00:00Nasa tamang taawiran pero naaksidente pa rin?
00:05Hindi na lang multa kundi mas mabigat na parusa
00:08ang gustong ipataw sa mga driver na makakadisgrasya sa pedestrian lane
00:13kabilang ang otomatikong pagbawi sa lisensya.
00:17Nakatutok si Vaughn Aquino.
00:23Nag-pedestrian lane naman ang babaeng ito sa Quezon City
00:26nang mabundol siya ng isang dere-derechong sasakyan.
00:30Ang nakabanggang driver, Tumakas.
00:33Nasa tamang taawiran din ang magkakatrabahong ito sa Antipolos City nitong Agosto
00:38pero hindi pa rin sila hinintuan at inararo pa nga ng isang kotse
00:42kaya dalawa sa kanila ang nahagip at sugatan.
00:46Sampung minuto pang nakipaghabulan sa pulis ang suspect
00:49na napagalamang empleyado pa mismo ng Land Transportation Office o LTO.
00:55Kung tutusin kasi, dapat nagbabagal ang mga nagmamaneho
00:58pagdadaan sa pedestrian lane, may tumatawid man o wala.
01:02May mga kusa namang humihinto ng tumawid ako sa ilang pedestrian lane kanina
01:06pero hindi lahat ganyan.
01:09Ayon sa LTO, dahil sa dumaraming kaso ng pagkamatay ng mga tumatawid sa pedestrian lane
01:14at pangaharas sa kanila,
01:15ipinababalangkas na ni LTO Chief Marcos Lacanilaw ang kautusan
01:19upang bawiin ang lisensya ng mga motoristang masasangkot sa mga aksidente sa pedestrian lane.
01:25Dapat hindi yung mga fines eh.
01:28Dapat dito drastic.
01:30Dinaan lang namin sa legal para mas maayos lahat
01:35pero hopefully itong mga araw na ito matatapos namin, ilalabas namin yan.
01:40Dadaan pa rin naman Anya sa proseso ang revocation ng lisensya.
01:44Bigyan ang due process, magpaliwanag, pero revoke na yan.
01:48Ang bagsak niya.
01:49Automatic po.
01:50Oo.
01:51Sang-ayo naman dito ang ilang pedestrians tulad ni Ananyel
01:54na kuminsan takot na raw tumawid kahit sa pedestrian lane.
01:58Meron pa rin sa akin na hindi huminto.
02:01Oo, ano ginawa mo?
02:02Ako na lang din po yung huminto. Ako siya yung pinagbigyan ko.
02:05Kahit ako na yung tumatawid.
02:06Sa pedestrian?
02:07Opo.
02:08Ang ilang nakausap naming driver may hiling sa LTO.
02:11Favor naman sa ganun ma'am pero sana investigahan muna ng maigi
02:14bago tanggalan ng lisensya kasi kawawa rin yung driver na mawawala ng hanap buhay.
02:19Pag pedestrian, kailangan talaga huminto ka pag bibigyan mo yung tumatawid.
02:24Pero kung ganyan babawian ka agad, isang pagkakataon palang magkasala ka,
02:29pang hindi naman tama yun.
02:30Diba?
02:32Von Aquino, Nakatutok, 24 Oras.