang lisensya ng mga motorista
04:24na masasangkot o sangkot sa mga aksidente sa mga pedestrian lane.
04:28Ayon sa LTO, dahil sa dumaraming kaso ng pagkamatay ng mga tumatawid sa pedestrian lane
04:33at pangaharas sa kanila,
04:35ipinababalangkas na ni LTO Chief Marcos Lakanilaw ang kautusan
04:39upang bawiin ang lisensya ng mga motorista na masasangkot sa mga aksidente sa pedestrian lane.
04:45Ang nakikita ko dito, dapat magigpit tayo.
04:47Dapat hindi yung mga fines eh.
04:49Kung mapansin ninyo, hindi naman ako after dun sa mga malaking fines eh.
04:53Marami ng mga abusado kasing driver eh.
04:55So para sa akin, dapat dito drastic.
04:57Ginaan lang namin sa legal para mas maayos lahat.
05:02Pero hopefully, itong mga araw na ito, matatapos namin, ilalabas namin yan.
05:08Dadaan pa rin naman Anya sa proseso ang revocation ng lisensya.
05:11Bigyan ang due process mo, paliwanag.
05:14Pero revoke na yan.
05:15Ang bagsak niya.
05:16Automatic po.
05:17Oo.
05:18Kasi sa ngayon, ang revocation namin, yung mga na-involve na nakakapatay, automatic yan.
05:23Pero ito kasi ang gusto kong mangyari, hindi lang yung basta nakapatay sa'yo, nakasagasa eh.
05:28Yung nabundol ka lang sa pedestrian lane ng kagagawang driver, dapat dyan i-revoke.
05:34Sabi ng LTO, layo nitong mapatino ang mga motorista at respetuhin ang mga taong dumaraan sa pedestrian lane at maiwasan
05:43ang mga nasasagasaan dito.
05:45Sang-ayo naman dito ang ilang pedestrian tulad ni Ananyel na kung minsan, takot na raw tumawid kahit sa pedestrian
05:51lane.
05:52Mas okay po sana yun para maging aware din yung mga driver dun sa mga pedestrian lane, para respetuhin na
05:59nila yung pedestrian lane.
06:01Ang ilang nakausap naming driver may hiling sa LTO.
06:04Favor naman sa ganun ma'am, pero sana investigahan muna na maigi bago tanggalan ng lisensya.
06:09Kasi kawawa rin yung driver na mawawala ng hanap-buyan.
06:12Kung ganyan babawian ka agad, isang pagkakataon palang magkasala ka, pang hindi naman tama yun.
06:18Diba? Dapat pagbigyan pa ng mga dalawang beses.
06:21Kung pasangkot ka, talagang mali na yun.
06:24Ako si Bona Quino, inyong saksi.
06:27Patay sa enkwentro ang isang miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit o CAFGU sa Escalante City sa Negros Occidental.
06:39Ang sa Philippine Army, nagpapatrolya ang mga miyembro ng 79th Infantry Battalion sa Sityo Bautista, Barangay, Malasibog,
06:47na makasagupa ang pinaniniwalaang rebelding grupo.
06:50Tumagal ng 10 minuto ang enkwentro.
06:53At bukod sa nasawing miyembro ng CAFGU, dalawang sundalo ang sugata.
06:57Wala namang nasatan sa mga residente.
07:02Inaresto sa Makati City ang maigit isang daang sangkot sa umunoy Love's Camp.
07:06Ang kanila raw operasyon, malapogo.
07:10Saksi, si Chino Gaston.
07:17Sa visa ng search at cyber warrant mula sa Makati Regional Trial Court,
07:22Hands up! Hands up! Pag-indagaw! Hands up!
07:24Hands up! Hands up! Hands up! Do not click anyone!
07:29Isang opisina sa Makati City ang sinalakay na mga tauhan ng NBI Special Action Unit noong Sabado ng hapon.
07:36Ilan umanong dayuhan ang naabutang nakaharap sa kanilang mga computer.
07:41Hindi raw ordinaryong opisina ito dahil ayon sa NBI,
07:45Love's Camp ang modus ng malapogo na operasyon.
07:48Target daw namang ito ang mga taong naghahanap ng karelasyon online,
07:53paiibigin, saka hinihinga ng pera.
07:55Well, same operation, same lockup, may mga script ganyan, may mga binibiktima.
08:00Haluhalo na yung binibiktima na narito, foreigners and Filipino allies.
08:05May mga nakuha ring screenshot ang NBI SAW team kung saan makikita
08:10ang pag-aalok ng grupo ng dating service na may iba't ibang level ng access.
08:15May kuha rin ng mga private message sa pagitan ng scammer at ng kanilang biktima
08:20na ang gamit na pangakit ay malalaswang video at picture.
08:24Sasampahan ng reklamong computer fraud ang nasa 120 na suspect na karamihan daw ay mga dayuhan.
08:31Babala ng NBI sa publiko maging maingat sa mga nakikilala online.
08:37Naalam na raw ng NBI kung bumabalik na nga ba sa Pilipinas
08:40ang mga dayuhang sindikato ng mga online scam at iba pang panluloko.
08:44We've been receiving reports from our law enforcement counterparts abroad
08:48na medyo naghihigpid doon kaya parang bumabalik dito.
08:52So we are also in full force right now.
08:54Nabantayan namin yung mga ganyan.
08:56Ako si Chino Gaston, ang inyong saksi.
09:05Ibirasura ng Korte Suprema ang tatlong petisyon na kumukwestiyon
09:09sa pasya ng Senate Impeachment Court kaglay ng kailangan boto
09:12para makonvict si Vice President Sarah Duterte.
09:14Sa isang unanimous desisyon,
09:21ibinasura ng Korte Suprema ang tatlong petisyon
09:23laban sa interpretasyon ng Senate Impeachment Court
09:26kaugnay sa bilang ng botong kailangan para makonvict si Vice President Sarah Duterte
09:31sa kinahaharap na impeachment case.
09:33Base sa kanilang inilabas sa payag,
09:36dinismiss ng kataas-taasang hukuman ng mga petisyon
09:38ni na Atty. Vic Rodriguez, Atty. Ernesto Francisco at Berteni Causing
09:42dahil sa procedural grounds, kabilang na ang lack of standing and prematurity.
09:48September 23,
09:49nagdesisyon ng Senado na umuupo bilang Impeachment Court.
09:52Nabalik na rin ang naon ng ruling ni Presiding Officer Cheese Escudero na nagsasabing
09:5616 votes ang kailangan para makonvict si Vice President Duterte.
10:00Sa bagong ruling ng Impeachment Court,
10:02ang isasama lang sa pagkwenta ng two-thirds vote
10:04ay ang mga senador na makalalahok sa impeachment proceedings sa mismong oras ng botohan.
10:09Kailangan kasi may loong direct injury yung tao na nagdadala ng kaso sa korte
10:14para malinaw kung ano ba talaga yung issue na pinag-aawayan
10:18at yung mga karapatan na pwedeng ma-violate.
10:22Dahil yung nag-hain mismo ng petisyon na tatlo ay hindi si VP Sarah,
10:27mukhang nakita ng Korte Suprema na wala nang standing.
10:32Yung prematurity naman, bagaman hindi pa natin nakikita yung resolution,
10:37mukhang ang hula ng mga akademiko doon ay
10:41dahil yung threshold vote ng senado ay uko lang doon sa kung paano nila bibilangin.
10:48Pero hindi pa actually sila bumuboto at this point.
10:52Hindi pa rin natin alamang kung sino talagay yung i-exclude nila
10:55mula doon sa boto kung mangyayari man yung boto sa araw na ito.
11:00So dahil doon sa dalawang bagay na iyon,
11:02basically, hilaw pa yung kaso o hilaw pa yung issue ng threshold.
11:07Sa ngayon, walang nakikitang balakid ng ilang senator judges
11:10na bumoto pabor sa mosyo noong September 23.
11:13So, for the first time, we just follow the highest court plan.
11:19So, siguro, they gave report or if you gave Facebook
11:22na hindi na ano, sa sugeris nga.
11:26I don't see any legal impediment with regard to the decision of the Supreme Court.
11:33It is what it is. I take it as it is.
11:37Naging decision nila.
11:38Si Rodriguez nanindigang unconstitutional ang ruling ng impeachment court
11:43dahil inaamiendahan ito ang probisyon ng saligang batas.
11:46Si Francisco naman, sinabing kailangan muna raw niyang mabasa ang desisyon
11:49para matukoy kung maghahain siya ng motion for reconsideration.
11:53Sa isang pahayag, sinabi ni Senate Impeachment Court Spokesperson Attorney Reggie Tonggol
11:57na kinikilala nila ang desisyon ng Korte Suprema.
12:00Ang agarang pagbasura raw sa mga petisyon kontra sa ruling ng impeachment court
12:04ay nagkukumpirma lang na constitutionally bulletproof ang Senate Impeachment Court proceedings.
12:09Patuloy naming hinihinga ng pahayagang kampo ng vicepresidente.
12:13Kahapon, humarap sa impeachment court ang kapatid ng vice na si Davao City Mayor Baste Duterte.
12:18Sinabi niyang hindi niya alam na kasosyo ang kanyang ate sa kumpanyang binigyan ng City Hall
12:22ng labing siyam na kontrata.
12:24Binatikos ni Palace Press Officer Claire Castro ang sagot na ito ni Mayor Duterte.
12:28Pero ang isang mayor, hindi po maaaring basta masabi na walang alam, hindi inaalam o walang pakialam.
12:39Kapag may nakikita ka na ng mga kakaiba na pangyayari sa iyong nasasakupan, hindi pwedeng magtulog-tulugan.
12:48Ilang taon na po ba siyang mayor, delikado ito kung gagaw-meeting din ito ng iba mga mayors para sabihin,
12:56hindi ko alam.
12:57Wala pang pahayag si Mayor Duterte tungkol sa sinabi ni Castro.
13:01Susunod na iuupo sa witness stand ng mga kinatawa ng Registry of Deeds sa Davao City at Samal
13:06at opisyal ng Anti-Money Laundering Council at dating Sen. Antonio Trillanes IV.
13:12Ayon kay House Prosecutor Joel Chua, may next batch pa sila ng witness
13:16pero masasabing malapit na silang matapos sa pagpresenta ng ebidensya sa Article 2
13:21o umano'y hindi maipaliwanag na yaman ng vice.
13:24De-desisyon na na rin nila ngayong linggo kung magpe-presenta pa sila ng ebidensya sa Article 3 o bribery.
13:29Magde-desisyon kami this week.
13:31Kung i-pe-present pa namin, if we will still pursue the bribery or yung Article 3
13:41or we will drop it.
13:43At saka para dun sa defense din, eh makapaghanda rin sila.
13:47Kung dati lunes hanggang miyerkulis lang ang impeachment trial ni Vice President Duterte,
13:51magkakaroon na rin ang pagdinig ng Webes at Biyernes.
13:55Pinahaba rin ang oras ng trial mula alas 10 ng umaga hanggang alas 6.30 ng gabi.
14:0011 days kasi tayo straight at the prosecution and defense also requested na kailangan mag-prepare sila heavily.
14:10Request nila, so unlike before na until 2 o'clock hapong makakare-prepare ka,
14:15ngayon wala ka ng preparation.
14:17Matapos kami ng 7, dapat prepared ka na for the next day.
14:20Tausap ko rin si presiding officer na wala mag-prepare yung prosecution and defenses.
14:25Marathon na itong 11 days na.
14:27Ako si Darlene Kay, ang inyong saksi.
14:29Malaki raw ang nagagasto sa bawat pagpapalit ng tourism slogan ng Pilipinas.
14:34Kaya panukala ng isang senador, patangali ng hanggang labing limang taon
14:39ang official tourism slogan kahit pamagpalit ng administrasyon.
14:43Saksi, si Ian Cruz.
14:50Napawaw ang marami sa tourism slogan ng bansa noong 2002.
14:54Wow Philippines!
14:56Simple pero may dating.
15:00Kaya nasorpresa rin ang lahat nang maging iconic ang pumalit na slogan noong 2012,
15:06It's more fun in the Philippines,
15:09na ginawa ng iba-ibang entry sa social media ng mga turista,
15:13lokalman o dayuhan,
15:14at ginamit ng tatlong administrasyon.
15:17It's more fun in the Philippines.
15:20Hanggang palitan ito ng Love the Philippines noong 2023.
15:26Mix ang reviews dito na nabatikos pa ang launching ng audio-visual presentation
15:32dahil hinaluan ng ilang videong kuha sa abroad.
15:35Bakit kasi papalit-palit pa?
15:38Ang panukala tuloy ngayon ni Sen. Erwin Tulfo,
15:42patagali ng hanggang labing limang taon ang official tourism slogan ng bansa
15:47na gagamitin magpalit man ng administrasyon.
15:50Bakit kailanong nag-suffer?
15:52Pati yung palit-palit ng pangalan ng slogan natin,
15:56dahil naka-invento,
15:58yung nakakagunas na lang.
15:59So bababuhay na lang.
16:01Bukod sa mas malaki ang gastos tuwing nagpapalit ng slogan,
16:05may bago na namang branding na kailangang pasikatin abroad.
16:24Bakit daw hindi tularan ang ating mga kapitbayan
16:27na nagbe-beneficio sa matagalang slogan sa turismo?
16:42Inungkat niyan sa hearing para sa 2027 budget
16:45ng Department of Tourism o DOT.
16:49Humihingi kasi ito ng dagdagpondo na naman para sa slogan.
16:53Bakit naman kailangan extra budget?
16:55Binibigyan naman talaga yung tourism promotion ng BOL,
16:59PPP, ng budget.
17:01But like the discount naman,
17:03nasa 1 point something bill doon sila.
17:08Kailangan lang yung ma-retain natin
17:10yung magtatotak sa mga kababayan natin overseas
17:13o pati mga turista overseas.
17:15Sumang-ayon naman ang DOT sa punto ng mga senador
17:18ukol sa slogan.
17:20I totally agree with you
17:21because we should not have really kept on changing the tagline po.
17:26So ang una ko pong ginawa
17:28nung dumating ako,
17:31Love the Philippines,
17:32I will preserve Love the Philippines po.
17:34So kung makikita niyo po lahat ng campaign namin,
17:37it's Love the Philippines.
17:39Pero humirit ito sa mas mababa nilang budget
17:42kumpara sa ibang bansa sa Southeast Asia.
17:45Sabay bida pa rin sa pagdami ng ating turista.
17:49Ian Cruz, ang inyong saksi!