00:00Bistado magit isang toneladang frozen na isda na iligal umanong nakaimbak sa Kaloocan.
00:05Sa Zamboga City, umanong dapat dadalhin ang mga isda.
00:08Saksi si Jamie Santos.
00:14Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BIFAR,
00:20Department of Agriculture at Criminal Investigation and Detection Group o CIDG
00:25ang isang cold storage facility sa dagat-dagatan Kaloocan.
00:28Target ng operasyon ang mga kahon ng imported frozen Pacific Macarela.
00:33Ayon sa BIFAR, dapat sanang manggagaling sa isang cold storage facility sa Bulacan ng kargamento
00:39at ihahatid sa Zamboanga City kung saan ito ipoproseso bilang delata.
00:44Nasa 2,000 kahon umanong ng isda na nagkakahalaga ng humigit kumulang 2 milyong piso
00:49ang dapat sanang bumiyahe patungong Zamboanga.
00:52Pero nakatanggap ang BIFAR ng impormasyon na may bahagi ng kargamento na mula Bulacan
00:57ay dinala sa Kaloocan City.
00:59Ang approved kasi na purpose ng kanyang importation ay for processing or for cunning purposes.
01:07And apparently, pag yun po ay hindi o na-divert yung purpose nila
01:14na gilawang available for public market or for local consumption,
01:20yun po ay isang pagbalga sa ating Fisheries Administrative Order No. 275.
01:26Sa loob ng pasilidad, nakita ang humigit kumulang 720 na kahon ng frozen pacific mackerel.
01:33Sumatotal po natin yan, it's more than a ton of illegally diverted mackerel.
01:40Kasama rin sa search warrant ang isang wing van na umunay ginamit sa pagdala ng mga produkto.
01:46Isa sa gawa pa ng CIDG ang accounting at inventory ng lahat ng nagbuwang ebidensya.
01:50If the evidence says cease, mamaya po dito pag matatapos po yung inventory namin,
01:56would reach 10 million and above, then we will be filing a case of economic sabotage.
02:03That is on top of the cases that we will be filing.
02:07Samantala, sinabi ng BFAR na maaari rin kumpiskahin ang mga nakuhang isda
02:11at sasa ilalim sa notice of violation at administrative case ang mga responsable.
02:17Dadaan din sa pagsusuri ang mga isda para matukoy kung fit for human consumption ang mga ito.
02:23Kung mapatunay ang ligtas para sa konsumo,
02:26maaari umanong ipamahagi ang mga ito sa charitable o penal institution sa National Capital Region.
02:32Depende sa magiging desisyon sa administrative proceedings.
02:36Samantala, lumapit sa GMA News ang nagpakilalang abogado ng kumpanya
02:40pero tumangging magpa-interview sa kamera.
02:43Ayon sa abogado, re-repasuhin muna nila ang CCTV footage sa pagpasok ng mga operatima
02:49at kakausapin ng mga opisyal na nagsagawa ng operasyon bago magbigay ng kanilang pahayag.
02:55Ako, si Jamie Santos, ang inyong saksi.
02:59Halos 50 pamilya mula sa mala tunnel na komunidad sa ilalim ng Osmeña Highway
03:03ang inilipas sa pabahay sa Bulacan.
03:06Binigyan din ang bawat pamilya ng 10,000 piso at iba pang dagdag tulong.
03:10Saksi, si Bea Pinla.
03:16Nitong Mayo lang nang masilip natin ang buhay na buhay na ilalim ng Osmeña Highway
03:21sa San Andres sa Malate, Maynila.
03:23Pag pinasok kasi ang tila tunnel na isa't kalahating metro lang ang taas
03:27at wala pang isang metro ang lapad.
03:29Okay, sorry. Okay, sorry po, sorry po.
03:33Tabi-tabi ang mga nakatira na kumpleto sa mga appliance
03:36at konektado sa linya ng kuryente at tubig.
03:40Bakante na yan ang pasukin ko kanina.
03:42Bagaman bakas ko pa rin ang peligro ng pagtira nila rito.
03:46Ganito po kasi kep at kadelikado yung mga bahay na tinitirhan
03:49ng halos sandaang pamilya sa may Osmeña Highway
03:52malapit pa sa estero sa Maynila.
03:55Gawa sa light materials yung kanilang mga bahay na nasa ilalim pa ng tulay
03:59kaya lumang peligroso lalo na tuwing maulat.
04:02Inabutan ko namang naglilipat na ang mga residente
04:05ng dating Malatunnel Community.
04:07Naranasan ko na sunugan kami tapos baha pa.
04:12Minsan pag ako lang isa sa bahay, umiiyak ako
04:15kasi wala akong kasama eh, lalo pag Pasko.
04:18Naiiyak ako. Ano ba yan?
04:21Ano, siyempre aahon kami sa taas kasi yung tubig talaga abot hanggang ganyan.
04:27Inaano ko yung kuryente, baka makuryente kami.
04:30Kanina, sumama ako sa biyahe nila papuntang San Ildefonso, Bulacan
04:34kung saan nagihintay ang tila maagang pamasko,
04:38ang permanenteng pabahay ng gobyerno.
04:41Ngayong Pasko baka kompleto kami. Masaya ang Pasko ko.
04:44Apat na putsyam na pamilya silang inihatid ng Department of Social Welfare and Development o DSWD
04:50sa mga bago nilang kirahan.
04:52Kahit malayo ito, naku, sabi ko hindi. Ano, titirhan ko talaga ito.
04:56Binigyan din ang bawat pamilya ng tig-sampung libong piso
04:59at dagdag pang tulong tulad ng livelihood assistance.
05:03We will issue another set of cash relief assistance, another 10,000.
05:08Kasi nga, alam mo, pag nirinig-approve mo ang isang tao, pagdating niya doon,
05:12to jumpstart your life, panibagong tsaka muna naman yun.
05:15Bagaman hindi libre, ay mura ang pabahay.
05:18Isang taon muna silang walang babayaran.
05:21Pagkatapos, ay maguhulog ng 600 hanggang mahigit 2,000 pesos kada buwan
05:26sa loob ng 30 taon.
05:28Pero hindi pa lahat ay nakalipat.
05:30May 35 pamilya pang ipinagrirenta muna ng gobyerno
05:33habang tinatapos pa ang lilipatan nilang bahay.
05:36Bago magpasko rin sila target mailipat.
05:39Yung paglilipat kasi ng mga 84 na pamilya,
05:42hindi siya simpleng bagay kung gagawin.
05:45Isipin rin natin yung point of view nila.
05:47Na dito na sila tumira, dito pinanganak yung iba, dito tumanda.
05:51So yung mindset ting, medyo mahabang proseso yun.
05:55At para matiyak na hindi na muling matitira ng tunnel,
05:59isasara na ang lagusan papasok,
06:01matapos gibain ang matiniran sa ilalim.
06:03Nakausap na natin yung mga barangay dito,
06:05barangay opisyalis, na kumingin na rin tayo ng tulong
06:07na bantayan itong lugar na hindi na mabalikan pa.
06:11Nakikipagungayan din ang Manila City Hall sa MMDA
06:13para matiyak yan.
06:15Ako si Bea Penlac, ang inyong saksi.
06:18Gaya nung pandemia, ilang tsuperang nauwi na sa panlilimos
06:21sa sobrang liit ng kanilang kinikita sa pamamasada.
06:25Kabilang po yan sa mga hinaing na maralistang
06:27nakiisa sa iklawang araw ng kilos protesta
06:30ng grupong piston.
06:31Saksi, si Mark Salazar.
06:37Dalawang araw nang hindi pumapasada
06:39ang mga tsuper gaya ni Celso.
06:41Wala man daw siyang kita.
06:43Kaunting sakripisyo raw ito para sa kanilang panawagan.
06:46Kasama siya sa mga nakikisa
06:48sa ikalawang araw ng Tigil Pasada.
06:51Dati maganda kita namin dito.
06:54Talagang kikita ka ng maganda.
06:57Ngayon, kikita, pumapal do'y kasulina.
07:02Puro-prodo na lang.
07:03Mahigit 200 piso ng dawang naiuwi niya sa buong araw na pamamasada.
07:09Wala rung ambag at misto lang, limus lang ang piso na taas pasahe.
07:13Simple lang. Iba-rollback nila yung mga produktong petrolyo kasi masyado matahal.
07:20Panginsulto lang sa amin yung piso na dagdag na yun.
07:23Anong mga pagkagawa nun?
07:25Hindi naman kakayaan.
07:28May mga chipper din daw na dapang-dapana kaya nauuwi sa panlilimos tulad nung pandemia.
07:35Tulong-tulong na lang kami.
07:37Mantaas kasi ng diesel.
07:39Sobrang na mataas yung gas.
07:41Dati, hindi kami nagaganito.
07:43Mahiya ako.
07:44Ngayon, kapal muka na lang.
07:46Kasi nga hirap talaga.
07:51At mula Kubaw, nagmarcha sila kasama ang Kabataan Partilist papuntang Welcome Rotonda.
08:03Sa isa pang punto, tila nakipagpatintero sila sa mga pulis na humarang doon.
08:14Inulan din sila sa gitna ng protesta.
08:17Pero nagpatuloy ang sigaw nila ukol sa isyo ng mga chipper, pati na rin ng commuter.
08:22Alam niyo po pa, 171,000 units ng mga jeep, ng mga bus, ang mga UV na tumigil na sa
08:33pagpapasada.
08:34Dahil sila ay pwersadong tumigil ng modernization.
08:3934 million daily passenger capacity ang nawala.
08:43Patuloy nilang sigaw ang mabigyang pansin ng kalagayan ng mga chipper sa gitna ng mataas na presyo ng langis.
08:50Ano po pa, papatigil sa inyo sa strike?
08:52Kapag inano yung older regulation lot, yung usapin nung isa-stacks, yung bat, ano, tsaka yung kaget na i-rollback,
09:00doon sa halagang puti may piso.
09:02Wala sa pinag-uusapan ng kanilang hinihingi.
09:05Katunayan, may posibilidad pa na bawiin ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang pisong taas-pasahe dahil
09:15sa napipintong rollback.
09:17Pwede susuwiin po natin yan at titignan po natin kung may mag-file po ng petisyon para naman po i
09:21-baba ang pamasahe.
09:23Ang 2018, kung saan nung sobrang bumaba po ang gasolina, ang LTFRB po ay binaba rin po ang pamasahe.
09:29May panila babawihin, ikulang pa nga yun eh. Ang hinihingi namin pinakit sa pampiso para sa panamang makabuhay sa aming
09:37pamilya.
09:38Dahil sa patuloy lang pantas ng presyo ng gasolina, arso na nung kami talagang kinikita.
09:45Pero malaking bagay ito para sa mga commuter.
09:48Pabor po ako na bumaba po yung presyo ng pamasahe since mas nahihirapan po kung napapamahal po yung bayad namin.
09:57Paboro kasi. Tulad nito, nung co-commute lang kami. Paboro yung sa amin kasi araw-araw kami ng mga masahe.
10:05Sa gitna ng welga sa bahagi ng Menjola sa Maynila, isang lalaki ang tila kinuyog ng ilang rallyista.
10:12Nakita omano nila ang lalaki na naglilista ng mga grupo na nakilahok sa kilos protesta.
10:19Kaya naman hinala nila isang intel ang lalaki.
10:22Pumagit na naman ang mga polis na dinala sa isang polis outpost ang lalaki para ilayo sa mga rallyista.
10:31Nakakonfire naman ngayon sa isang ospital sa Kaloocan ang 78-year-old si Tatay Elmer Cordero.
10:38Matapos siyang mahirapan huminga at tatakihin sa puso sa gitna ng welga kahapon sa monumento.
10:45Bigla na lang daw pong sumikip yung dibdib at nawala na po siya ng malay.
10:51Hindi po siya nagsabi na masama yung pakiramdam niya basta umupo na lang daw po siya.
10:56Possible rin daw na pinalala ito ng ibang sakit ni Tatay Elmer.
11:01Ang una niya pong iniinda ay yung sakit na po sa likod.
11:05At napag-alaman ko rin po na may asma siya.
11:09Ang sabi po ng nakausap pong nurse, parang komplikasyon na po yun sa puso at saka yung sa asma niya.
11:17Kabilang si Tatay Elmer sa tinaguri ang Piston 6 o yung anim na miyembro ng grupong Piston na inaresto
11:24at ikinulong noong 2020 ng mag-ilas protesta sa gitna ng quarantine.
11:30Kalaunay, iniurong ang reklamo laban sa Piston 6.
11:34Limampung taong naging jeepney driver si Tatay Elmer.
11:38At ayon sa grupong Piston, inspirasyon nila si Tatay Elmer dahil sa kagustuhan niyang isulong ang karapatan ng mga tsupera.
11:46Ako, si Mark Salazar. Ang inyong saksi.
11:49Bukod sa mga hinatiran umuno ng pera, i-dinitali rin ang nagpakilalang tauhan ni dating Speaker Lord Alan Velasco sa
11:57kanyang affidavit kung saan galing ang mga pera.
12:00Saksi, si Darlene Kai.
12:06Iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation ang mga aligasyon ni Rodulfo Gracioso Jr. sa kanyang sinumpaang salaysay.
12:13Sa kanyang sworn affidavit na ibinigay ng NBI sa Jimmy News, sinabi ni Gracioso ang nagpakilalang dating head security ni
12:19dating House Speaker Lord Alan Velasco
12:22na ilang ulit daw siyang inutusan ng kanyang boss Alan na mag-deliver ng mga maleta ng pera sa ilang
12:27politiko.
12:29Sa isang bahagi, pinanggit ni Gracioso na noong 2020 kabilang sa pinanggagalingan ng perang hawak ni Velasco
12:35ay mula kina dating Congressman Zaldico at Marikina 2nd District Representative Miro Quimbo.
12:41Narinig daw niya kay Quimbo na ang pera galing umano sa mga kontratista ng DPWH kabilang sina Curly at Sara
12:47Diskaya.
12:48Minsan daw, nang mag-pick up siya ng pera mula kay Quimbo, nakita niyang kasama nito ang yumaong DPWH Undersecretary
12:55Catalina Cabral.
12:56May pagkakataon din umano na nang mag-pick up siya ng pera sa bahay nico, nakita niya roon si dating
13:01DPWH District Engineer Henry Alcantara.
13:04Noong 2021 din daw, nagpa-approve sila ng isang General Pipino ng mga proyekto sa Region 8 sa tanggapan ng
13:11DPWH at Budget Department.
13:13Tinanong daw siya ni General Pipino ng rate ng SOP.
13:16Ang sabi raw ni Velasco kay Gracioso, 25% ang all-in na porsyento para sa tinatawag na SOP at
13:24babayaran ito in advance.
13:26Sinisikap ng GMA News na makuha ang pahayagin ako, Timbo, Alcantara, mga Diskaya at iba pang napanggit ni Gracioso.
13:33Pero nauna nang itinanggi ng kampo ni Velasco ang mga aligasyon ni Gracioso at sinabing wala itong basihan.
13:41Ako si Darlene Kay, ang inyong saksi.
13:50Sinisikap po namin makuha ang pahayag ni Nag-Congressman Miro Kimbo, dating DPWH District Engineer Henry Alcantara,
13:57at ang mag-asawang kontapistang sina Curly at Sara Diskaya,
14:00gayon din ang iba pang nabanggit ni Rodolfo Gracioso, kagmay sa mga aligasyon laban sa kanila.
14:06Pero wala pa po silang tugon sa ngayon.
14:10Apat na pong individual inaresto sa Peña Randa Nueva Ecija dahil sa pagbimina ng walang permit.
14:17Ayon sa mga otoridad, nakatanggap sila ng tawag tungkol sa iligal na pagbimina sa lugar.
14:22Pagdating nila roon, ay tumambad ang malaki at malalalim na hukay sa lupa.
14:27Kinumpis ka na maotoridad ang dalawang back row, pero tumakas umano ang operator nito.
14:32Sabi na mga hinuli, kahirapan sa buhay at kawalan ng trabaho ang nagtulag sa kanila para gawin ito.
14:39Office of the President, Senado, Kamara at Komelec, binigyan ng limang araw ng Korte Suprema
14:45para magkomento sa petisyong kung may kwestiyon sa Constitutionality ng Republic Act 12326
14:52o ang batas na nagpapaliba ng barangay at sangguniang kabataan elections.
14:56Imbis na sa darating na Nobyembre, inilipat sa November 2028, ang eleksyon alinsunod sa bagong batas.
15:03Pinalawig din sa limang taon ang termino ng mga opisyal ng barangay at SK na dati ay apat na taon
15:09lang.
15:10Ikinatuwa ng petitioner at election lawyer na si Atty. Romulo Makalintag ang kautosan ng kataas-taas ang hukuman.
15:18LRT 9-2, magpapatupad ng libling sakay sa mga piling oras bukas, October 1, para sa mga National ID Holder.
15:25Ayon sa LRTA, mula alas 7 ng umaga hanggang alas 9 ng umaga at alas 5 ng hapon hanggang alas
15:327 ng gabi ang libling sakay.
15:34Kailangan lang ipakita ang National ID Card, National ID na nasa paper format at kahit digital National ID.
15:41Bilang bahagi ito ng pagdiriwang ng 37th National Statistics Month.
15:45Ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.